Chapter 7
CRYSTAL
Nang nasa loob na kami ng bar ay dumiretso ako kung saan banda ang kinauupuan namin ni Samuel. Palinga-linga ako, hindi makita ang sling bag ko. Tiningnan ko sa ilalim ng mesa ay wala pati na rin sa ilalim ng upuan, wala dito ang bag ko. Hanggang sa lumapit sa akin ang babaeng waiter.
"Ma'am, what can I help you with?" tanong ng babae sa akin.
"Actually yeah, hinahanap ko kasi purple sling bag ko. Naiwan ko kasi kanina rito." wika ko at mga mata ko ay iniikot ko pa rin, baka sakali makita ko ang bag ko.
"Sa'yo pala ang sling bag na'yun? Nasa counter po ma'am. E-check n'yo po doon." Nakaginhawa ako ng maluwag, nginitian ko siya at nagpasalamat.
"Thank you," nginitian niya ako. Nilakad ko agad ang counter.
Malayo pa lang ako ay nakangiti na sa akin ang isang matabang bartender na lalaki. Nilapitan ko ito, agad kung tinanong kung dito ba ang bag ko. Feeling ko back to elementary ako. Dahil parang hinahanap ko ang gamit sa lost and found na nasa area place.
"Hi," sabi ko. Hindi ko pa nasabi ang pakay ko ay nilabas agad ng bartender ang sling ko.
"Naiwan po kasi n'yo ito kanina ma'am. Kaya ginawa ko itinabi ko. Incase na babalik ka, mabigay namin agad sa'yo." Magiliw na sabi sa aking matabang bartender.
"Maraming salamat po," sabi ko sa kan'ya ang kanyang mata ay titig ng titig sa akin.
"Ang ganda n'yo po ma'am, swerte naman po ng jowa n'yo." Namilog ang mata ko sa sinabi niyang jowa, baka ang iniisip na jowa ko si Samuel.
Nginitian ko lang ang bartender. Hindi ko na rin siya sinagot pa dahil biglang nawala sa tabi ko ang kaibigan ko. Hinanap ng mata ko si Lea. Hanggang sa nakita ko siyang may kausap na lalaki. Nagtatawanan pa silang dalawa. May tatlong lalaki rin na nakaupo, mukhang mga businessman ang mga ito. Gusto kong lapitan si Lea para tawagin hinayaan ko nalang siya. Baka seryo ang usapan nila. Umupo ako sa bakanteng upuan at umorder ako ng juice ewan ko ba sa araw na'to lagi nalang akong nauuhaw.
Ilang sandali ay lumapit din sa akin si Lea. Nakangiting umupo sa harap ko. Tinitigan ko siya, mukhang blooming kausap lang ang isang lalaki. Sino ba naman hindi ma-blooming kung ganun ka-gwapo ang kausap. Naalala ko tuloy yung aroganteng lalaking humalik sa akin. Bigla ako nakasimangot sa harap ni Lea.
"What's wrong at parang natupan ang mukha mo putik. Kung makasimangot ka parang mayroon kang kaaway?" tanong ni Lea sa akin. Palagay ko nakasalubong na ang dalawang kilay ko.
"Nothing, may naalala lang ako." Palusot ko.
"Hmm, are you sure?" kinindatan lang ako ni Lea.
Buti nalang hindi ko sinabi na dahil sa walang modong lalaki na'yun. Kung sinabi ko sa kan'ya mas pagtawanan ako. Lalo na nakaw pa ng hindi ko kilalang lalaki ang first kiss ko sa labi. Hinawakan ko ang labi pakiramdam ko naka-dikit pa rin ang labi niya sa labi ko.
"Ano akala niya ibabalik ko ang damit niya. Manigas siya." Nag-uusap ang isip ko.
Maya-maya ay niyaya kong lumabas ng bar si Lea. Tinawag ko rin ang isang waiter. At mabilis naman siya lumapit, dala niya ang bill ng order ko. Binayaran ko ito at hindi ko rin kinuha ang barya ko binigay kong tips sa waiter.
"Let's go, baka hinahanap na ako sa bahay," yaya ko kay Lea.
Sabay kaming pumunta ng parking lot ni Lea. Ang kanyang luxurious car ay napakaganda. Not like my car mini FIAT. But, I love so much my car kahit ganito lang ito. Priceless car for me.
Nauna siyang pumasok sa kanyang sasakyan. Bago siya pumasok ay nag-beso-beso muna kaming dalawa. Pumasok din ako sa aking sasakyan. Dahan-dahan kung pinaandar ang manibela ng sasakyan ko. At tahimik lang akong nagmamaneho. Binuksan ko ang bintana ng sasakyan ko. Gusto ko sana makalanghap ng sariwang hangin. Pero puro pollution naman sa labas at ingay ng busina ng mga sasakyan. Sinarado ko ulit ang bintana. Pinapatugtog ko ang FM radio ng kotse ko.
Tahimik akong nagmamaneho, hanggang sa sumagip sa isip ko ang nangyari kanina. Para bang kumakabog ang puso ko. Sabay pa ng kanta sa radio na love song. Lalong kumabog ang puso ko. Hinawakan ko ang labi ko, kung saan hinalikan ng gago na'yun. Pero iba ang naramdaman ko. Instead na mainis ako ay hindi ganun ang naramdaman ko.
Hanggang sa dumating ako sa harap ng bahay namin. Nakita agad ni manong. Binuksan niya ang gate para sa akin. Pinark ko ang sasakyan ko. Nagpasalamat din ako kay manong. Tahimik akong pumasok sa loob. Walang katao-tao, baka wala rito sila Mommy at Daddy. As usual si ate gabi rin siya umuwi.
"Hello, anybody's here," sabi ko walang sumagot.
Ginawa ko pumasok ako sa kusina. Kumuha ako ng isang basong malamig na tubig. Hindi ako mapakali, dahil bakit siya ang laman ng diwa ko at isip. Para bang nagustuhan ko ang kanyang halik. Pero parang may sayad siya. Malay ko kung sinu-sinong babae ang kahalikan niya.
"Ewww," sabi ko sa sarili ko.
Umakyat ako sa aking kwarto. Dala-dala ko ang isang basong tubig. At ang damit ng lalaki. Nag-uusap ang diwa ko, kung ano ba ang gawin ko sa damit na'to. Binuksan ko ang pintuan ng kwarto ko. Inilapag ko sa upuan ang sling bag ko at damit na natapunan ko ng kape.
Kumuha ako ng damit sa kabinet ko. At pumasok ako sa banyo at mag-half shower ako. Ilang minuto ay lumabas ako sa banyo. Humiga ako sa kama ko. Para akong nakalutang sa ere. Ang mata ko ay kisame. Nakatulala ako, hinihimas ko ang labi ko.
Bahagyang tumunog ang cellphone ko. Nagulat ako, napabangon ng des-oras. Ang isip ko kasi sa lalaking dapat dinadala sa psychological para Ipa-check up. Kinuha ko ang cellphone ko sa loob ng sling bag ko. Nang makita sa screen sinagot ko agad ito, dahil ang aking ama.
"Hello, dad." I said.
"Honey, nandito kami ngayon sa Tita mo we having dinner here." bigla akong natahimik sa sinabi ni Daddy.
"Okay, dad. Ako nalang po ang mag-dinner mag-isa," saad ko kay Daddy sa kabilang linya.
"Pasensya na honey, kung hindi ka namin napasama," malungkot na sabi ni daddy sa akin. I understand him.
"No worries dad, nasanay naman ako e, don't forget to take your pills." Paalala ko kay Daddy. At binaba ko rin ang linya.
Pagkatapos namin mag-usap saglit ni Daddy ay humikbi ako. Umupo ako sa gitna na kama ko. Mas lumakas ang hikbi ko. Ang dalawang kamay ko ay hawak ko ang dalawang tuhod ko. Pakiramdam ko lagi akong nag-iisa sa mundo. Ni minsan sa buhay ko hindi ko man lang naranasan na katulad ng ibang pamilya na buo at masayang nag-uusap. Ako heto nag-iisa na naman. Lagi kong dinadasal sa na naman ay hindi nila akong balewalahin.
Ilang minuto akong umiyak hanggang sa nakaramdam ng gutom sa aking sikmura. Pinunasan ko ang aking luha. Tumayo ako at pumasok sa comfort room. Naghihilamos ng malamig na tubig. Pagkatapos kung maghilamos ay huminga ako ng malalim. Ngumiti ako ng tipid.
"Masanay kana kasi Crystal, na ganito ang buhay mo." Sabi ko sa sarili ko.
Lumabas ako sa banyo. At tahimik akong pumunta sa kusina. Nakita ko si manang na nanonood ng telebisyon.
"Hello po manang," bati ko sa kan'ya.
"Ikaw pala hija. Kanina kapa bang dumating?" tanong ni manang sa akin. At umupo ako sa upuan kinuha ko ang isang saging sa taas ng mesa. Binalatan ko ito, sinubo ko nag-aaway na kasi ang mga alaga ko sa tiyan ko.
"Kani-kanila lang po," magalang na sabi ko. Hindi ko pina-pahalata kay manang malungkot ako. This is not the right time to be weak. Dahil siya na lang ang nagpapayo sa akin. She always told me, be strong.
"Kung nagugutom ka hija sabihin mo. Para ipaghanda kita ng makain mo. Nasabi ba sa'yo ng daddy mo hindi sila rito kakain ng hapunan?" tanong ni manang habang binabalatan niya ang mansanas na hawak niya.
"Opo manang, don't worry po kung nagugutom po ako na ang bahala. I can serve myself po." Magalang na sabi ko sa kan'ya. Napapangiti ako mag-isa dahil ang mata ni manang hindi na niya maikurap sa movie na pinapanood niya.
"Parang malungkot ka anak? May problema ka ba?" sunud-sunod na tanong ni manang.
"Wala po, manang. Manood na lang kayo ng movie." Saad ko sa kan'ya. She smiled at me.
Tumayo ako. Kusa kong pinainit ang pagkain na niluto ni manang. Nang buksan ang casserole ay sarap na sarap ako. Paksiw na bangus. Kumuha sa drawer ng serving spoon. At isang maliit na kaldero at nilagyan ko ng paksiw na isda. Ang pinainit ko lang just for one person.
In a while, kumain na ako. Unti-unti kung sinubo ang kanin sa bibig ko. Tahimik lang ako. Hindi ko namalayan ay tumulo ang aking luha sa aking pisngi. Pinunasan ko agad, ayokong makita ako ni manang na umiiyak. Ipinagpatuloy ko ang pagkain ko. Dahil masarap ang ulam naka-unli rice akoa at sumandok pa ako ng kanin. Baka dahil sa kakahikbi ko ito at nagutom tuloy ako.
Pagkatapos kung kumakain nilagay ko sa sink ang pinagkainan ko. Hinugasan ko ang mga ito hindi na nag-prisinta si manang dahil alam niyang wala siyang angal. Ilang minuto ay natapos ko rin hugasan ang plato at iba pa.
"Manang thank you po sa masarap na hapunan." Nakangiting sabi ko sa kanya.
"Walang anuman anak. Iyan kasi ang niluto ko dahil alam ko paborito mo. Nang sabihin ng Daddy mo na hindi sila dito mag hapunan yan naisip ko na lutuin. Pero isa rin ang daddy muna na nag-request na ito ang iluluto ko para sa'yo." Masayang sabi sa akin ni manang.
Napangiti ako dahil alam talaga ni Daddy ang mga paborito kong pagkain. Nagpaalam ako kay manang na aakyat na ako sa aking kwarto. Tumango lang sa akin dahil seryosong-seryoso ito sa harap ng telebisyon.
Dahan-dahan akong lumabas sa kusina. Paglabas ko hindi muna ako umakyat sa kwarto ko. Pumunta muna ako sa living room. Umupo ako. I turned on the TV. Nakailang lipat ako ng channel wala akong nagustuhan sa mga palabas. Binuksan ko ang cellphone ko, nag-log in ako sa aking account. As usual wala pa rin bago. Napagsyahan ko nalang umakyat sa kwarto ko. Baba na lang ako ulit pag dumating na sila Daddy.
Pagkalipas ng isang oras, may naririnig akong malakas na boses sa ibaba. Binuksan ko ang pinto ko sinilip ko. Nakita ko si Mommy na malakas ang kanyang boses. Parang nagwawala ito. Nakaramdam ako ng takot parang nanginginig ang tuhod ko. Hindi ko matiis na hindi bumaba. Nakita ko si Daddy na namumutla na ang kanyang mukha sa sigaw ni Mommy.
Nilapitan ko si Daddy. Tiningnan ako ni mama ng matalim na tingin. Gusto ko sanang tanungin si Mommy kung bakit siya nagagalit, pero hindi ko magawa. Natatakot ako na pati ako ay mapag-buntungan niya ng galit.
"Umakyat ka sa kwarto mo Crystal! Walang kang silbi na anak!" sigaw ni Mommy sa akin. Nanginginig ang buong katawan ko. Parang sasabog ang puso ko sa sigaw niya sa akin. Nagtataka ako bakit bahagya akong sinigawan ni Mommy.
"Stop it, Marian!" sigaw ni daddy. Ngayon ko lang narinig si na sumigaw ng ganitong kalakas.
Sa sigaw ni Mommy sa akin ay tumakbo akong umakyat sa taas. Kahit nakasarado ang pintuan ng aking kwarto, ay naririnig ko pa rin ang sigaw ni Mommy at Daddy. Hanggang sa narinig ko rin si Ate Kristina. Lalabas sana ako ulit, pero pinipigilan ako ng aking ng aking paa.
Tumayo ako sa kinauupuan ko sa sofa at balak kung lumabas ng aking kwarto. Pagbukas ko ng pinto ay si ate na na nakita kung malungkot na pumasok sa kanyang kwarto.
"Ate," mahinang boses na tawag ko sa kan'ya. She didn't respond to me. She's always ignoring me. Gusto ko lang siyang damayan at kausapin tulad ng ibang magkakapatid. Na nag-uusap kung may problema ay nagdadamayan. Pero malabo iyun mangyari sa amin ni ate lalo na si Mommy.