CHAPTER 1
Enid Candelabra POV
"Isda, gulay bili na kayo mga ate, kuya, ale sariwang sariwa po. Ay naku naman! Talagang fresh na fresh aring tinitinda namin." Pag sigaw ko para lamang mabilis ang aming panindang isda at gulay.
"Hija aba‘y hindi ka ba pagod? Pailang racket mo na ito ngayong araw ah.”
“Hindi po ninang ala’ e malakas po ata itong inaanak n'yo.” Isang matamis na ngiti ang binalik na tugon ni ninang.
Matapos ay sabay kaming napa tingin sa isang magarang kotse na tumigil sa harap ng aming pwesto.
“Magandang hapon po maaari po bang itanong kung saan ang bahay nila Enid Candelabra dito?” Agad akong napakurap ng marinig ang tanong ng babaeng nasa mid 40's ang edad. Siya ang babaeng kaninang lulan ng magarang kotse.
“Enid hinahanap ka pala nitong magandang ginang e. Siya po si Enid Candelabra, inaanak ko.” Ani ni ninang sabay siko sa akin.
“Ah ikaw ba hija? Gusto sana kitang maka usap may ibibigay akong trabaho sa'yo kung papayag ka lang naman.” Hindi ko alam kung ano ba ang tamang salitang sasabihin kaya napa ngiti na lang ako sakanya.
“Hindi po ba muna kayo bibili saamin ni ninang bago ako sumama sainyo?” Pabiro kung saad na ikina tawa niya.
“Sariwa ba iyan? Kung gayon ay bigyan mo ako ng limang kilo nitong galunggong, itong tulingan na dalawang kilo pati na rin tag iisang kilo nitong mga gulay.” Masaya kong kinilo ang mga binili niya dahil halos ay maubos na niya ang mga paninda namin. Matapos ay sumama na ako sakanya para sa pag uusapan namin.
After a few minutes nakarating kami sa isang maliit na resto. Nag order siya ng makaka-kain bago niya simulan buksan ang usapan.
“Kumain ka lang hija.”
“Opo, salamat po. Nga po pala kailan ang simula ng trabaho ko?” nag offer siya ng trabaho bilang isang taga pangalaga ng isang mansion habang wala pa raw ang may ari nito. Maganda naman ang trabaho sa mansion ako maninirahan mag isa nga lang.
Feeling señorita ang beshie n'yo noh.
“Bukas na bukas din. Ito ang address mag punta ka na lang diyan bukas sasalubongin ka naman ni manang Vivian. Matanda na kasi siya at hindi na niya kayang alagaan ang mansion.”
“Sige po makaka asa kayong gagawin ko ang trabaho ko ng maayos. Pwede po bang paki hatid na rin ako sa bahay pag tapos natin kumain? Masyado kasing malayo ito sa amin.” Bakit parang natataranta siya kanina pa? Bakit hindi siya makatingin ng deretso sakin? Anong meron kanina pa ganito.
“Bilisan mo na lang madilim na rin baka nag aalala na mga magulang mo sa'yo.” Saad niya na ikinatigil ng pagkain ko.
“May problema ba hija? Bakit natigilan ka?” Pag aalala niya.
“Ah wala po, wala po. Pwede ko na lang po bang ibalot itong mga pagkain para sa kapatid ko?”
“Ilang taon na ba ang kapatid mo? Mukhang mahal na mahal mo sobrang giliw ng mata mo kapag siya ang usapan.”
“Ay opo sobrang mahal ko yon lalo na yong bunso namin na sobrang cute at kamukha ko haha. Si Aleox po 12 years old na while yong bunso po namin ay 5 years old pa lang.” Masiglang wika ko.
“Ikaw? Ilang taon ka na nga ngayon?”
“23 pa lang po ako.” Napatango siya bago ay tinawag ang waiter. Ngunit bakas ang gulat sa kanyang mukha. Nagpa take out pa siya ng ibang mga pagkain para sa mga kapatid ko.
“Thank you ma'am Glendale. Ingat kayo pa uwi.” Masayang pagpapa alam ko bago iwagayway ang kamay ko sa papalayong kotse.
Hinatid niya ako sa bahay namin at ayan at naka bantay sa labas sila ama't ina. Napa tingin ako sa wrist watch ko at pasado alas otso na pala ng gabi.
Luminga linga pa ako dahil sa kakaibang pakiramdam na bumalot sa'kin. By that, a very familiar man appear on my mind, blurry yet had a clear smile of him.
Bigla na lang kumirot ang aking ulo ngunit isinawalang bahala ko na lang ng marinig ko ang boses ng mga magulang ko.
Who's that man?
“Enid hindi ba't sabi namin sa'yo na huwag masyadong mag papagabi at mag papagod sa mga trabaho.” Si ama iyon na naka halukipkip.
“Jusq naman anak aba'y hindi na napatahan sa bahay iyang katawang lupa mo ah. Hindi ka ba napapagod?” Napakamot ulo ako sa tanong ng aking ina.
“Ate? Andito ka ate!” Gulat akong natakbo papasok ng bahay ng makita ko ang bultong katawan ng aking ate Ashlene. Nihindi ko man lang nabigyang pansin ang mga sermon ni ama't ina.
“Parang hindi mo naman ako nakita ng isang taon Enid.” Ani niya at niyakap ako.
“Tingnan mo pa itong mga batang ito't sobrang miss ang isa't isa kahit isang linggo lang nagka walay.”
“Sus ate kita e. Kaya nga ako nag sisipag mag trabaho para makatulong ako sa pag ko-kolehiyo mo ate. Isang taon na lang ga-grduate ka na ate.”
“H'wag ka masyadong mag pagod sa trabaho Enid. Okay lang naman kung hindi ako maka graduate balak ko na rin mag trabaho kas—” pinutol ko ang sasabihin ni ate.
“Ate makaka graduate ka. Hindi ba pag aaralin mo pa mga bunso natin? Kahit hindi na ako kasi masaya naman akong nakakatulong. ”
“Oo nga naman Ashlene nag pipilit din naman kami ng Ina mo para igapang ang pag aaral ninyo.”
“Ay! Oo nga pala tulog na sila bunso? May dala akong pag kain. Kain muna kayo ate, ama, ina tirhan na lang natin sila bunso para bukas.” Kamuntik ko nang makalimutan ang magandang balita sakanila.
“Sino pala yong kasama mo kanina Enid? ”
“Ah si Ma'am Glendale po. S'ya nag bigay sakin nito kanina sa resto at ano binigyan n'ya po ako ng trabaho na may malaking sweldo.” Kwento ko na ikinatigil nila.
“Talaga? Ano namang trabaho 'yon anak?”
“Care taker po ng mansion 30k monthly ko don. Tataas pa raw po kapag maganda ang performance ko at kapag may nakita siyang mas magandang trabaho ipapasok niya ako habang patuloy pa rin sa pagiging care taker ng masion.”
Grabe isang anghel ata si Ma'am Glendale e. Malaking tulong na rin ang 30k monthly lilinis at bibisitahin mo lang naman ang malaking mansion e.
“30k? Tapos lalaki pa sahod mo? Grabe dinaig mo pa nag tatrabaho sa call center Enid ah.”
“Haha oo ate yayaman na tayo.” Nailing na lang ang mga magulang namin sa kakulitan namin.
Matapos ang usapan ay nag punta na ako sa aking kwarto. Napangiti ako ng makita kong masarap na natutulog sa kama ko ang kapatid kong si Nemesis and ang limang taon na kapatid ko.
“Ang cute mo talaga Nemesis parang carbon copy paste ka ni ate, sayang lang at wala akong picture noong bata pa ako.”