Naging busy kami sa sumunod na linggo. Midterms week kasi kaya kailangan naming magsipag-aral lahat. Minsan nag-gu-group study kaming lima. Ako, sila Eich, Sandy, Shamielle at Denise. Mahirap kasi, lahat kami ay graduating kaya dapat ayusin namin ang pagre-review. ‘Yong thesis din namin ay pinagkaabalahan namin dahil kailangan pa na i-defense ‘yon sa finals. Mabuti na lang at ayos naman ‘yong mga gawa namin nila Eich at Sandy noong pinacheck namin sa professor namin. Kailangan na lang ipa-bookbind para wala ng problema. Tatlong araw lang ang midterms examination. Sobrang nakahinga kami ng maluwag nang mag-Thursday na. Kulang na lang ay siritan kami ng dugo sa ulo kakaaral nitong mga nakaraang araw. “Anong order niyo? Libre ko na.” ani Eich nang makahanap kaming lima ng malaki-laking tabl

