Bryan POV
Pumasok kaagad kami sa kotse ko. Basang-basa kaming dalawa ni Raquel. Buti nalang at may damit ako sa bag ko
Pinaandar ko ang kotse at pumunta sa cr. May nakita kasi akong cr.
___
Raquel POV
Nang pinark ni Bryan ang kotse niya tapat sa cr, ay may kinuha siya sa likod
Napasandal na lang ako. Ang sakit kasi ng ulo ko. Medyo tumigil na din yung ulan
Maya-maya'y may inabot si Bryan sa akin.
"Ano yan?"
"Gamitin mo muna, baka magkasakit kapa niyan" kinuha ko na lang yun. Jacket ata toh?
___
"Ang sakit talaga ng ulo ko!" Bulong ko napahawak pa sa ulo
Kinaya kong lumabas ng cr at nakita ko nga don na nakasandal si Bryan sa pader, nakabihis na din ito
___
Bryan POV
Tahimik lang kaming dalawa ni Raquel sa biyahe. Nagtataka nga ako kung bakit hindi siya nagsasalita kanina pa nung nagsimula kaming bumyahe. Ako na ang nagsalita
Paglingon ko sa kaniya ay napahawak siya sa ulo niya
"Raquel, ok ka lang? Masakit ba ulo mo?" Pag-alala ko
Baka dahil kanina sa ulan. WHAT Ako ang dahilan. No way! Hindi ko talaga masisi ang sarili ko kung mapahamak siya
Hinawakan ko nga ang noo niya. Shedda!! Mainit nga!.
"Okay lang ako Bryan, itulog ko na lang ito" tanging sagot niya
"Anong okay ka lang diyan!"
Ako ang may kasalanan eh! Kung iniwan ko na lang kasi siya don at ako na ang lumusong sa ulan, hindi sana siya malalagnat. Bobo ka Bryan!!
Dali-dali akong pumunta sa pharmacy store na nakita ko at bumili ng saridon. Yun kasi ang ipinapainom sa akin ni mommy nung bata ako pag nilalagnat ako
Pagkabili ko ay agad kung pinuntahan si Raquel at ipinainom sa kaniya ang gamot
(A/n: pasensya na kayo kung sa part na ito ay ang napanood niyo na "Just the way you are" yung cla Liza at Enrique. Favorite ko kac yun na part at wla na akong maisip kung paano)
Pagkainom ni Raquel nung gamot ay nagdrive na ako at nagpasyang iuwi sa kanila baka kasi nag-alala na yung mama niya
___
(Doorbell)
Mahimbing na natutulog si Raquel habang buhat-buhat ko si Raquel na pang bridalstyle nung nagdoorbell ako
Tiningnan ko muna ang napakaganda niyang mukha. Maya-maya'y bumukas ang gate nila at lumabas ang mama niya. Patay ako neto!!
"Anong nangyari sa anak ko!!" Gulat na tanong ng kaniyang mama
"Mamaya ko na po ipapaliwanag"
"Ipasok mo siya sa loob!" At dali-dali ko na siyang ipinasok sa loob
Nagulat din ang kanilang maid pero hindi ko na ito pinansin. Dali-dali akong umakyat sa itaas at ipinasok siya sa kuwarto niya. Parang bahay ko lang noh!
Dahan-dahan ko siyang nilapag sa malambot na kama niya at kinumutan
"Sorry Raquel" tanging naibulong ko sa kaniya
"Iho, puwedeng lumabas ka muna, bibihisan lang namin siya" sabi ng kaniyang mama nasa tabi nito ang kanilang maid na Sel ata ang pangalan
"Sige po" sabi ko at lumabas na don sa kuwarto
Habang nasa labas ako ay hindi ako mapakali. Pabalik-balik ako ng lakad. Ang OA ko noh? Well, ganito lang talaga ako sa taong mahal ko kapag may nangyari sa kanila
...After 30 minutes...
Biglang bumukas ang pinto sa kuwarto ni Raquel agad akong pumasok sa loob pero pinigilan ako ng mama niya
"Ok na ang lahat Bryan, huwag mo na siyang aalahanin. Don muna tayo sa baba" sabi niya
Tiningnan ko si Raquel mukhang maayos na nga
Isinara na ni manang Sel ang pinto at naglakad na kami pababa. Nauna na si manang Sel
"Sorry po, hinayaan ko na lang na magkasakit ang anak niyo!" ani ko sa mama ni Raquel habang pababa sa hagdan
"It's okay iho nothing to worry. And call me Tita Isabelle" sabi niya at ngumisi
"Salamat po Tita" sabi ko at nagpatuloy na kami sa paglalakad
"Mom, sino cya" tanong nung kapatid ni Raquel pagdating namin sa living room
"Siya yung dinala ng ate Raquel mo dito nung isang araw. Grabe ka naman at hindi mo siya naaalala" aniya at umupo sa sofa
"Ikaw pala yun kuya"
"Umupo ka muna Bryan" wika ni Tita Isabelle
At don ko napagtanto na nakatayo pa pala ako. Umupo nalang ako katabi nung kapatid niya
~(fast forward)~
"Bryan? Bakit kanina ka pa tahimik diyan
Oo kanina pa ako hindi umimik. Nakakahiya lang kasi. Yung future family mo na din ay sabay kayong kakain
Grabe ako makapagsalita ng future family noh! Hindi pa nga ako sigurado
'Huwag kang mahiya Bryan, hindi lang isang beses o dalawang beses makasabayan mo silang kumain' pagkukumbinsi ko sa sarili ko
"Nakakahiya po lang kasi. Ako pa ang may kasalanan kung bakit nagkasakit ang anak niyo, pinakain niyo pa ako" sabi ko habang palipat-lipat ng tingin sa kanila
"Huwag ka nang mahiya, tutal kaibigan ka naman ng anak ko"
"And future alaga ko na rin" ani manang Sel na naglalagay ng juice sa aming mga baso sabay kindat pa sa kin
"Aalagaan mo si El Bryan ha? Huwag mo siyang sasaktan. Kung saktan mo siya, ipapasundo ko talaga ikaw sa mga tunay na magulang niya sa heaven" sabi ni Tita na ipinagtataka ko
"Ano pong ibig niyong sabihin?" tanong ko sa kaniya pero bumalik lang siya sa pagkain
Tiningnan ko si manang Sel pero umiwas lamang siya ng tingin sa akin
"Tanungin mo nalang si ate Raquel kuya Bryan. Makahanap ka ng sagot sa kaniya" sabi ni Dexter na magkaharap lang
kami
"Ganon ba, sige" tanging sambit ko na lang
Hindi na lang ako umimik. Ang daming tanong sa utak ko. Ano ang ibig sabihin sa sinabi ni Tita? Bakit sinabi niyang tunay na magulang ni Raquel? Hindi ba so Tita ang tunay na magulang niya? At bakit ayaw nilang ipaalam sa akin ang totoo?
'Hay! Huwag ko nang isipin yan!' at nagpatuloy na ako sa pagkakain
__________