BUMALIK sa higaan si Brielle. Pinatay niya ang lahat ng ilaw sa silid maging ang night lamp. Yakap ang unan ni Sebastian at nakabaon ang mukha roon. Wala pa ring tigil sa pag-agos ang luha sa mga mata niyang nanghahapdi at namumugto na. Halos di rin siya makahinga sa sakit at bigat ng dibdib niya. Sinilip ni Brielle ang cellphone. Umaasang nagtext si Sebastian o nagreply man lang sa mga messages niya subalit wala. Sinubukan niya kasi itong itext at tawagan kanina. Pero nag-off ng cellphone ang lalaki. Alam naman ni Brielle na mali ang ginawa niyang paglilihim. At naiintindihan niya ang naging reaksyon nito. Pero sana man lang sinubukan nitong pakinggan ang paliwanag niya. Hindi 'yung aalis na lang basta. Para maayos nila ang problema. Pero tulad ng dati... kapag nagiging malubak na an

