Chapter 7

2258 Words

HUMIHINGAL na pinatay ni Marko ang treadmill at saka bumaba mula roon. Eksaktong pagkababa niya ay tumunog ang kanyang cell phone. Sigurado siyang walang kinalaman sa business ang tawag na iyon dahil sinabihan na niya ang kanyang sekretarya na huwag siyang aabalahin. “Hanna.” Kinuha niya ang face towel at pinunasan ang mukha na basang-basa ng pawis. “Dumaan ako sa office mo. Unfortunately, hindi ka pala pumasok. Sayang, may good news pa naman ako sa `yo, Marko.” Napabuntong-hininga siya. Nilapitan niya ang full-length mirror na naroon din sa loob ng private gym ng bahay niya. Sinuri niya ang repleksiyon sa salamin partikular na ang kanyang mga mata. Black eye. Iyon ang nakuha niya sa kamao ni Alexander nang nagdaang gabi. Iyon din ang dahilan kung bakit hindi siya pumasok sa opisina. Ay

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD