NAKAUPO SI Brielle kalong si Brianne sa loob ng isang convenient store malapit sa bus station nang matanawan ang paparating na si Ivan kasama si Abigail. Bakas ang pag-aalala sa anyo ng dalawa Mag-aala una na iyon ng madaling araw at nasa kandungan niya ang tulog na si Brianne. Bitbit niya ang isang maleta na naglalaman ng ilang pirasong damit at mahahalagang papeles. Para silang kinawawang mag-ina sa itsura nila. Namumugto ang mga mata niya maging si Brianne. Ayaw pa nga nitong umalis. Hindi daw nito iiwan ang daddy niya. Pero nang masinsinan niyang kausapin ang anak. Napipilitang pumayag naman ito. Hindi na nga din siya nakapag palit ng damit. Pinatungan na lang niya ng jacket ang pantulog na suot niya. Dahil gusto na niyang makaalis agad sa apartment na iyon. Pakiramdam niya kasi nasas

