Chapter 4

3019 Words
PINAG-IISIPAN ni Marko kung aayusin pa niya ang pagkakaparada ng sasakyan niya sa gilid ng mall. Sasaglit lang siya sa Ace hardware kaya sa gilid lang ng mall niya naisipang iparada ang kanyang sasakyan at hindi sa pay parking ng mall. Pero bigla siyang natigilan nang mapatingin siya sa rearview mirror ng kanyang sasakyan. Hindi siya maaaring magkamali sa nakita niya. Ang babaeng hinahanap niya at siyang nagpapagulo sa organisado niyang buhay ay ang babaeng nakita niyang sumakay ng jeep. “It’s her!” bulalas niya. Nagmamadali siyang bumaba ng kanyang kotse at sinigurong naka-lock iyon. Kaya pala sinipag siyang magsadya nang personal sa mall at hindi mag-utos sa isa sa mga tauhan niya. Iyon pala ay dahil makikita na uli niya ito. This is destiny, really, nangingiting wika niya sa kanyang isip. Tatawagan na lang niya si Hanna o kaya ay ang driver niya para kunin ang sasakyan niya.  Nakahinga siya nang maluwag nang hindi pa rin umaalis ang jeep at nagtatawag pa ang barker. Isa na lang daw ang kulang at aalis na iyon. Malalaki ang hakbang na nilapitan niya iyon, at halos takbuhin pa niya ang distansiya nang makita niyang may isang lalaki rin na naglalakad palapit sa jeep. Nakahinga siya nang maluwag nang maunahan niya ang lalaki. Napapalatak pa siya nang makita niyang siksikan na sa loob ng jeep. He quickly scanned the faces of the passengers, looking for her. Pero hindi niya ito matagpuan. Nagkamali lang ba siya ng akala na nakita niya ito? Ah, nasisiraan na yata talaga siya ng bait. “Ser, you rayd dis jip?” tila nag-aalangang tanong sa kanya ng barker ng jeep. Napangiti siya nang maunawaan niya kung bakit nagsalita ng ganoon ang barker. Akala siguro nito ay isa siyang turista. Magsasalita na sana siya nang muli siyang mapatingin sa loob ng jeep. Nanlaki ang mga mata niya nang tumutok ang paningin niya sa babaeng nakaupo sa unahan ng jeep. Nakatalikod ito at buhok lang ang nakikita niya pero sa pagtambol pa lang ng dibdib niya ay sigurado siyang ito ang hinahanap niya. Sa hindi malamang dahilan ay tumingin ito sa rearview mirror at sa ikatlong pagkakataon ay nagtagpo ang mga mata nila. Agad rumehistro sa bilugang mga mata nito ang gulat pagkakita sa kanya. Lihim na nagdiwang ang kalooban niya. Kung ganoon pala ay nakikilala rin siya nito. Good sign! anang isip niya. Mabilis na tinungo niya ang unahan ng jeep at ganoon na lang ang pasasalamat niya nang makitang bakante pa ang katabi nitong upuan. Agad na sumampa siya roon. Laking pasasalamat niya na malaki ang kaha ng katawan niya dahil halos madikit na siya sa dalaga. He could almost feel how soft her body was. She was wearing a fragrant scent that was so mild yet there was something in it that screamed seduction. There was amusement in her eyes. At sa kauna-unahang pagkakataon, tila nagkaroon ng mga paruparo sa loob ng tiyan niya, katulad ng mga ikinukuwento ni Hanna sa kanya na nabasa raw nito sa mga romance novel nito. When he looked at her, there was a tiny smile on her lips that she couldn’t hide or maybe she just couldn’t suppress. Umandar na ang sinasakyan nilang jeep. Ni hindi niya alam kung saan iyon tutungo pero wala na siyang pakialam saan man siya dalhin niyon. Basta ngayon ay tutuparin niya ang pangako niya sa sarili na hindi na niya pakakawalan ang babae oras na makita uli niya ito.   HINDI malaman ni Angela kung ano ang mas bibigyan ng atensiyon—ang kumakabog na dibdib o ang amusement para sa lalaki na nasa tabi niya. Kaya pala tila hindi siya mapalagay kanina at parang may bumubulong sa kanya na tumingin siya sa salamin ng jeep. Iyon pala ay makikita na naman niya ang lalaking ito. Tulad sa mga naunang pagkikita nila, sumikdo na naman ang kaba sa kaibuturan ng puso niya. Hanggang sa mamangha na lang siya nang sumakay din ito roon at umupo pa sa mismong tabi niya. Muntikan pa nga siyang mapasinghap nang bigla na lang sumikip doon dahil tila sinakop na ng binata ang buong unahan ng sasakyan. Gayunman, duda siya kung naitago niya ang kanyang pagngiti. Hindi niya maintindihan kung bakit pumorma na lang ang ngiting iyon sa kanyang mga labi na tila ba napakasaya niya. Was she happy because she had seen him again? Naitanong din niya sa sarili kung ano ang ginagawa ng lalaking ito sa jeep gayong sa pagkakatanda niya ay naka-Toyota Vios pa ito nang huling beses niya itong makita. Kung kanina ay nasa kanya lang ang paningin ng mga pasahero, ngayon ay nahahati na iyon sa kanilang dalawa ng katabi niya. Sino nga ba naman ang hindi mapapatingin sa lalaking ito. Kahit simple lang ang suot nitong puting T-shirt, hindi naitago niyon ang kakisigan nito. His hair was perfectly neat pero ang mas nakakatawag ng pansin ay ang asul na mga mata nito. Malaki rin ang kaha ng katawan nito. He looked like a foreigner, or maybe he really was. Sinubukan niyang hindi ito pansinin. But then, how could she ignore him if his presence screamed for attention? Lalo na nang maamoy niya ang suwabeng pabango nito. Dumako ang paningin niya sa mga labi nito. Funny but she finds it so sexy. Manipis ang mga labi nito na tila kay sarap hagkan. Sigurado siya na natural ang pamumula niyon. His nose was high-bridged and proud. Perpekto yata ang tangos ng ilong nito. He was really handsome! konklusyon niya sa kanyang isip. Sanay naman na ang mga mata niya na makakita ng mga guwapong lalaki sa ibang bansa pero tila nahihipnotismo siyang tingnan ang lalaking ito. Such a handsome man with expressive blue eyes. Isinuot niya ang kanyang dark shades. Mahirap na, baka mahuli pa siya nito na kanina pa niya ito palihim na tinitingnan. “Hi.”  Sumikdo ang kanyang puso nang marinig niya itong magsalita. Baritono ang boses nito at parang gustong manindig ng mga balahibo niya sa lamig na dulot niyon. Ugali na niyang hindi pansinin ang mga estrangherong lalaki pero hindi yata niya kayang huwag pansinin ang guwapong katabi niya, so she smiled back. “H-hello.” Napansin niyang lalo yatang nangislap ang mga mata nito sa kasiyahan. He grew even more handsome. She could see an enormous blue sea in his eyes, a blue sea that glistened in the shining sun. Jesus! He’s dangerously handsome! She tried to look away, but failed. He turned his head, akala niya ay manunungaw lang ito sa harap ng jeep pero nanindig na lang ang balahibo niya nang lumapit ang mukha nito sa mukha niya at saka mahinang nagsalita. “Remember me? We meet again, for the seventh time, right?” bulong nito sa tapat ng tainga niya. Naramdaman din niya nang samyuhin nito ang buhok niya. Hindi niya alam kung ano ang mas nangibabaw sa reaksiyon niya: ang pagkagulat sa kapangahasan nito o ang pagkagulat sa sinabi nito. Kung ganoon pala ay natatandaan nito ang pagkikita nila nang hindi sinasadya. Gayunman, nagtataka siya kung bakit pitong beses ang sinabi nito gayong pangatlong beses pa lang naman nila iyong pagkikita. “Yes. But this is only the third time,” nakakunot ang noong pagtatama niya rito sa mahinang tinig. Sana lang ay hindi ganoon kalakas ang pakiramdam nito para maramdaman ang malakas na pagkabog ng dibdib niya. Why on earth that she was finding it so hard to breathe?  Ah, sino nga ba naman ang hindi pangangapusan ng hininga sa lalaking ito na tila gusto nang ihimlay ang ulo sa balikat niya? “And we do not meet, we only see each other,” dagdag pa niya. Gusto na niyang sawayin ito na tumahimik ito dahil bukod sa ugong ng sasakyan ay napakatahimik ng buong jeep. Pakiramdam niya ay nanghahaba na ang mga tainga ng ilang mga pasahero sa pakikinig sa kanila ng lalaking ito. Pakiramdam niya ay tila nanonood ang mga ito ng isang shooting sa pelikula at silang dalawa ng weird na lalaking ito ang bida. Umiling ito. “No, seventh. Napanaginipan na kita. We saw each other in my dreams for four consecutive times. This is destiny, huh? Narinig ko na minsan na kapag pitong beses daw nagkita ang dalawang tao sa magkakaibang pagkakataon ay sila ang nakalaan para sa isa’t isa. This is our seventh time… Doesn’t it mean we’re meant to be?” Umawang ang mga labi niya at hindi na niya napigilang mapasinghap. Ni sa hinagap ay hindi niya naisip na alam ng lalaking tulad nito ang bagay na iyon. At ang ipinagtataka pa niya ay kung bakit nagsasalita ito ng ganoon sa kanya. What did he mean by it? Was he flirting with her? Iyon lang ang maaari niyang isipin kung bakit nito sinasabi ang bagay na iyon. Kung pagbabasehan ang klase ng ngiti ng lalaking ito, tila ginagamitan siya nito ng charm. He was acting like a total boy-next-door. Charming and definitely attractive. Kung iyon nga ang pakay nito, nagtagumpay ito. Yes, she was attracted to him. She wasn’t going to deny it. Para ano pa at lumaki siya sa isang liberated country tulad ng San Francisco kung ang simpleng atraksiyon na iyon para sa lalaki ay hindi pa niya kayang aminin sa sarili niya? Napansin niya na deretso itong magsalita ng Tagalog, kung ganoon ay may dugo itong Pilipino. Gayunman, hindi na niya ito sinagot. Tumingin na lang siya sa harap ng jeep. Yes, her eyes were on the road but her mind was on the man sitting next to her. His scent lingered on her nose and tortured her nostrils like she was already addicted to his manly scent. “You were joking about that dream you were talking about, right?” Hindi na napigilan ni Angela ang sarili na itanong ang bagay na iyon dito. If he had been dreaming about her, then he was interested in her. “No. I swear, napapanaginipan kita, Angela. You and I…” Sasagot na sana si Angela nang mapansin niyang nagsisimula nang magbayad ang mga pasahero kaya hinanap na niya ang coin purse niya sa loob ng kanyang bag para magbayad. Napailing siya. Minsan na nga lang siyang makasakay sa jeep pero tila hindi rin naman niya na-enjoy iyon dahil nasa katabi niya ang kanyang atensiyon. “Let me,” narinig niyang sinabi ng katabi niya nang binubuksan na niya ang kanyang coin purse. Hindi niya ito pinansin at nagpatuloy pa siya sa pagkuha ng barya. Hanggang sa maging malikot na ang lalaking katabi niya. Lahat na yata ng parte ng katawan nito ay nakapa nito. Until he let out a harsh breath and then looked helplessly at her. Jeez! Don’t look at me like that! saway niya rito sa kanyang isip. His eyes had so much power in them. Tila kayang-kaya niyong palambutin ang mga tuhod niya sa pamamagitan lang ng tingin nito. Napailing-iling siya. Maybe he lost his wallet. Hindi naman niya maakusahan na umaarte lang ito dahil wala naman sa hitsura nito na wala itong pera. Isang tingin pa lang dito ay mahihinuha nang mayaman ang angkang pinagmulan nito. Napangiti siya nang frustrated na inihilamos nito sa mukha ang dalawang kamay nito. She found it cute. “This is embarrassing!” he said, then muttered a curse. “Have you lost your wallet?” Hindi na niya naiwasang isatinig ang nasa isip. Kumamot ito sa ulo, again, it made her smile. “Yes! No, I mean nasa coat ko, naiwan ko sa kotse.” Bumuga ito ng hangin. Gusto niyang mapabungisngis sa namumulang mukha nito. Goodness! He’s blushing and he’s so cute! Naglabas siya ng pera mula sa coin purse niya at iniabot iyon dito. “Consider it charity work,” biro niya na lalong ikinapula ng mukha nito. Alanganing tinanggap nito ang pera. “Ililibre kita,” anito bago siya nginitian. Her heart thumped widly. Jesus! Lahat na lang yata, kaaya-ayang pagmasdan sa lalaking `to—ang ngiti nito, ang asul na mga mata, at ang k-kaguwapuhan nito. Maging siya ay na-weird-an sa mga naiisip niya. Aminado siyang malakas talaga ang dating ng lalaki pero bakit pakiramdam niya ay hindi na lang simpleng atraksiyon ang nararamdaman niya para dito? Binalingan nito ang driver na kanina pa niya napapansin na ngingiti-ngiti. “Manong, dalawa,” anito bago uli bumaling sa kanya at saka kumindat. Napailing na lang siya pero hindi na rin niya naiwasang mapangiti. She didn’t know what game he had in mind but she felt like playing that game. “Funny, we still don’t know each other’s names,” anito bago iniumang sa kanya ang kamay nito. “I’m Markopolo de Gracia.” Napangiti siya. “Markopolo?” His name made him sound like an explorer ready to conquer. Is he going to conquer my heart? Napailing na lang siya sa mga naiisip niya. “Yes, Markopolo at your service. And you are…?” Saka lang niya naalala na nakalahad pa rin ang kamay nito sa kanya. Tinanggap niya iyon pero tila nagkamali siya sa kanyang ginawa. Surprisingly, she felt a peculiar heat pass through her body. Nagdulot sa kanya ng pagkalito ang kakaibang init na ipinasa nito sa kanya. “A-Angela,” aniya bago marahang binawi ang kanyang kamay na para bang ayaw na nitong pakawalan sa higpit ng pagkakahawak. “Finally!” He exclaimed. “Angela…” anitong tila ninamnam pa ang pangalan niya. “Your name suits you. You really look like an angel. Wait, where are your wings and your halo?” Bigla siyang naguluhan kaya nanahimik na lang siya at ibinaling sa harap ang kanyang paningin. She didn’t know how to handle the feeling he had awakened inside her. It mystified her. Ang lakas pa ng loob niyang sabihin sa kanyang sarili na kaya niyang laruin ang larong mayroon ito pero bigla na lang siyang nagkaganoon. Bakit biglang gusto na lang niyang umurong? The feeling was terrifying, as if she couldn’t control it and was about to consume her any minute. “Hey,” naaalarmang wika ni Marko nang manahimik na siya. “May nasabi ba akong ikina-offend mo?” “None, gusto ko lang manahimik at magpahinga,” aniya bago ipinikit ang mga mata para iparamdam dito na ayaw na niyang makipag-usap. She knew how to flirt with boys and knew how to handle them. Pero nang mga sandaling iyon ay iba ang nararamdaman niya at ginugulo  niyon ang isip niya. Hindi maaari! Simpleng atraksiyon lang `tong nararamdaman ko para sa lalaking `to. Who wouldn’t melt in his blue eyes, anyway? “Angela…”  “It was nice meeting you, Markopolo,” aniya bago binalingan ang driver. “Manong, dito na lang po ako sa tabi.” Agad namang itinabi ng driver ang jeep nito at saka nagpreno. Dahil nasa tabi ng pinto si Marko, kinailangan nitong bumaba para makababa siya. Nagtaka na lang siya nang pagkatapos nilang makababa ay pinaalis na nito ang jeep. Hindi na lang niya ito pinansin. Naglakad na siya papalayo rito. Pero hindi pa siya nakakalayo ay naramdaman na niya ang pag-agapay nito sa kanya. “What’s wrong, Angela?” Nagkibit-balikat siya. “None,” aniya habang patuloy sa paglalakad. Ramdam pa rin niya ang pagsunod nito. At bago pa siya makapagprotesta ay nakuha na nito mula sa kamay niya ang mga pinamili niya. Salubong ang mga kilay na hinarap niya ito. “Ibalik mo `yan sa `kin.” Bakit ba ayaw siyang tantanan nito? “Hey, lady, relax. Wala akong gagawing masama sa `yo. Look at me. Nasa mukha ko ba na gagawa ako nang masama? Sa guwapo kong `to?” anito, nanlalaki ang mga matang itinuro ang sariling mukha. She didn’t know what happened to her but she just found herself bursting into laughter. Hindi siya sigurado kung sinadya nito ang aktuwasyon na iyon pero natawa talaga siya sa ginawa nito. Kung hindi pa niya napansin na titig na titig ito sa kanya ay hindi siya titigil sa kakatawa. Tumikhim siya bago magsalita. “Sorry about that. I didn’t mean to laugh at you. It’s just that… it’s just t-that—” “It’s just that you find me cute?” pagpapatuloy nito sa sasabihin niya. Natilihan siya dahil iyon din mismo ang nais niyang sabihin. “I’m glad,” sabi pa nito. Sa pagkamangha niya ay itinaas pa nito ang libreng kamay nito at inilapit sa mukha niya. Bago pa niya mahulaan ang gagawin nito ay maingat na tinutuyo na nito ang mga luha niyang naipon sa sulok ng mga mata niya dahil sa kakatawa. He looked directly into her eyes as he wiped away those unshed tears and she couldn’t help but stare back at him. Tumikhim siya nang makabawi bago lumayo kay Marko. “Angela, hindi naman ako masamang tao. Can I invite you out to lunch? I mean, puwede ba tayong mag-lunch ngayon?” Tumaas ang isang kilay niya sa sinabi nito. Iniimbitahan siya nitong mananghalian? Hindi ba at naiwan nito sa kotse nito ang wallet nito? Nakalimutan ba nito ang bagay na iyon? “Mister de Grac—” “Please, drop the formalities, Angela. Tawagin mo `kong ‘Marko.’” “Okay, Marko, iniimbitahan mo `kong mag-lunch? Sigurado ka?” nakangiti subalit nakataas naman ang isang kilay na tanong niya. If Marko was smart enough, malalaman nito ang tumatakbo sa isip niya. Napangiti siya nang umawang ang mga labi nito nang tila nakuha nito ang nais niyang ipakahulugan. Nahagod nito ang sariling buhok habang ang isang kamay na may hawak sa mga pinamili niya ay naihawak nito sa sariling baywang. He looked frustrated. “Just come with me, Angela. Ako na ang bahala—” “Sigurado ka? Hindi mo `ko paghuhugasin ng pinggan?” natatawang tanong niya rito. “No, I promise,” mabilis na sagot nito. Natagpuan na lang niya ang kanyang sarili na tumatango.        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD