Chapter 6
Crystal
"Samuel, lasing kana! Pwede ba makinig ka naman." Sabi ko sa kan'ya at mabilis kung inagaw sa kamay niya ang kopita na may alak.
"Please Crystal. Can we talk?" He asked me. Nakiusap ulit siya sa akin.
"Mag-uusap lang tayo kapag hindi kanang lasing." Saad ko ang namumula niyang mata ay sa akin nakatuon.
Sinabihan ko rin ang bartender na huwag na niyang bigyan pa ng alak si Samuel, at tumango-tango lang sa akin ang bartender. Ilang sandali ay dumating din si Andrew ng makita niya ako kumuway ako sa kan'ya para makita niya kaming agad ni Samuel.
"Salamat naman at dumating ka pa. Kanina pang lasing yan si Samuel. Kung anu-ano na ang mga pinagsasabi." Sabi ko, hindi ko rin sinabi kay Andy kung bakit naglalasing si Samuel, baka asarin lang ako nito.
"Bakit ikaw ang kasama niya? I thought he was with Lea, now ay ikaw na ang kasama," maarteng sabi ni Andy.
"Mayroon daw siyang kikitain tungkol sa business ng Daddy niya at ako ang una niyang tinawagan." Sagot ko sa kanyang tanong niya at ngumiti lang ng palihim ito sa akin.
"Please ikaw na ang maghahatid sa kan'ya." Pakiusap na utos ko kay Andrew.
"No way! Samahan mo ako, baka ma-r**e ko lang ang gwapo na'to. Kung hindi lang natin siyang best friend at katropa ang kumag na'to ginawa ko ng jowa." Natapik ng kamay ko ang bibig ko. Wala talagang preno ang bibig ng bakla na'to.
"Andrew!" Sigaw ko sa kalokohan niya.
"What?" taas kilay niyang tanong sa akin.
"Please , ikaw na ang maghatid sa kumag na'to. I know you can handle him. Isa pa babalikan ako ni Lea dito. Pangit naman tingnan kung 'di niya ako madatnan dito 'di ba?" maamong sabi ko sa kan'ya.
"Ok, fine! Just help me, na dalhin siya sa sasakyan ko." Utos niya sa akin. Agad namin inayos ang position ni Samuel. Mabuti nalang nakatulog ito at wala ng lumalabas sa bibig nito na kung anu-ano pa.
Inalayanan naming dalawa ni Andy si Samuel. Hanggang sa dumating kami sa parking lot. Ang sasakyan ni Andy ang gagamitin. Binuksan ko ang backseat, doon namin nilagay si Samuel na walang malay sa kalasingan.
"Thank you," I said.
"You're welcome, kung hindi lang kita love Crystal, ikaw na naghatid dito." Maarteng sabi sa akin ni Andy.
"May mga security guard naman sa condo ni Sam. Mag-patulong ka," saad ko.
"Chao," paalam ni Andy sa akin. Nakahinga ako ng maluwag. Maasahan ko talaga siya at never pa ako na tinanggihan ng bff ko. That's why I love him being my sister na beke.
Tiningnan ko ang sasakyan niya na dahan-dahan niyang pinaandar ito. Then tomorrow we will know the reason kung bakit nag lasing si Samuel sa ganitong oras. Usually hindi ito naglalasing. Maybe he changed after two years when he was in Australia.
May mga ilang minuto pa naman na darating si Lea. I decided na umikot muna. May nakita akong coffee shop. Naglalakad ako patungo sa coffee shop. Pumasok ako sa loob, walang katao-tao. The place is so quiet, no noise, iilan lang ang tao sa loob. Umorder ako ng fave coffee kona cappuccino. Pagkatapos kung umorder ay bubuksan ko sana ang sling bag ko para bayaran ang order ko, wala pala sa akin ang sling bag. Naiwan ko siguro sa bar.
"Miss, wala po akong dalang pera. Naiwan ko kasi ang bag ko sa bar. Pwede po ba na kunin ko muna ang bag ko then babayaran ko ito." I said.
"No, problem ma'am. Iwan mo na lang sa akin ang number mo," she said. Binigay ko rin agad ang number ko sa kan'ya.
Thank you," nakangiting sabi ko.
Para akong hinabol ng aso sa bilis kung lumakad. Nahihiya rin akong tumakbo, papunta sa bar. Hawak-hawak ng isa kung kamay cup of coffee ko, na may maliit na straw. Naglalakad ako na nakayuko hanggang sa marating ko ang harap ng bar. Mas binilisan ko pa ang lakad ko dahil sa sling bag ko. Nakakahiya kung hindi ko mabayaran ang kape na ito. Hanggang sa may isang matigas na bagay akong nabanggaan. Ang mukha ko ay nakadikit sa isang parang malapad na bagay. Ang kape ko na hawak ay natapon ko lahat.
Nang e-angat ko ang mukha ko at unti-unti kung minulat ang dalawang mata ko. When I open my eyes. Isang matipunong dibdib ng lalaki. Kaya pala ang bango-bango sa ilong ko. Biglang Nagtama ang mga mata naming dalawa. Para itong Greek God sa harap ko. He is tall, I think nasa 6 feet ang tangkad niya. Ang kamay ko na isa ay nasa malapad niyang diddib. Ang kanyang kulay berde na mata ay parang lalalmunin ka sa kanyang titig. Ang mapupulang labi ay napaawang ito. "s**t," sambit ko.
Para akong estatwa na pinagmamasdan ng mata ko siya. Nakakatulala siyang tingnan. Ang aking mata ay parang nag-uusap sa estrangerong kaharap ko. Hanggang ngayon ang isa kung kamay ay sa kanyang dibdib. Nagtitigan kaming dalawa. Sa titigan namin ay hindi ako nagpatalo. He kissed me in my lips, na walang paalam. Nagulat ako, bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko. I didn't respond to his kiss. Mas diniin niya ang halik sa labi ko. Lalong lumaki ang mata ko, dahil ramdam na ramdam ko ang malambot niyang labi at mainit niyang hininga. This is my first kiss ever in mylife. Ang estrangerong ito ang naka-virgin ng labi ko.
"Peste!" sigaw ko. Malakas ko siyang tinulak palayo sa akin. Ang mata ng ibang tao ay sa amin. Namula ang pisngi ko sa hiya.
"Bakit ka ba ng hahalik ng bigla? Bastos manyak!" galit na sigaw ko.
"Tumikhim muna siya bago nagsalita. He mesmerized me, toe to head. Feeling ko ang lakas ng kabog ng dibdib ko sa titig niya sa akin.
"Iyan ang dapat gawin sa babaeng hindi tumitingin sa dinadaanan." His husky voice.
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya sa akin. Ngayon ko lang napansin ang kape ko ay natapon sa kulay puti niyang t-shirt.
"What? Ganyan ka ba kahit 'di mo kilalang taong hina-halikan mo? Oh, God." Umiling-iling ako. At siya ay nakatitig lang sa akin.
"Even sorry, hindi mo sasabihin sa ginawa ng kape mo." He said, ang kanyang baritonong boses ay nag-papakabag ng dibdib ko. Tila tumatayo ang mga balahibo ko, buti kung may balahibo ako.
"Bakit ikaw, tumingin ka rin ba? Eh kung nakita mo ako e 'di sana dapat tumagilid ka, para hindi kita nabangga at hindi matapon ang kape ko!" matapang na sabi ko.
"Woman," madiin na boses niya. I look at him. My eyes on his sexy and hot chest. He is wearing white t-shirt. He looks so good, para siyang model. Kahit naiinis ako nakuha ko pa siyang kilitasin. Hindi na ako sumagot pa.
"Ang suplado mo," mahinang bulong ko sa sarili ko.
"What did you say?" he asked me.
"Hindi ikaw ang kinakausap ko lalaking magnanakaw ng halik," inis kung sagot sa kan'ya.
"Really? You talk too much, lady." He said. At tinanggal niyang dahan-dahan pataas ang damit niyang sa harapan ko ang kanyang damit na natapunan ko ng kape ko.
"Damn it! What a beautiful view?" sabi ng isip ko. Para ako na slow motion sa kakatitig sa pagtaas niya ng kanyang damit. Not just the 6 pack 8 pack he has. Natulala ako sa harap niya. Kinuha niya ang dalawang kamay ko, binigay niya sa akin ang puting t-shirt niya na nangitim dahil sa kape na natapon ko sa kan'ya.
"Labhan mo ito at ibalik mo sa akin, pagnalabhan muna ibigay mo sa reservation ng bar na'to." Madiin niyang sabi. Ang labi ko ay napaawang at nakatulala sa kan'ya.
He pinched my nose, doon pa ako bumalik sa ulirat ko. Tinalikuran niya ako. Tiningnan ko siyang naglalakad patungo sa kanyang pulang sasakyan na red Ferrari.
"Ang galing mo naman, ikaw pa ang magnanakaw ng halik, tapos ang lakas mong utusan akong labhan ang damit mo. No way! At isa pa ang kakapal pa ng mga bilbil mo sampung floor na yata!" sigaw ko sa inis.
Nakita ko siyang tumigil sa paglalakad nilingon niya ako. Medyo namula ang maputi niyang pisngi sa sinabi ko. Baka na offend sa bilbil na sabi ko. Kahit puro pandesal naman ang nakadikit sa tiyan niya. Binalikan niya ako malaking hakbang ang ginawa niya, sa haba pa naman ng binti niya, mabilis niya akong nilapitan.
Humarap siya sa akin. Naglakas loob kung inangat ang mukha ko. Feeling confident lang ang peg ko. Tinaas ko ang isa kung kamay sa harapan niya. Hawak-hawak ko ang damit niya. Ano siya sine-swerte na labhan ko ang kanyang damit arte pa ng lalaki na'to ang sungit pa.
Ibubuka ko sana ang bibig ko. Muli na naman niya akong siniil ng halik. Hinawakan niya ang dalawang braso ko. Kinagat pa ng mokong na'to ang ibabang labi ko. Malakas ko siyang tinulak ng dalawang kamay ko.
"Ngayon, wala na akong ninakaw na halik sa'yo. Binalik kona ang halik na sinasabi mo na nakaw ko. Kung gusto mo pwede ko pang dagdagan. Ang halik na sinasabi mong ninakaw ko." May awtoridad niyang sabi sa akin. Nangunot ang noo ko.
"Baliw ka ba? Ganyan ka ba ka manyak!" malakas na sabi ko. Parang wala sa kan'ya ang sinabi ko. Nilingon niya ako ulit. He smirked at me.
"By the way woman, no taste ang labi mo." Pang-asar na sabi niya sa akin.
"Butiti!" sigaw ko. Baliw or kulang sa aruga. Kayayaman niyang tao ang bastos.
"Tomorrow I'm gonna take my t-shirt. Ang stain ng coffee mo tanggalin mong mabuti sa t-shirt ko. That t-shirt is very special to me. Understood!" sigaw niya sa akin.
Binuksan niya ang pinto ng kanyang sasakyan, pumasok ito mabilis niyang pinaandar. Para akong iniwan na ewan.
"Ang yabang ng mokong," sabi ng isip ko at kumuha ako ng bato at binato sa likod ng kanyang sasakyan.
Hanggang ngayon ay nasa kamay ko pa rin ang puting damit niya. Inamoy ko ang bango-bango. Ang kanyang masculine scent ay dumikit sa loob ng ilong ko. Ang sarap amoy-amoyin.
Sinampal ko ang sarili ko sa iniisip ko. Dapat magalit at mainis pero ano itong ginagawa ko at inamoy-amoy ang damit ng lalaking arrogant na'yun. Akala mo kung sinong umasta. I think kailangan ng lalaki na iyon na ipa-check up sa psychological. Baka may mali sa pag-iisip o may deperensya siya sa pag-iisip. Gwapo pa naman pero ano, what? Umiling-iling ako.
"Baka nga may sira deperensya siya sa utak," kausap ko ang sarili ko. Bigla tuloy akong na takot sa iniisip, tapos hinalikan pa ako. Sa totoo lang ang lambot ng kanyang labi. Pero may sira sa isip.
Hindi ko namalayan nasa tabi ko na pala si Lea. Seryoso siyang nakatingin sa akin. Para bang may gustong itanong.
"Sino ang lalaki na'yun? Parang seryoso yata ang pinag-uusapan niyong dalawa? Ang lapit n'yo kasi sa isa't-isa." Mahabang sabi niya sa akin. Hindi ko siya agad na nasagot. Dahil hindi ko rin alam anong isasagot ko.
"Teka, dami mong tanong? Bakit ang tagal mong dumating? Speaking of Samuel, bakit naglasing ng ganitong oras?" mahinahon na tanong ko.
"A-a kasi may problema sa puso at isip," na ningkit ang mata ko sa sagot ni Lea.
"What? Seryoso ang tanong ko girl," I said, tumawa lang siya sa akin.
"Di kana mabiro," nakangiting sabi niya sa akin.
Ang cute kasi ni Lea, kung ngumiti siya ay kahawig niya ang Turkish actress na si Beren. Hindi ko mapigilan kinurot ko ng mahina ang cute niya pisngi namala-rosas ang kulay. Sabay kaming tumawa.
"Sana nandito si Kathy," she said. I nodded to her.
Napatapal ako ng noo ko. Nakalimutan ko, na kukunin ko pala ang bag ko sa loob ng bar. At mabayaran ang kape ko sa coffee shop. Nang dahil sa mokong na'yun ay nakalimutan ko tuloy ang pakay ko.
"Loko na lalaki," sabi ko sa sarili nko.
"Are you okay?" nag-tatakang tanong ni Lea sa'kin.
"Yeah, halika samahan mo ako sa loob. Naiwan ko kasi ang sling bag ko. At may utang ako na kape," natatawa kong sabi kay Lea.
"Loka ka talaga, baka makulong kapa sa laki ng utang mo." Hinila ko ang kamay kanyang papasok sa loob ng bar.
"Kaninong damit iyan hawak mo?" she asked me, her eyes on me.
"A-a e," nauutal ako. I don't know what to say to her. Kung sabihin ko ang nangyari kanina, sure na 'di niya akong lulubayan sa kakatanong.