Kimberly's Point of View Ngayon palang nag-sink in sa utak ko ang ginawa ko’ng pag-iwan kay Hero nang makapasok ako sa unit ko. Napaupo ako sa sofa at napahinga ng malalim. Tama ba ‘yong ginawa ko? Sino ba naman kasi ang hindi maiinis? Wala naman akong magagawa kung talagang may nararamdamanan pa siya para sa kambal ko. Ang akin lang naman, sana sinasabi niya sa akin. Ayos lang naman kahit aminin niya na.. mahal parin niya si... Huminga ulit ako ng malalim. Hindi ako makahinga. “What is wrong with me?” Bakit sobrang bigat ng pakiramdam ko? Napapikit ako at napahiga sa sofa. “May mali talaga...” May mali sa akin pero hindi ko alam kung ano. Bakit ako nagkakaganito? Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Napamulat ako ng mga mata nang marinig ang sunod-sunod na pagtunog ng door

