Chapter 4

1902 Words
Chapter 4 Crystal Masaya akong nagmamaneho patungo sa bahay namin. I don't know why I'm smiling while I'm driving. Para tuloy akong may tama sa pag-iisip. Dahil doon sa lalaking nasa loob ng sasakyan. Kahit anino niya ay hindi ko nakita pero ewan ko ba na nasa isip ko siya. Pinaandar ko ang FM ng radio ng sasakyan ko. Sinabayan ko ang kantang Someone Like You by Adele. I really love this song and she's one of my favorite foreign singers. Habang nagmamaneho ako nakita ng mata ko ang sasakyan kanina. Ang sasakyan na iyon ay kotse ng lalaking nasa isip ko. Parang na flat ang gulong ng sasakyan nila. Dahan-dahan akong lumapit sa kanila. Hininto ko ang sasakyan ko. Binaba ko ang window glass ng sasakyan ko. Tama nga ang nasa isip ko ito nga yung sasakyan na naharangan ko kanina. I rolled my eyes. Isang tao lang ang nakikita ko. The same man, bodyguard or driver. He is busy. Tumikhim ako sa loob ng sasakyan ko. "Hello, you need help?" biglang nagulat ang lalaking nag-aayos ng gulong. "Ikaw ka pala beautiful," nakangiting sabi niya sa akin. Napangiti rin ako ng palihim. "Baka gusto n'yo po ng tulong, baka may matulong ako." Mahinahon na sabi ko. Ngumiti lang sa akin ang lalaki. Hinahanap ng mata ko ang boss niya. Baka nasa loob ito ng sasakyan niya ayaw lang lumabas. Baka may kapansanan siya. Hinayaan ko nalang. Bahagyang nagsalita ang lalaki. Habang ang kamay niya ang nasa gulong ng sasakyan. Nakatitig lang ako sa kan'ya na na seryoso na inaayos ang gulo ng itim na magarang sasakyan. "Salamat beautiful, malapit na rin ito matapos." Seryoso niyang sagot sa akin. Hindi napigilan ang sarili ko na lumabas sa sasakyan ko. Nilapitan ko siya ng makita niya akong papalapit ay tumayo agad siya at pinunasan niya ng tuwalya ang kanyang kamay. "Ma'am bakit pa kayo lumabas ng sasakyan n'yo?" nahihiyang tanong niya sa akin at hindi ko rin alam bakit dinala ako ng dalawa kung paa na lumabas. "A, e, baka kasi po…" nauutal na sabi ko na hindi ko ipagpatuloy ang sasabihin ko. Tumayo ako ng tuwid palihim kung sinisilip kung sino ang boss niya. "Siguro strict ang amo niya hindi man lang niya matulungan ang driver niya. Baka takot na maalibukan sa labas. I'm sure yamanin ito dahil sasakyan pa lang niya ay galanteng-galante na." Sabi ng isip ko. "Miss beautiful, ok lang po ba kayo?" biglang tanong sa akin ng lalaki. "Po!" mabilis kung sagot. I can't explain myself dahil iniisip ko ang may ari ng sasakyan na ito. Ano ba kasi bigla akong pagsulpot sa hindi ko kilala na tao. Hindi ko ba naisip na masamang tao ba sila o hindi. Pasaway din kasi ako. Binalingan ko ulit ang lalaki hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang pangalan niya. "Sigurado ka ba ma'am, na ok lang kayo? Siya nga pala ako nga pala si Manong Matias. Private assistant ni boss este private driver at kanan kamay niya din." Pakilala niya sa akin with explanation pa natawa tuloy ako. "Ako naman po si Crystal," masayang tugon ko. Makipag-shakehand sana siya sa akin pero hindi na tinuloy ni Manong Matias. "Pasensya na hija, nextime na lang ako nakipag kamay marumi kasi ang kamay ko," paumanhin niya sa akin. I smile at him. Bahagyang nakarinig ako ng malamig na na baritono na boses sa loob ng sasakyan. Napansin ko na nakabukas ang bintana ng sasakyan niya. Balak ko sanang silipin dahil curious ako kong sino ang boss ni Manong. Sure na nahuli na ito sa meeting niya natatandaan ko na sabi ni Manong na may hinahabol na meeting ang kanyang boss. Nang magsalita siya ulit sa loob ng sasakyan ay parang ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Para bang may malakas na ugong nararamdaman ko sa dibdib ko. "I know never in my life pa ako nagka-jowa pero para bang iba na agad ang nararamdaman ko sa boses ng lalaki sa loob ng sasakyan. Ano ba alam ko baka matanda na ang boss or baka isang pamilyadong lalaki na ito. Tapos ubod pa ng arte sa buhay. Erase, erase self kung anong klaseng pumapasok sa isip mo," sabi ng diwa ko na nagtatalo." I look at up my watch. Muntik ko ng makalimutan na may dinner pala kami ngayon. Already six pm na. My phone rang inside my pocket. Mabilis kung kinuha ito. I saw four missed calls from manang. I feel nervous dahil hindi tumawag si manang ng ilang beses kung hindi ito importante. Kaya pala hindi ko narinig dahil naka-silent pala ang mobile ko. Mabilis kung dinayal ang number ni manang. Hindi parin ako gumagalaw sa kinatatayuan ko. "Hello po manang," mahinang sabi ko sa linya. "Hija, saan ka na kanina pa kitang tinatawagan? Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko," medyong nanginginig ang tono ng boses ni manang sa linya. "M-manang may problema po ba?" nanginginig kung tanong. "Ang Daddy mo hija," naiiyak na sabi ni manang sa akin at nauutal din. "Anong nangyari kay Daddy?" malakas na sagot ko at mabilis kung hinakbang ang sasakyan ko. "Bilisan mong umuwi ng bahay hija," mabilis kung pianaandar ang sasakyan ko. Nawala sa isip ko na magpaalam kay manong. "On the way na po ako manang," sabay off ko ng linya. Para akong hinahabol ng multo sa bilis ng pagpapatakbo ko ng sasakyan ko. Habang pinapatakbo ko ang sasakyan ay ay tumutulo ang mga luha ko mula sa aking mga mata. Nararamdaman ko ang mainit na patak ng luha ko sa aking pisngi. Ilang sandali ay nasa harap na ako ng gate ng bahay namin. Pinalakas ko ang busina ng sasakyan ko. Para marinig nila ito at mabuksan nila agad para sa akin. Nakita kung binuksan agad ni manong ang black metal gate namin. Pinasok ko agad ang sasakyan ko sa loob. Nang ma-park ko lumabas agad. Sinabihan ko si manong na siya na ang bahalang ayusin ang sasakyan ko sa parking area namin. Tinakbo ko ang loob ng bahay. Pagbukas ko ng pinto si manang ang nabungaran ng mata ko na umiiyak. Mukhang kanina pa niya akong hinintay. "Manang," sambit ko sa pangalan niya. "Crystal, anak." Sagot niya sa akin na umiiyak at niyakap niya ako. "Ano po ang nangyari? Saan po silang lahat? Si Daddy ano po ba ang nangyari?" sunod-sunod na tanong ko. "Inatake ng puso ang Dada mo hija," I'm speechless sa sinabi ni manang sa akin. "What? Sabihin n'yo nagbibiro lang kayo manang. Paano inatake sa puso si Daddy wala naman siya sa sakit sa puso?" nervous kung tanong na pailing-iling ako. Can't believe it. "Saan pong hospital nilang dinala Manang si Daddy?" walang ka-energy na tanong ko at nanginginig na unti-unti ang dalawang tuhod ko. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari na masama sa aking ama. Tahimik lang si manang sa harapan ko. Ayaw niyang sagutin ang mga tanong ko sa kan'ya. Ginawa ko tinalikuran ko siya mabilis kung hinakbang kung saan ang entrance namin. Ang aking luha ay walang tigil sa kakapatak sa aking pisngi. "Crystal!" malakas na tawag ni manang sa pangalan ko. Nilingon ko siya at nilapitan niya ako hinawakan niya ang dalawang kamay ko. "Manang," naiiyak kung sambit. "Anak, mas mabuti 'wag ka munang pumunta ng hospital. Kabilin-bilinan sa akin ng Mommy mo ate mo na huwag kang pupunta sa hospital." Kumunot ang noo ko sa sinabi sa akin ni Manang. "Hindi po pwede manang. Gusto kung makita si Daddy. Sa ayaw at sa gusto nila Mommy pupunta ako roon. Gusto kong malaman ang kalagayan ni Daddy anak din niya ako." Sabi ko kay manang at tinalikuran ko rin siya. "Pero Crystal kung pupunta ka roon at makita ka ng Mommy mo mas lalo kang papagalitan." Huminto ako ng marinig ko ang sinabi ni manang. "Bahala na po manang kung magalit sila sa akin. Ang mahalaga ay makita ko si Daddy. Parang awa na po n'yo manang sabihin n'yo po sa akin saan hospital nilang dinala si Dad. Kung gusto n'yo po hindi ako magpapakita kay Ate at Mommy." Pakiusap ko kay manang. "Sa Jones Hospital nila dinala ang Daddy mo. Pangako mo hija huwag na huwag kang magpakita sa ate at Mommy mo. Kung malaman nila na sinabi ko sa'yo alam mo na ang mangyari." Tumango-tango ako kay manang at niyakap ko siya ng maghigpit. "Promise po Manang, maraming salamat po. Pag-uwi ko sabihin n'yo sa akin bakit inatake ng puso si Daddy." Mahinahon na sabi ko kay manang. She nodded at me at tumakbo akong palabas ng bahay namin. Dumiretso ako kung saan naka-park ang sasakyan ko. Kinuha ko agad kay manong ang susi ng sasakyan ko. Pinaandar ko agad ito at mabilis kung tinungo ang hospital. Habang nagmamaneho ako ang isip ko ay sa aking ama. Maraming tanong ang isip ko. Bakit hindi sinabi sa akin ni Daddy na may sakit siya sa puso. Kaya pala napapansin ko na nangangayat siya. At laging haggard ang mukha pag-uwi from work. I really want to know what the reasons bakit siya inatake. "Sh*t! Bakit ngayon pa traffic?" tanong ng isip ko. Instead na gusto kong makarating ng hospital ay nahinto ako sa kalagitnaan ng traffic. Umiiyak ako sa loob ng sasakyan ko. Sana sa mga oras na ito ay nagsasaya na kami. Pero iba ang napuntahan kundi si Daddy na na-hospital sa hindi sa tamang oras. Pakiramdam ko ako ang dahilan kung bakit nagkaganito si Daddy. Sana hindi na lang niyang sinabi na gusto niyang e-selebrasyon ang pagtatapos ko. Hinampas-hampas ko bintana ng sasakyan ko. Sumigaw ako ng malakas. Hanggang sa tumunog ang cellphone ko. Sinagot ko agad hindi ko tiningnan kung sino ang tumawag. "Hello," paos na boses ko ng sagutin ko ang cellphone ko. "Crystal, are you okay?" tanong ng lalaki na nasa kabilang linya. Nagsalita siya ni ulit hanggang sa nakilala ko ang baritonong boses niya. "Samuel, si Daddy." Iyon lang lumabas sa bibig ko. "Crystal, what happened to your Dad? I'm worried about you. Please tell me something. Saan ka ngayon?" sunod-sunod na tanong sa akin ni Samuel sa kabilang linya. "Sam, can we talk later? I have to hang up the call." I said and directly I turned off the call. Hindi ko na siya hinintay na sumagot pa. Tinapon ko sa ang cellphone ko sa upuan na katabi ng driver's seat. Mas lalo akong na inis dahil parang hindi gumagalaw ang mga sasakyan na nasa harap ng sasakyan namin. Ilang beses kung pinapatunog ang busina ng aking sasakyan. Para malaman ng nasa harap ng mga sasakyan na may ibang sasakyan sa likod na nagmamadali. Hanggang sa binaba ko ang bintana ng sasakyan ko. May isang babaeng na biglang nagsalita. Baka galit na ito sa lakas ng boses ko. "Lady!" malakas sabi niya sa akin. Tiningnan ko siya nahiya tuloy ako sa boses ko na abot hanggang dulo ng edsa. I prefer na itaas ko ang window glass ng sasakyan ko kaysa sagutin ko ang babae na katabi ng sasakyan ko. Hindi ko na pinapansin ang babae kung makatingin sa akin ay kung ano na. Mukhang naiinis din baka ako pa ang mapagbuntungan niya ng inis dahil sa sobrang traffic. Sabayan pa ng init ng panahon. In a while ay gumalaw din ang sasakyan. Para akong natataranta na parang hinahabol ng Buffalo. Because I don't want to waste my time. Gusto kung makarating agad sa hospital kung saan nila dinala si Daddy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD