Bryan POV
Nandito lang ako sa kuwarto ni Raquel. Nang..
(Katok)
At pumasok ang mama ni Raquel
"Halika muna iho" sabi niya. Sumunod naman ako sa kaniya at nagtungo kami sa terrace
"Bakit po tita?" tabong ko
"Hindi naman kita pinapaalis dito. Pero, kailangan mo nang umuwi. Baka kasi nag-alala na ang mga magulang mo"
"Wag po kayong mag-alala Tita, nagpaalam na ako sa kanila"
"Buong gabi mong binantayan ang anak ko"
Tama! Buong gabi ko binantayan ang future wife ko. Ang assumero ko noh! Kahit sinabi nla na umuwi na ako ay hindi pa din ako uuwi
"Okay lang yun tita"
"May gusto ka ba sa anak ko?"
Namutla na yata ako sa sinabi niya. Patay ako Neto!!
"W-wa-wla p-p-o"utal kong sagot. Shakste ka Bryan!! Halata ka masyado!
"Just kidding! Ang seryoso mo naman"
Hay! Muntikan ka na Bryan!
"Pero sana mamayang hapon uuwi ka na ha! Magpahinga ka na" ani Tita Isabelle
"Sige po tita, kung yan ang gusto niyo" ani ko at ngumisi
_____
Raquel POV
"Thank you babe!!" Isang tinig ng isang pamilyar na babae at lalaki. Hindi ko sila makita dahil blurred ang mga mukha nila
Nakita ko ang sarili ko na iyak ng iyak na labis na ipinagtataka ko. Bakit ako umiyak? Sino ang babae at lalaki na yun? Ano ang koneksiyon ko sa kanila?
__
Napabangon na lang ako.
"Hay! Panaginip lang pala yun" bulong ko
Actually, palagi akong nanaginip about yun. Pero hindi ko na lang pinansin
Hinimas-himas ko ang sarili ko. Medyo mainit at medyo masakit pa din ang ulo ko.
Tumayo ako dahil kaya ko naman. Nakaramdam kasi ako ng gutom kaya bumaba na ako
Pagkababa ko ay wlang tao akong nadatnan. Kinaya kong maglakad kahit na. Alam niyo ba yung feeling na pagod ang katawan ko, tas gusto mo humiga at Matulog na lang? Basta alam niyo na yun!
Dumiretso ako sa kusina at nakita ko ang isang lalaki. Lalaki??
"Ma'am Raquel, buti gising kana" sabi ni manang na may bitbit pa ng gulay. Nakita ko naman nung pagkasabi nung pangalan ko ay lumingon sa akin yung lalaki at nagulat ako
"Bryan!? Anong ginagawa mo dito?"tanong ko. Lumapit naman siya sa akin at ipinagpatuloy ni manang ang kaniyang ginawa
"Bakit bumangon ka na? Okay ka na ba? Ha?"
"Medyo" maikling sagot ko
"Nagugutom lang kasi ako" dagdag ko
"Tamang-tama malapit na matapos namin ni manang Sel ang niluto namin. Magpahinga ka muna sa kuwarto mo, ihahatid ko na lang. Ok?" sabi ni Bryan sakin at ngumisi
"Masusunod master. Heheheh" sabi ko na nagsaludo pa. Nakita ko naman siyang ngumiti sa akin
(Manang Sel: napangisi na din sa dalawa)
______
Irene POV
Nag-enjoy nga kami dito. Kahit ano-ano ang mga sinakyan naming rides together with my family. Lahat ng puwedeng gawin dito sa beach ay ginawa namin
Sumama pala ang pinsan kong si Cheska. Halos kapatid na nga ang turing ko sa kaniya. Siya kasi ang pinaka close na pinsan ko
"123 smile!" Sabi ni cheska at nagsmile naman ako
Pagkatapos non ay pumunta siya sa akin at ipinakita yung pic
"Ang ganda noh!" Sabi niya sa akin
"Dali ikaw naman yung picturan ko! Mawala na yung araw oh!" Sabi ko at ibinigay naman niya sa akin ang phone niya at puweato sa pinuwestuhan ko kanina
___
"Ang ganda talaga ng kuha natin noh!" Sabi niya
Iba't iba ang mga post namin. Merong naglalakad sa tabi ng dagat habang nakayuko na naka smile. Sa mga bato naman at marami pang iba
"Maganda din naman kasi tayo. Hahahah" sabay naming tawa
"Bolero ka talaga insan"
"Cheska!! Irene!! Kain na tayo" tawag ni mama
"Yes po Tita!!" si cheska
"Nandiyan na po ma!!" ani ko at bumalik na kami sa cottage
__
Marc POV
Hay marami talagang salamat kay Tita dahil pinabakasyon muna niya ako. Kakapagod din doon sa kompanya nila. 1 week raw ako dito
Nandito ako ngayon sa Clinton Beach Resort. Yez! Sila Irene ang may-ari nito. Bakit dito ang napili ko? Wla lang maganda talaga dito
At si Gia? Hindi sumama sa akin. Mag-enjoy na lang raw siya kasama ang boyfriend niya na si Piolo. Remember? Kung hindi basahin niyo previous chap.
Actually, matagal nang patay ang mga magulang namin, mga bata kami. Inampon na kami ni auntie. Scholar nga ako nung highschool eh pati si Gia. Yung ibang mga kaibigan namin mga mayayaman yun.
Kaya nakipagsapalaran ako sa states dahil may nagsabi sa akin na isa raw ako sa mga estudyante na napili nila para bigyan ng scholarship. Hindi na kasi kaya ni auntie na papaaralin pa ako. May dalawa pa kasi siyang anak
Kaya hindi na ako nagtumpik-tumpik pa. Tinanggap ko na ang alok sa states. Nung makarating ako doon ay na-scam palang ako. Halos gumuho ang mundo ko
Konti lang ang perang Dinala ko. Sa kalsada muna ako natulog, pulubi na ata ako non
Hanggang nakita ako sa mama ni Raquel, isinama niya ako sa bahay nila. Pinakain, pinatira, at sila na din ang nagpaaral sa akin. Ang bait nila noh? At ang suwerte ko din
Hanggang sa maka-graduate na kami ni Raquel ng college. Pareho kaming kinuha na kurso ni Raquel na business management
Laking tuwa ko nang binigyan nila ako ng opportunity na magtrabaho sa opisina nila. Tinanggap ko na iyon. Sino ba naman ako na papayag? Para naman masuklian ko ang kabaitan na hinandog nila sa akin. Kaya umuwi kami lahat sa pinas
At ayon, kinuwento ko na ang lahat sa inyo. Pumasok na ako sa loob ng resort
___
Irene POV
Naglalakad ako habang nakayuko dahil umiinom ako ng buko juice. Ng..
*bogsh*
May nakabangga ako at nahulog ang buko juice ko
"Ano ba yan! Hindi kasi tumitingin sa daan!" Reklamo ko sa lalaking nakabangga sa akin, nakayuko pa din ako
"Irene Ikaw ba yan?" Isang pamilyar na boses na lalaki
Ng iangat ko ang ulo ko. Siya!
________