NAGING abala si Brielle sa mga sumunod na linggo. Hinahabol niya ang mga paper works dahil matatapos na ang taon. Panibagong enrollment na naman after two weeks. Haggard siya maging ang ibang mga estudyante. Lately, hindi niya nakikita si Jasper at Ivan. Si Abigail naman sa dorm na sila kung magkita. Kahit walwal ang babae hanga siya dito na inuuna pa rin ang pag aaral. Hinugot ni Brielle ang cellphone na nag-vibrate sa bulsa ng pantalon at binasa ang message ni Ivan. Ipinaalam ng lalaki na maayos na ang venue para sa year end party. Hindi na kakailanganin ang tulong niya. Pero kinukulit naman siya ngayon na dumalo kahit suporta na lang raw. "Pag-iisipan ko nga," sagot kay Ivan sa kabilang linya. Hindi na nakatiis tumawag pa talaga. "Hindi ko pa sure! Basta, matapos na ang mga gaw

