Chapter 6

2201 Words

“YOU LOOK so lovely tonight.” Biglang natigilan si Angela pagkarinig sa napakababang boses na iyon. Malamig ang dating niyon at parang gusto niyang ginawin dahil doon. Nasa refreshment area siya at kasalukuyang kumukuha ng fruit punch. Hindi niya kasama si Alexander. Nagpaalam ito na kakausapin diumano ito ng president ng charity event sa gabing iyon. Tumanggi siya nang yayain siya nitong sumama dahil wala naman siyang alam sa pag-uusapan ng mga ito. Kahit hindi siya lumingon ay kilala niya ang may-ari ng boses na iyon. Nakita na niya ito pagpasok pa lang nila ni Alexander kanina. Nakadama siya ng kasiyahan pero agad ding napawi iyon nang makita niyang kasama nito ang babaeng nakita niya noon sa restaurant. Lalo tuloy lumakas ang hinala niya na may relasyon ang dalawa kaya naman umakto

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD