CHAPTER 21

1017 Words
Raquel POV Hay! I'm back!. Magaling na ako. Nag-unat-unat muna ako. Habang namimili ako ng susuotin ko ay may nakita akong isang jacket na hindi sa akin Flashback "Gamitin mo muna baka magkasakit kapa niyan" sabi ni Bryan sabay abot sa akin ng jacket. Kinuha ko nalang End of flashback Napagdesisyon kong ilagay yun sa isang paper bag. At dali-dali akong nagpunta sa banyo para maligo (Fast forward) Pababa na ako ng taxi. Nagtaxi nalang ako tinamad kasi ako magdrive. Nandito ako sa harap ng bahay nina Bryan. Ang ganda din ng bahay nila Nagdoorbell na ako at ilang sandali ay lumabas na din yung magandang babae. Kahit mga 40+ na ito ay sexy at maganda parin. Siguro mommy ito ni Bryan "Sino sila" sabi niya nung pagkabukas ng gate "Ako po si Raquel. Nandiyan po ba so Bryan, kaibigan niya po ako" masayang sabi ko sa mommy niya "Pasok ka iha" maligayang sabi naman ng kaniyang mama at pumasok ako "Ako pala si Sofia Reyes, Tita Sofi nalang ang itawag mo sa akin"aniya habang papasok kami sa loob Tama ako diba? Mommy ni Bryan "Cge po Tita Sofi" sabi ko at nakita ko siyang ngumiti "Bryan!! Anak!! May naghahanap sayo!!" Sigaw niya sa itaas nung makapasok kami "Umupo ka muna iha ha! Diyan ka muna" ani TitaSofi at umalis Tiningnan ko na lang ang mga pictures nila 'Bakit parang? Wla ang tatay niya maski isang picture man lang? Sino ang tatay niya?' "Raquel?" May isang pamilyar na Boses ang nagsalita Ibinalik ko na lang yung hawak ko na picture sa dati nitong kinalalagyan at tumingin sa likod ko. Si Bryan nga _____ Nandito pala kami ni Bryan sa park. Ewan ko! basta gusto niya raw dito "Bakit ka pala nagpunta sa bahay Raquel? Okay ka na ba?" "Okay na ako, huwag kang mag-alala Gusto ko lang isauli to oh!" Ani ko sabay abot sa kaniya nung paper bag na kanina ko pa bitbit Agad naman niya itong kinuha at tiningnan sa loob kung anong meron "Nakita ko kasi yan, kaya balak ko nang isauli sayo" sabi ko. Nagulat ako nang ibinalik niya sa akin yung paper bag "Bakit mo binalik?" "Sayo na yan. Regalo ko sayo. Heheheh" sabi niya sabay tawa pa "Akin na nga lang yan! Thanks ha!"sabi ko sabay kuha sa kaniya nung paper bag "Thanks? Bakit? Dahil binigay ko sayo yan?" "Hindi!! Thanks sa pag-alaga mo sa akin. Nakuwento na lahat sa akin ni Mama lahat. Grabe ka ah!" "Wla lang yun" Ilang segundong tumahimik... "Bryan? Puwede magtanong?"sabi ko sa kaniya na nakatingin sa malayo. Corious lang ako kanina "Ano yun?"nakita ko namang tumingin siya sa akin "Napansin ko kasi na wla yung papa mo sa mga pictures niyo? Asan ba papa mo?" Nalungkot ang kaniyang mukha "Napansin ko ding hindi ka nag kuwento tungkol sa kaniya. Okay lang din kung ayaw mong sabihin" "Ok sasabihin ko sayo. Matagal ko na itong kinukomkom sa kalooban ko. Baka it is the right time na i open up ko sayo toh" grabi! Ang seryoso naman niya "Mga bata pa kasi kami ni Ianie ay iniwan na kami ni papa" paninimula niya "Birthday na birthday ko noon. Nagulat nalang kami dahil wla na ang mga gamit niya. Hinanap namin siya kahit saan, nagtanong na din kami sa pulis. Wala talaga. Hanggang isang araw ay may tumawag sa amin ang sabi niya nasa America na ang papa ko kasama ang babae niya" "Wlang gabing hindi umiiyak si mama. Pati kami naapektuhan. Hanggang unti kaming bumangon, nagsimula kami ulit ng bagong buhay. Kinalimutan na namin siya" "Kayat kung babalik siya! Hindi ko talaga siya mapapatawad. Simula nung iniwan niya kami kinalimutan ko nang may papa ako" malungkot na sabi niya "Bryan, kung babalik ang papa mo, tatanggapin mo ha?" "Raquel kasasabi ko lang sayo dba?" "Masuwerte kayo Bryan at bumalik pa siya para sa inyo. Ang iba nga diyan ay hindi na bumabalik ang taong mahal nila" sabi ko "Gaya ko. Nasa heaven na ang real parents ko" pagkasabi ko nun ay nakita ko siyang nagulat sa sinabi ko "Anong ibig mong sabihin?" aniya Hay! Ako naman ang magkukuwento ngayon "First year high ako nung namatay yung mga magulang ko dahil sa aksidente. Ang masaklap pa nun ay pinlano lahat. Nag-imbestiga ang mga police pero wla solang makita, tumigil na sila. Pero ako, hindi ako titigil. Hahanapin ko ang hustisya sa pagkamatay ng mga magulang ko" wika ko Nakita ko si Bryan na nagtataka pa din "Si Tita Isabelle kakambal ng mama ko. Ang bait nila dahil inampon nila ako, inalagaan at minahal na parang totoong anak. Mama ang tawag ko sa kaniya kasi kamukha niya kasi ang napayapa kong ina" aniko at naliwanagan na ata si Bryan "Alam mo nung araw na yun parati nalang akong umiiyak. Mag-isa, ayaw ko na may kumausap sa akin. Hindi ko matanggap na wla na sila. Minsan nga, ay, naisipan kung mas mabuti kung sundan ko na lang sila don" kunot noo ko niya akong tiningnan "Bakit mo naman nasabi yan?" Aniya "Feeling ko kasi mag-isa na ako. Wala nang halaga ang buhay ko. At unti-unti akong narealize na kayat binuhay ako ni Lord dahil may magandang plano pa siya sa akin. Nagpasalamat talaga ako dahil nandiyan si Tita, si Tito na namayapa na din, si Dexter at kayo!" "Naging masaya ang buhay ko nung nakilala ko kayo. Kayo na parang pamilya ko na. Kaya't ako sayo Bryan patawarin mo ang papa mo ha? Kung babalik siya"sabi ko at hinawakan pa ang kaniyang kamay ~~~ Bryan POV Ang saya ng kalooban ko dahil hinawakan ni Raquel ang aking kamay. Ang lambot ng kamay niya "Matuto ka sanang magpatawad, dahil lahat naman tayo ay nagkakamali. At isa pa, kahit anong gawin mo tatay at tatay mo pa rin siya" aniya at tiningnan ako sa mata at binitiwan na niya ang kaniyang kamay Tama siya, tatay at tatay ko pa rin siya. Pero hindi madali yun "Hay! Huwag na nga tayong magdramahan dito. Halika! May pupuntahan tayo" sabi ko sabay tayo "Saan naman?" Hindi na ako nagsalita at hinila na siya don _______
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD