“Gusto mo?” inalok sa akin ni Eich ang cadbury na kanina pa niya kinakain. Umiling ako. Minsan ay naguguluhan ako kay Eich. May araw na sobrang seryoso niya, mayroon din naman mga araw na kagaya nito na para siyang bata. He’s chewing the chocolates like a little kid. “Kung gusto mo, sabihin mo lang. Don’t stare at me as if I’m the nastiest guy you’ve ever met.” He smirked. “Weird.” Komento ko. Ngumisi lang siya sa sinabi ko. Nandito kami sa University Hall. Magsisimula na ang rehearsal para sa pageant. Masakit man sa loob ko na narito ako, wala naman akong magagawa. Buong Psychology Department ang kakalabanin ko bago ako maalis sa competition na ‘to. Hindi na ‘ko magtatangka. “Kimmy, nasaan si Hero?” lumapit sa amin si Shamielle at tumabi rito sa audience seat. “Hindi ko alam. Sab

