Naramdaman ko ang paglapat ng likod ko sa malamig na bato. Muli niya ‘kong siniil ng halik na buong puso ko naming tinugunan. Mabagal ang bawat halik... Banayad... Pakiramdam ko ay lalabas na sa dibdib ko ang puso ko... Hindi ko na talaga mawari kung ano ‘tong ginagawa sa akin ni Hero. His soft lips kissed me so gently. I felt his hands on my cheeks, and then his thumb rubbing on my jaw. “Good kisser...” he murmured after that long... series of kisses. Bigla naman akong nahiya. Pakiramdam ko ay umakyat na lahat ng dugo ko sa mukha. Grabe talaga ‘tong lalaking ‘to! Bakit ba sa tuwing pagkatapos namin maghalikan ay hiyang-hiya ako? Bakit ‘pag siya, parang wala lang? At bakit kung anu-ano ang sinasabi niya? Gusto ko ng lunurin ang sarili ko dito sa ilalim ng tubig! “You’r

