CHAPTER 16

860 Words
Raquel POV Pagmulat ko ng mata ko ay laking gulat ko na lang dahil nasa kuwarto na ako "Luhh? Sinong bumuhat sa akin papunta dito?" Bulong ko Tiningnan ko kung anong oras naba "Hala!! 5:30 a.m na!!" napasigaw na si me Pano nangyari to? Dahil nakaramdam ako ng gutom ay bumaba na ako Pagbaba ko ay nakita ko si manang Sel. Manang Sel? Diba nagbakasyon pa siya "Oh iha Raquel" nakangiting wika niya "Manang? Nandito na po kayo?" di makapaniwalang tanong ko "Oo iha, kahapon lang sa hapon. Mga 4 ata" Niyakap ko na lang siya. Miss ko si manang eh. Parang pamilya na kasi ang turing namin sa kaniya. Simula kasi nung dumating ako sa bahay ay siya ang una kong close. Siya din ang nag-alaga kay Dexter nung maliit pa yun "Na miss kita, yaya" sabi ko at kumalas sa pagkakayakap "Ako din. Teka, bakit ka bumaba ang aga pa ah" "Nagugutom po kasi ako eh" "Naku! Hindi pa ako nakapagluto" "Huwag na manang, maghanap na lang po ako ng makakain diyan" ------- "Hmm Manang. Sino pala ang nagbuhat sa akin papuntang kuwarto" sabi ko habang kumakain. Corious lang kasi ako "Yung gwapong matangkad na lalaki. Ano nga ang pangalan non?" Sabi ni manang na may paisip-isip effect pa. Nagluluto kasi siya. "Bryan. Oo Bryan ang pangalan ng batang yun" "Po?? Si Bryan?? Binuhat niya ako?" Napatigil na lang ako sa pagkakain "Oo. Siya lang kasi ang nakita kong tao nung pumasok ako. Yung isa mong kaibigan..nakatulog din" "Ganon po ba"sabi ko at sumubo ulit "Alam mo bang pinaghahampas ko siya ng bag ko kahapon. Akala ko kasi magnanakaw. Niligpit lang pala niya ang kalat niyo kahapon. Alam mo ang bait-bait ng batang yun" "Bakit naman po" "Pagkatapos ko siyang pinaghampas ng bag, hindi man lang siya nagalit nun. Ang sakit kaya" "Tapos, napatunayan niya na magkaibigan kayo. Tapos, sinabi ko sa kaniya na ako na ang magliligpit niyan. Akalain mo ang sinabi niya?" "Ano po?" "Huwag na daw, kaso kayo ang nagkalat non, hindi ako. Tulog naman ang dalawa mong kaibigan siya na lang mismo ang nagligpit. Ang kalat kaya kahapon!" Pagkukuwento niya habang nagluluto pa din. May patingin-tingin pa siya sa akin Hindi nalang ako umimik sa mga kinuwento ni manang ---- (Tunog ng cp) "Hello Irene, napatawag ka?" tanong ko habang sinusuklayan ang aking buhok [Raquel, hindi ako makakasama sa inyo ha. Bigla na lang kasing sinabi ni mommy at daddy na mag family bonding kami] sabi niya sa kabilang linya "Pano na yan, ikaw lang ang may alam" [ Sa ****village sila nakatira. Magtanong-tanong lang kayo don ha?] "Hindi ka ba talaga puwede?" Ako at natapos na sa pagsusuklay [Alam mo namang Minsan lang kami magbonding, pagbigyan ko na] "O sige, kami nang bahala. Mag-enjoy ka ha?" [Sabihin ko na lang kay Raffy na i-onn ang GPRS niya para ma-locate niyo siya agad] "Sige," [Aalis na kami, mag-ingat kayo ha?"] "Kayo din. Bye. Enjoy" at binabaan ko na Tiningnan ko ang itsura sa salamin. Naka dirty white na croptap at black na highways (tama ba?)at kinuha ko yung maliit na sling bag (Vibrate) agad kong kinuha ang cellphone ko Unknown: Raquel, papunta na ako diyan sa akin lang ang sasakyan na gagamitin natin Si Bryan pala, pano niya nakuha ang number ko? Baka binigay ni Marc or Irene. Agad ko siyang nireplayan :okay sige. Thanks pala kahapon, nakuwento na sa akin lahat ni manang. Sorry din sa nagawa niya sayo At nilagay ko na ang cp sa sling bag at bumaba. Pagkababa ko ay nakita ko si manang na naglilinis "Manang? Asan si mam-" hindi ko na natuloy ang sabihin ko ng sumulpot si mama. Nakalimutan kong sabihin sa inyo na naka black shoes ako na may white (bahala kayo, kayo na ang mag-imagine) "Oh,El, anak. Saan ka pupunta, bihis na bihis ka ha" sabi ni mama, kakalabas lamang niya sa kitchen dala-dala ang isang balde na may lamang bulaklak "Bibisitahin lang po ang kaibigan ko noon mahanggang ngayon" "Bibisitahin lang ba?" Sabi niya na may nakakalokong ngisi pa "Opo ma. Matagal na namin kasi siyang hindi nakikita. Kaya naisipan po naming bisitahin na lang siya" "Namin?? Sinong kasama mo?? Si Irene ba?? O si Marc??" "si Bryan po, yung kahapon" ( Doorbell ) "Ayan na po siya ma. Bye po" at hinalikan ko siya sa pisngi "Mag-iingat kayo anak" "Kayo din ma" pagkasabi ko non ay ngumiti muna ako kay mama at umalis na ___ Tinitingnan namin si Raquel at Bryan habang sumasakay sa kotse ni Bryan. Dala ko pa din yung mga bulaklak "Maam, kailan po natin sasabihin kay El yung nangyari sa kaniya?" Sabi ni manang Sel na nasa gilid ko na pala "Hindi ko alam manang. Kung puwede lang sana huwag na nating sabihin kay El" "Bakit ho maam? Mabait naman po na bata si Bryan" "Oo alam ko. Si El naman ang nagdesisyon noon. Hindi ko inakala na mangyayari yun sa kaniya" "Pero sana ma'am sabihin niyo na" "Bakit ba natin to pinag-usapan manang. Itanim na kaya natin to" "O sige ma'am sandali lang po may kukunin lang ako" Umalis na si manang. Napa buntong hininga nalang ako ______
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD