CHAPTER 2

1386 Words
CHAPTER 2 Enid Candelabra POV “Nemesis aalis na si ate mamaya uuwi ako may dalang mga pasalubong mo.” She smiled sweetly and kisses my cheeks. Napaka lambing n'ya talaga ang sarap sa pakiramdam. “Ingat ka don anak. Hindi ba haunted mansion iyong aalagaan mong mansion?” Bahagya akong napatawa sa tanong ng aking ama. “Grabe naman kayo kakanood ninyo ng horror movies iyan e.” Sagot ko na ikinatawa nila. “Tsaka dalawang sakay lang naman 'yon mula rito. Sige na po mauna na ako hinihintay na ako don.” “Ingat sa byahe anak.” Nag mano muna ako sa kamay nila bago tuluyang umalis. After 45 mins ay nakarating na rin ako sa wakas sa isang malaking mansion. Natigilan ako sa unang tingin ko rito bigla na lang parang nandilim ang paningin ko't may mga ala-alang malabo na tila ba nag flashbacks sa isip ko. That blurry man again. Nais ko man alamin iyon ay nawindang lamang ako. Nabalik ako sa ulirat ng mag salita ang isang matanda na sa tingin ko ay sing-edad nila ama't ina. “Ma'am kayo na ba iyan?” Bungad saad ng matanda na ikinagulo ng isip ko. “Po? Sino po kayo? Kilala n'yo ba ako?” Tinitigan ako nito mula ulo hanggang paa hanggang sa tila may naalala siya kaya't agad na nataranta. “Ah, eh ikaw ba si Enid ang sinasabi ni Madame Glendale?” Aniya na tila kinakabahan. “Opo ako nga po. Kayo si Manang Vivian?” Tumango siya ng ilang ulit bago ay inaya na niya akong pumasok sa mansion. It's really weird I feel strange in this mansion. Feels like my soul are stuck in here long time ago and now it finds it's way to see the path in reaching me. “Ayos ka lang ba Enid? Gusto mo ba ng tubig?” Tanong ni manang Vivian ng mapa upo ako sa isang couch. “Ah hindi na po ayos lang naman ako. Bigla lang akong nag crave ng gatorade blue na nasa cooler ng ref.” Biglang saad ko ng nasa kawalan ang isip. “Teka at ikukuha kita sag—” “No manang I insist.” Tatayo na sana ako sa pagkaka-upo kanina ng may maalala ako. Bigla kaming nagka tinginan ni manang Vivian. Bakas pareho ang pagtataka sa aming mukha. “Pa-Paanong? Pano mo nalaman na may lamang gatorade blue sa cooler ng ref?” Tanong niya at ako naman ay hindi rin alam kung saan ko ba napulot iyon at ano ang isasagot. “Ah hehe nahulaan ko lang.” I reasoned out. Manang Vivian walk and get some gatorade. “Heto hija. Alam mo ba kung bakit laging may gatorade sa ref?” Tanong niya pa. “Uh siguro dahil paborito ng amo n'yo?” Tama kasi imposible naman na para sa mga maids iyon. “Tama ka don hija.” “Pero asan na po ang amo n'yo? Bakit parang ang lungkot naman ng bahay na ito?” She smiled bitterly before narrating the story. “Matagal ng panahong walang naninirahan dito.” Panimula niya. “Po? Bakit naman po?” Gosh don't tell me sa ibang bansa na naninirahan ang may ari nitong bahay? Mga mayayaman nga naman. “Isang taon mula ng pumanaw ang anak ni Sir Fabio ay umalis na siya ng bansa. Nag babaka sakali na may mahanap syang bakas doon ng anak niya o kahit ang maka limot man lang.” I can feel the pain of his boss. Bakit ramdam na ramdam ko? Ganito ba ako kalambot? “Bakas ng anak niya? Hindi ba't sabi ninyo sumakabilang buhay na ito?” “Hindi namin talaga alam kung ano ang nangyare sa anak niya at sa asawa nito. Masyadong magulo ang naganap ng mga nakaraang panahon.” Pati ako ay naguguluhan sa kwento niya wala bang summary? “May asawa na pala si ma'am.” “Hindi n'ya rin ginusto na maikasal sa napaka murang edad. Wala pa s'ya sa wastong edad ng ikasal siya sa lalaking hindi n'ya naman mahal. Napaka buti niyang tao samantalang isang basagulero ang naging asawa niya. Sakabila noon ay naging mabuting asawa siya kahit parang aso't pusa sila. Sa huli ay natutunan n'ya rin mahalin ang asawa niya ngunit, tila ba naging huli na ang lahat para sakanila.” Hindi ko namalayan na sa kwento ni manang Vivian ay mapapatulo ang luha ko. “Napaka giliw ni Señorita Yvette, talaga namang buhay na buhay itong mansion niya noong mga panahong nandito pa siya. Dati patuloy pa rin nananatili ang mga maids dito nagbabaka sakali na muling bumalik ang alaga namin ngunit napaka tagal na wala pa rin lead sakanya. Kaya't h'wag ka ng mag tataka kung may mga taong bigla bigla bibisita rito sa mansion. Kahit ideneklara na pumanaw na si Yvette ay marami pa rin umaasa na balang araw ay babalik siya.” Pagtatapos niya sa kwento. I wiped my tears away as lean my back on the couch. Napa isip tuloy ako. Wala rin palang saysay ang yaman ng isang tao kung mamumuhay ka sa multo ng nakaraan. Mayaman ka nga ngunit napaka lungkot naman ng buhay mo. “Gusto mo bang ilibot muna kita sa mansion na ito?” Pukaw niya na ikinailing ko. “Manang mag pahinga na lang po kayo. Hindi ba't may byahe pa kayo mamaya patungo sa Manila? Kaya ko na po ito salamat po sa pag entertain.” Tinapik niya ang aking likod bago umalis. Bakit ata sobrang curious ko sa buhay ng mag asawang nag mamay-ari nitong mansyon? Panandalian akong lumabas ng mansion para mag pahangin when someone bump into me. “ Ow, sorry miss. Bago ka ba rito?” He asked and help me to stand. Ngunit agad ko rin nabitawan ang kamay ng binata ng tila ba nakuryente ako nito. So I stare at him. Bigla na lang bumilis ang t***k ng puso ko bago magdilim ang aking paningin at tuluyang mawalan ng malay. It's past 2 pm in the afternoon ng magising ako sa isang kwarto. Wala na ang lalaki kanina na may kasingtingkad ng ngiti ng taong laging nagbabalik sa aking isipan.. Who's that man a while ago? S'ya ba ang lalaki sa aking isipan na may matingkad na ngiti o isa ko lang siyang kathang isip? “I didn't leave yet.” Again, a baritone voice said. Para ba akong naghost bump ng makita ko ang kanyang bulto. “ D- Deious? ” I whisper out of nowhere. “ Huh? Ow, I'm Ivan milady. Nice to meet you, I'm here to visit Yvette's mansion.” Ivan? Saan ko ba nakuha ang Deious? Ang gandang lalaki niya napaka kisig at simple lang. He had this adonis feature that I like. “ P- Pasensya na. Ako nga pala si Enid ang bagong care taker nitong mansion ni Senorita Yvette.” Tumango siya bago ay ngumiti ng malawak. Ang ngiting hindi pineke ngunit may halong kalungkutan. “ You're gorgeous. By the way I have to go may lakad pa kasi ako, hinintay lang kitang magising to make sure you're safe.” Para bang nahawa ako sa kanyang mga ngiti. Ang gaan sa kalooban ko. “ Ganon ba, sige lang Sir ihatid ko na kayo sa labas.” “ Ivan na lang Enid. Hindi mo naman ako amo.” He then chuckled. Bakit parang gusto ng katawang lupa ko ang mahagkan siya? “ Ivan. Sige na mag lilibot pa rin ako rito.” I said while hugging myself. “ Are you cold? Let me hug you first.” Aniya sabay hila saakin at agad akong niyakap. He even kisses my head as he caresses my back. This feeling.... napaka sarap. Naka ilang buntong hininga ako habang nag iikot ikot. Umalis na rin si Ivan at nangako na muling bibisita rito upang makipag kwentohan sakin. He's kind yet, my heart always beats weird when I'm with him. This is really strange. ""TULONG! MISS TULONG!!! PAKI USAP H'WAG ANG ASAWA KO!"" I stop upon surveying the mansion when a loud voice echo inside my head. Tila ba mababaliw ako sa sigaw na iyon mula sa isip ko. Nakaka bingi at nakaka hilo hanggang sa hindi ko na kinaya. Walang tao at mula sa isip ko ang sigaw na iyon. Hindi kaya—
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD