SABAY na napatayo si Abigail at Maxine nang lumabas si Brielle sa bathroom. Parehong gulat napatingin sa kaniya. "Bakit panget ba?" May pag-aalangan na tanong ni Brielle. "What!? Who told you that? You're f*****g hot, Brie!" Namimilog ang mga mata na bulaslas ni Maxine. "Shet, Brielle! Luluwa mata ng mga boys sa'yo. Magpalit ka na kaya?" "Gaga!" Tumatawang hinampas ni Maxine si Abigail sa braso saka ngising-ngisi at tila iniimagine na ang mangyayari. "Sigurado maduduling si Sebastian sa katitingin sa'yo!" Nalukot ang mukha ni Brielle. Ang bwiset na 'yon! May peklat pala, huh? Well.. makikita niya ngayon sinong may peklat! "Wala akong pakialam sa manyak/kumag na 'yon!" Inis na sabi niya. "Halika na nga!" Nagkatingin sina Abigail at Maxine, sabay nagkibit balikat bago sumunod kay

