Third Person’s Point of View Katahimikan. Iyon ang namayani sa pagitan nila Hero at Denise. Maaga pa lang ay nasa university na ang dalawa. Gustong makausap ni Denise ang kaibigan patungkol sa mga pinag-gagawa nito noong mga nakaraang araw. Nasa loob sila ng kotse ni Hero sa may parking lot. Parehong pinagmamasdan ang iilang mga estudyante nagsi-sidatingan. “Now, explain.” Pagbabasag ni Denise sa katahimikan. Nakatingin parin ito sa harapan ng kotse. “Explain what?” “Everything.” sinulyapan ng dalaga si Hero. “What do you think are you doing, Hero?” “Denise.” “You promised me na hindi ka na lalapit o makikialam sa buhay ng babeng ‘yon.” Denise stated firmly. “I did.” saad ni Hero. Denise laughed sarcastically. “Ofcourse you did. Hindi ka nga lumapit pero ginagamit mo naman

