Kimberly’s Point of View “Ano?” Parang huminto ang mundo ko sa sinabi ni Skylus. Anong nangyari kay Hyrie? “Naaksidente siya, Kim. Medyo hindi maganda ang pagkakalaglag niya kaya baka abutin ang isang linggo ‘yong pagpapagaling niya. Hinatid na nga lang siya ni Hero.” wika pa nito na mas lalong nagpatindi sa pag-aalala na bumabalot sa buong sistema ko. “S-sige. Salamat...” Mabilis akong umalis ng university para puntahan si Hyrie sa bahay namin. Para akong maiiyak na hindi ko maintindihan! Nadisgrasya ang kambal ko! Sana ay hindi gano’n kalala ang sinapit niya... Mabilis akong sumakay ng taxi. Halos pagpawisan na ang buong katawan ko. Hindi ako mapakali habang bumabyahe. Panay rin ang tawag ko kay Hero pero hindi sinasagot. I bit my lower lip. Sana ayos lang si Hyrie. Sana hind

