CHAPTER 17

1247 Words
Bryan POV (Sa loob ng sasakyan) "Bryan. Wala na ba kayong chance na magbalikan ni Irene?" sabi ni Raquel sa akin, nagfocus lang ako sa pagdrive "Ba't mo naman natanong yan Raquel?" "Wala lang. So wala o hindi na puwede?" "Hindi na puwede Raquel. At for sure nakamove-on na si Irene noh" "Bakit naman?" Hays! Ang kulit talaga "May isa na kasiing babae na naglalaman ng puso ko" 'Ikaw yun Raquel. Ikaw lang at wala ng iba' "Ang suwerte naman nung girl. Ipakilala mo sa akin ha" 'Masuwerte din ako sayo Raquel. Hindi ko na siya ipakilala sayo, dahil ikaw yun' "Imposibleng maging kami eh" malungkot na saad ko "Diba sabi nila na may inilaang isang tao ang diyos para sa atin? Baka siya yung inilaan para sayo Bryan. Malay mo magbreak na sila" ani Raquel "Sana nga mangyari ang sinabi mo" 'Sana Raquel' ____ "Salamat po ma'am/sir" sabi nung guard matapos I check ang loob ng sasakyan namin Mahigit 30mins ay nakarating din kami "Manong Guard?" tanong ni Raquel "Yes po ma'am" sagot naman ng guard "Kilala niyo po ba si Rafael Bautista?" "Si Mr. Bautista po?" "Oo. 'San po yung bahay niya dito?" Ako na ang nagtanong "Dali lang po mahahanap ang magandang bahay niya. Straight lang po kayo galing dito. Tapos sa ikatlong likuan, liko po kayo sa kanan, may makikita po kayong parking lot, don kayo mag-park. Madali niyo lang mahahanap ang magandang bahay niya don. Number 56 po yung nakasulat sa gate. Color brown po yung gate" mahabang litanya sa guard "Sige po manong guard. Alis na kami, salamat po ulit" Pinaandar ko na ang sasakyan at umalis ____ Raquel POV "Ito!" Sabi ko kay Bryan Mga 8 minutes lang naman kaming naglakad. Sakto nga yung guard, ikatlong bahay mula sa parking lot. Pero medyo malayo-layo pa din "Eto na nga yung sinabi ng guard" sabi ni Bryan at lumapit sa gate. Sumunod na lang ako sa kaniya ( Nag-doorbell na siya) "Sana nandiyan si Raffy" sabi ko "Sana nga" aniya Maya-maya'y binuksan ng katulong nila ata. May edad na din ito "Nandiyan ho ba si Rafael Bautista" tanong ni Bryan nasa gilid lang niya ako "Nandito. Pasok kayo" sagot ng kasambahay at pumasok nga kami ni Bryan O_O na lang ako ang gara ng bahay nila, pangmayaman talaga. Nakita ko ding namanghaan si Bryan sa nakita niya "Sunod po kayo sa akin maam/sir, nandito po siya" sabi nung kasambahay Sumunod nga kami sa kasambahay. Shaks!_O pangmayaman talaga! Bawat lakad namin ni Bryan ay patingin-tingin kami sa paligid. Pang-sosyal eh!! Sana sinabi ni Irene na ganito pala ang bahay nila Rafael/Raffy, nagsuot sana ako ng magandang damit. Kakahiya naman!. Buti pa si Bryan nakaformal attire galing ata opisina. Hindi ko namalayan na pumasok kami sa isang malaking silid "Sir Bautista narito napo sila" anang kasambahay don sa lalaking nakatalikod sa amin na nakaupo sa swivel chair Office nga eto ni Raffy may pangalan niya eh! Char may pa-opisina pa siya sa bahay niya Tiningnan ko si Bryan na naka PokerFace. Kanina pa ito hindi umimik ha! Ako nga kanina pa ako daldal ng daldal sa inyo. Tama na! Pagkaharap ni Raffy ay ang lapad ng ngiti niya "Bryan! Raquel! Long time no see!" sabi niya tsaka tumayo at niyakap kami. Nagtinginan kami ni Bryan at ngumiti. Kumalas nadin siya sa pagkakayakap "Manang Lena, alam mo na ang gagawin mo" sabi ni Raffy don sa kasambahay "Opo sir" sagot ng kasambahay at lumabas "Ang yaman mo na bro ha! Ang laki ng bahay mo!" manghang sambit ni Bryan "Ganyan talaga ang buhay" si Raffy. " Umupo muna kayo" Umupo nga kami sa tapat sa lamesa niya at bumalik siya sa swivel chair "Grabi Raf ang laki na ng pinagbago mo!" ako naman "Thanks. Ikaw din Raquel, maganda ka pa rin" aniya "Sus, nambola pa" sabi ko napatawa nalang sila Dumating yung kasambahay kanina at inilapag niya ang kaniyang dinala sa likod namin. Meron din kasi doong maliit na mesa at sofa "Doon na lang tayo, para maayos ang pag-uusap natin" aniya sabay turo sa bandang-likod na gilid namin (kayo na ang bahalang umitindi. Heheheh) ___ ( a/n: basta Raf po ay si Raquel ang nagsalita, basta naman bro o tol ay si Bryan.) "Ilang years na din tayong hindi nagkita ah" ani Raf sabay higop ng tsaa "Oo nga bro eh! Namiss kita, kayo!" "Heheheh. Ako din naman ah!" si Raf. " So bakit kayo nandito. Invite ako sa kasal niyo? Kung ganon, pupunta talaga ako" Sa pagkasabi niya non ay nagtinginan kami ni Bryan at umiwas din "Ano kaba Raf, hindi!" "Hindi pa pala kayo?" "Oo naman bro. Bakit?" "Akala ko. Sayang ang bagay niyong dalawa. Ikaw Bryan kailan mo balak ligawan si Raquel?" ~~~~ Bryan POV 'Shedang kalabaw Bro!! Tumahimik ka!' -senyas ko kay Raffy Bukod kasi kay mang-aagaw ay alam din niya Nakita ko namang nagtaka si Raquel "Ano ka ba bro! Ano ba yang pinagsasabi mo" Ngumisi ng nakakaloko si Raf sa akin "By the way Raf, meron ka nang as--" hindi na naituloy ni Raquel ang kaniyang sasabihin ng pumasok ang isang magandang binibini "Raf?" sabi nung babae habang papasok siya _O_Nagulat kaming dalawa ni Raquel "Lyca!??" Gulat na tanong ni Raquel "Raquel??" Tama nga ang hinala ko si Lyca. Bakit siya narito? "Ikaw nga!" Ani Raquel at niyakap ng mahigpit si Lyca Tumingin sa akin si Lyca "Bryan?. Bryan!" Ani Lyca at kumalas sa pagkakayakap kay Raquel at niyakap niya ako. Kumalas din siya "Bakit kayo narito?" Ani Lyc habang papaupo katabi ni Raffy "Ikaw muna ang tanungin namain, anong ginagawa mo dito" balik na tanong ni Raquel Nagtinginan muna silang dalawa ni Raffy na nakangiti tapos tumingin si Lyca sa amin ni Raquel.Maya-maya'y pinakita niya ang kamay niya at don nakita ko ang wedding ring "Kailan lang ang kasal niyo?" tanong ni Raquel "Last 5 months ago" sagot ni Raffy "Hindi niyo lang ako inimbitahan" malungkot ko pang saad "Paano kami mag-imbita sayo. Wala naman kaming alam kung nasaan na kana Bry" ani Raf "Wala ka na ding update sa IG mo. Maging sa sss mn lang" dagdag niLyca Oo nga tama sila. Last week lang ako nag-update "Ikaw din naman Raquel, 2 months ago ka pang bumalik sa pinas" si Raf. "Buti pa huwag na nating pag-usapan yun. Ano pala ang sadya niyo dito" dagdag ni Raffy at patingin-tingin sa aming dalawa ni Raquel "Balak kasi naming mag-outing tayong magbabarkada "O sige game ako diyan" aniLyca "Kami na ang bahala ni mahal kung saan" ani Raffy at tiningnan pa si Lyca Napangiti nalang kaming dalawa ni Raquel ___ "Alis na kami ha" wika ni Raquel 5:00 pm na. Dito kami sana pakainin pero hindi pumayag si Raquel. Kuwentuhan lang kanina "Sige I text ko na lang kayo kung saan at kailan" si Raffy "Sinabihan ko na din ang iba" si Lyca " Salamat talaga sa inyo" sabi ko Ngumiti sila "Tara na Bryan" Ani Raquel "Basta, huwag niyo kaming kakalimutan ni mahal sa kasal niyo ha" si Raf "Ano ka ba walang ganon" Lumapit si Raffy sa akin na animoy yumakap pero may ibinulong "Ang torpe mo Bryan" ani Raffy at tinapik-tapik pa ang aking balikat Kumalas na din siya "Bye! Mag-ingat kayo ha!" "Kayo din" at umalis na kami Pagkalabas namin sa gate nila Raffy ay biglang bumuhos ang malakas na ulan Tumakbo kami ni Raquel patungo sa parking lot. Medyo malayo pa yun dito. Sa wakas, nakarating na kami sa parking lot _______
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD