Laglag panga ko siyang tinitigan. Parang tambol na lumalagabog ang puso ko ngayon. Bakit ba kung anu-ano na lang ang lumalabas sa bibig niya? Bakit ba hindi na naman ako makahinga sa bawat salitang pinapaintindi niya sa akin? Bakit... bakit ba ganito si Hero? “H-huwag ka ngang ganyan...” kinakabahan man ay nagawa ko pa din siyang tapikin sa braso. “Uh, sige una na ‘ko, ah?” Tatalikuran ko na sana siya dahil ayokong ipagpatuloy ang usapang ‘to kaya lang bago pa man ako makagalaw ay hinawakan na niya ang kamay ko. Napalunok ako nang mapansin ang seryosong pagkatitig niya sa ‘kin. Hindi ko ‘to kaya. “S-salamat pala sa dinner, ah? Ang sarap mo maglu—” Napapikit ako sa marahan niyang paghalik sa akin. Saglit lang ‘yon pero sapat na para magulo ang sistema ko. Hindi ko na talaga malaman

