Chapter 5
Crystal
"Thank God," I said. Pinark ko agad ang sasakyan ko. Mabuti nalang may isang bakanteng parking. Hindi ako nahirapan maghanap pa ng space.
Mabilis kung tinungo ang loob ng hospital. Hindi ako mapakali patakbo na pumasok. Dumiretso ako sa medical reception. Tinanong ko ang babaeng receptionist na nakasuot ng puting uniform, may pagka singkit ang mata.
"Miss, ano po ang room ni Mr. Leonard Garcia po?" magalang at may pagka-nervous na tanong ko. Tiningnan akong mabuti ng babae dahil siguro pulang-pula na ang mata ko sa kakaiyak at takot.
"Kaano-anu mo po ba n'yo si Mr. Garcia ma'am? Dahil pinagbabawal po ng asawa niya na bawal papasukin ang hindi important na tao." Nagtaka ako sa tanong ng babae at biglang nag salubong ang kilay ko.
"I'm her daughter!" matigas na sagot ko sa inis. I can't control myself sa sinabi sa akin babae. My mom, she is unbelievably selfish." Sabi ng isip ko.
"Nasa third floor po ma'am. Room number twelve," she said.
"Thank you," pasasalamat ko sa babae at mabilis na hakbang ang ginawa ko patungo sa elevator. Pinindot ko agad button ng elevator. Pagbukas ay pumasok ako agad at may isang lalaki akong nakasabay hindi ko na pinansin kong sino siya yumuko ako dahil namumugto na ang mata ko. Amoy na lalake na katabi ko ay familiar ang amoy ng perfume niya mamahalin ito. The same scent sa pabango ni Daddy.
The De Vora's hospital ay isang private na hospital. Pagdating ko sa third floor ay dahan-dahan akong humakbang palabas ng elevator. Hindi lumabas ang lalaki siguro ay sa taas pa ng floor ang tungo niya. Natatakot ako na makita nina Mommy at Ate. Baka magalit sila na pag nalaman nila na nandito ako. Ayoko rin makita nila ako. Sinilip ko ang room ni Daddy. Nakita ko si Ate na lumabas mula sa room number twelve. May kausap ito sa kanyang cellphone. Mukhang masaya siya sa kausap niya sa kabilang linya. Ako naman dito ay parang tanga na sumisilip lang.
"Excuse me, Miss." Nagulat ako na biglang may nagsalita sa likod.
"Oh, God!" nahawakan ko ang dibdib ko sa gulat.
"Bakit po kayo nagtatago, may sinisilip ba kayo?" mahinang tanong babae sa akin. Nahihiyang tumango ako sa kan'ya. Kinausap ko siya baka matulungan niya ako.
"Miss, may favor po sana ako. Kung pwede n'yo po bang alamin ang kung ano na ang kalagayan ng pasyente na nasa room number twelve. Please huwag n'yo pong sabihin na inutusan ko kayo." I pleaded with her. Tumulo bigla ang luha ko sa aking pisngi.
Hinawakan kung bigla ang dalawang kamay niya. Pinakiusapan ko siya ulit hanggang sa pumayag siya. Nginitian niya ako ng matamis na ngiti. Nanlalambot na rin ang dalawa kung tuhod. Nanlalamig din ang dalawang palad ko.
"Thank you so much, sorry po kung naabala kita," nakangiting sabi ko at nagpapasalamat ako sa kan'ya.
"Okay lang, Miss. Actually doon din ang pakay ko sa room number twelve." Nakaginhawa ako ng maluwag sa sinabi ng nurse sa akin.
"Crystal!" galit na sigaw ni Ate boses palang niya ay kilalang-kilala ko na.
"Ate," mahinang sambit ko at nilingon ko siya lumaki ang mata niya sa akin.
"What are you doing here? Who told you to come?" Nanahimik lang ako sa mga tanong ni Ate Kristina.
"Ate, gusto kung makita si Daddy. How is he? Bakit siya biglang inatake sa puso? Kailan pa siya may sakit. Why didn't you tell me?" tanong ko.
"Wow! Crystal ang lakas mong itanong yan sa akin." Umiling-iling na sabi ni ate sa akin.
"Anak din ako ni Daddy, karapatan ko rin malaman ang kalagayan niya. I want to see him." Saad ko at hinakbang ko ang room kung saan ang aking ama.
Biglang hinila ni ate ang braso ko. Pinipigilan niya akong puntahan at makita si Daddy. Pinagtitinginan kami ng ibang tao sa loob ng hospital. Hindi ko mapigilan na ibuhos ang masaganang luha ko. Nagmamakaawa ako kay ate na huwag niya akong hadlangan. Hanggang sa tinanggal ko ang kamay niya sa braso ko.
"This is enough ate, sa ayaw at sa gusto mo gusto kung makita si Daddy." Sabay talikud ko sa kan'ya. Tinawag niya ako pero hindi ko na siya nilingon pa. Lagi na lang niya ako bina-bawalan. Kahit walang kwentang bagay ay hadlang din siya sa akin.
Nang nasa harapan na ako ng pintuan ay nagulat si Mommy na makita ako. Pinag-titinginan nila akong lahat. Lahat ng mga kapatid ni Daddy ay nandito sila. Pati na rin ang Lola ko. Siya lang ang mabait sa akin at si Lolo. Ang iba ay iba ang trato nila sa akin.
"Lola, Lolo." Mahinang sabi ko nilapitan ako ni Lolo, niyakap ko siya at panay pa rin ang buhos ng aking luha.
"Apo, Crystal tahan na. Don't worry napagod lang ang Daddy mo." Sabi ni Lolo pero ang kanyang mukha ay hindi ito masaya at nakikita ko na may kasamang lungkot.
Tiningnan ako ni Mommy, walang kibo ito sa akin. Mabuti na lang nandito sila Lolo at Lola. Kung wala sila sure na pinagtabuyan na ako ni Mommy. Ang ibang Tito ko at Tita ay walang kibo, nakatuon ang mga mata nila kay Daddy na mahimbing na natutulog. Nagpaalam ako kay Lolo na lalapitan ko si Daddy. Agad naman itong sumang-ayon.
"Daddy," mahinang sabi ko at hinalikan ko ang kanang kamay. He's face is pale. Ang kanyang mukha ay he look tired too. Nakaramdam ako ng awa. Hinaplos ko ang pisngi niya at hinalikan ko sa kanyang noo.
Nagulat ako na biglang gumalaw ang kamay ni Daddy. She calling my name, dahan-dahan niyang minulat ang kanyang mga mata.
"Crystal anak," sabi niya sa pangalan ko, ngumiti siya sa akin.
"Kumusta po kayo Daddy?" I asked him. Hindi ko muna tinanong ano ang dahilan kung bakit siya inatake ng puso.
"I'm fine honey," he's cold voice. Magsasalita sana ulit si Daddy ay pinigilan ko. Ayokong mapagod siya he's always sweet at me. I asked him if he wanted to eat. Pero hindi pa raw siya gutom.
"Water," sabi ni Daddy. Tumayo ako para kunan ko siya ng tubig. Pero paglingon ko nakita ko na may hawak na ng isang basong tubig si Mommy. Binigyan ko siya ng espasyo para mapainom niya ng tubig si Daddy. Paglingon ko sa pintuan nakita ko si Ate.
"Crystal," tawag ni ate at agad naman akong lumapit sa kan'ya.
"Yes, ate," I said.
"Pwede ka ng umuwi," diritsang sabi niya sa akin.
"No, ate! I want to stay here!" saway ko kay ate. Walang paalam na tinalikuran ko siya.
Pagpasok ko sa loob napakaw ng pansin ko mahinang nag-uusap sina Daddy at mga kapatid niya. Tinaas ni Mommy ang kamay niya na signed na huwag akong papasok sa loob. Na-gets ko naman agad mukhang seryoso ang usapan nila. Lumabas ako at dahan-dahan kung sinarado ang pinto.
"Ano kaya ang pinag-uusapan nila? Baka iyan ang dahilan kung bakit nandito si dad sa hospital?" tanong ng isip ko. Na- curious tuloy ako.
Pagkalipas ng tatlong araw ay unti-unti ng bumabalik sa lakas ng pangangatawan si Daddy. Mula ng inilabas na siya ng hospital ay naging maingat na siya sa mga galaw niya at kinakain. Pinagbabawal din siya ma- stress. Lahat ng bawal ay hindi namin pinapagawa. Naging tahimik din si ate sa akin nabawasan din ang sigaw at kahit konting bagay lang ako na nagawa pag-dislike niya hindi na niya ako sinisita pa.
Isang buwan na ang nakalipas mula na hospital ang aking ama. Mula noon lagi na lang nasa bahay si Dad. Palagi itong tahimik at seryo. Minsan laging may kausap sa telephone, pag nakikita niya ako, na malapit ako sa kanya ay iniinba niya ang usapan at binababa niya linya. May tinatago talagang malaking problema si Daddy. Minsan nag-aaway sila ni Mommy dahil sa negosyo namin.
Pumasok ako sa kusina, pagkatapos kung pagmasdan ang aking ama na seryosong nagbabasa ng mga documents. Pagbukas ko ng pinto si manang agad nabungaran ng mata ko na nagkakape.
"Hello po Manang," sabi ko.
"Hi, hija. Mukhang masaya ang araw mo ngayon ah," sabi sa akin ni manang at umupo ako sa harap ng kinauupuan niya.
"Manang, may itatanong lang po ako sa inyo," mahinahon na pagkasabi ko. Ibubuka pa lang ni manang ang kanyang bibig ay tinawagan ako ng isang kaibigan ko na si Lea.
"Just a minute manang," sabi ko at sinagot ko ang tawag.
"Hello, Crystal!" medyo malakas na boses ni Lea. May naririnig kasing music at mga tao. Crowded sounds.
"Yes, Lea." I said, I heard her take a deep breath.
"Si Sam dito lasing, walang bukang bibig ang pangalan mo. Can you come to tell with him to stop drinking? He's so drunk. Tinitingnan na siya ng mga tao rito. Mabuti na lang at kilala ako ng isang bartender dito at tinawagan ako." Mahabang sabi sa akin ni Lea.
"OMG! Bakit siya naglalasing ng ganitong oras? Saang bar ba kayo ngayon?" tanong ko sa kaibigan ko narinig ko ang boses ni Samuel na mukhang lasing na lasing ang tono ng boses nito. Mabilis kung binaba ang linya. Nagpaalam ako kay manang.
Paglabas ko ng kusina, nilapitan ko si daddy na nakaupo sa malapit sa bintana. Tinatanaw niya ang garden namin sa labas.
"Daddy, aalis lang po ako saglit pupuntahan ko lang si Lea." Paalam ko kay Daddy. Sumang-ayon din siya dahil she know Lea.
"Mag-ingat ka anak and enjoy with Lea," sabi ni daddy. I smiled at him and gave him a tight hug.
"Thank you po dad." I said at mabilis akong lumabas ng bahay.
Nang nasa R.V.J bar and Restaurant na ako sa Makati at pinark ko ang sasakyan ko. Pumasok ako sa bar isa ito sa mga sikat na bar sa Pilipinas. The bar was so cozy and tidy. Pagkaalam ko pag-aari ito ng isa mga Jones. Umiling-iling lang ako. I rolled my eyes. Hanggang sa nakita ko ang table nila Lea at Samuel. Malaking hakbang ang ginawa ko.
"Crystal, mabuti dumating ka. Ikaw na ang bahala sa kan'ya. I have to go, may kliyente si Daddy na kakausapin ako. But babalik din ako. If late na ako ikaw na ang maghahatid sa kan'ya. I will call you pag-late na ak." I nodded ang mata ko ay kay Samuel.
Umupo ako sa tabi niya. Nag-order din ako ng ladies drink. Sinabayan kung uminom si Samuel. Hindi ko rin alam ba't ko ito ginawa. Pero hindi naman ako inosente sa pag-inom sometimes umiinom din ako pero isang shot lang.
"Samuel, what happened to you? Ba't ka ba naglalasing sa ganitong oras. Ano ba ang problema mo?" sunod-sunod na tanong ko.
"I love you. Please let me take care of you. Can you be my girl? You know how much I like you Crystal. I really want you to court you." Tumayo ako. I dunno what to say to him.
"Lasing ka lang Samuel, halika ihahatid na kita." I said.
"Hindi pa ako lasing, sweetie." He said, walang control na uminom ulit ang isang kopitang may lamang alak.
Kahit anong pigil ko kay Samuel na tama na ang paglalasing, hindi parin ito tumitigil. Pakiramdam ko kami ang mata ng ibang customers sa loob ng bar. Dahil walang control ang bibig ni Samuel na sinabihan akong sweetie sa harap ng ibang tao. Wala rin akong masagot sa kan'ya. Isa pa pakiramdam ko may taong nagmamasid sa'min. Para bang kinikilabutan ako. Inikot ko ang mata ko, lahat ay busy. Pero parang may matang nakakasunod sa akin.
Hanggang sa tinawagan ko si Andrew. Siya lang pwedeng makakatulong sa akin kay Samuel. Dahil sa malaking lalaki ito hindi ko ito kayang ihatid sa condo unit niya.