“Ano ‘yong nangyari sa cafeteria? Nagdidate na ba kayo ni Hero?” Pagkatapos nang nangyari sa cafeteria ay hinila ako ni Sandy sa classroom kung saan ang pangatlong subject namin para sa araw na ‘to. She crossed her arms against her chest and looked straightly at me with accusing eyes. Kami pa lang dalawa ang naroon kaya malakas ang loob ng kaibigan ko. “Hindi pa Sandy—” “Hindi pa?” she hysterically laughed. “Umamin ka nga sa akin, Kimberly? Tinuloy mo talaga ang plano mo?” Yumuko ako at marahang tumango, pikit matang tatanggapin ang lahat ng sermon ni Sandy. She groaned. Sabi na at ganito ang magiging reaksyon niya. “My goodness, Kim! Are you really out of your mind?!” bulalas niya, nasapo ang noo sa depinang inis sa akin. “Pwede ba itigil mo na ‘yang kalokohan mo? Ngayon pa lang na

