AT MONTESILVA RESIDENCE: THE DAY AFTER SHARLENE'S BIRTHDAY PARTY Third Person’s Point of View Malakas na tili ang pinakawalan ni Yshnaira dahilan para magkagulo ang lahat ng mga tao na nakitulog sa mansyon ng mga Montesilva. Naantala ang sanang unang halik nila Alexander at Sharlene sa hardin. Umurong ang sukang ilalabas na sana ni Christian— na halos yakapin na ang toilet bowl sa bathroom. Napasigaw ng “Sunog! Sunog!” ang naalimpungatang si Skylus. Sabayan pa ng pagsipa sa kanya ni Sandy kaya dahilan para malaglag ito sa sahig. "Ano’ng ginagawa mo dito?!” sigaw ni Sandy nang matanto na sa iisang kama lang sila natulog ng walang hiyang lalaki. Maraming nagising ang tili ni Yshnaira. Nauntog pa si Lyra sa puwetan ng piano nang bigla itong bumangon. Nagtunugan ang ilang mg

