Maganda ang sikat ng araw nang lumabas ako ng bahay. Magaan at positibo ang pakiramdam ko sa araw na ‘to. Dahil siguro hindi pa din ako makapaniwala na pumayag si Hero na ako ang sunod niyang maging bed buddy. It’s been days since he mentioned that he’ll accept me but it still feels like a dream to me.
Ngayon palang iniisip ko na kung paano ba dapat ang isang bed buddy. May halong kaba sa dibdib ko kapag iniisip ko na magiging isa akong alipin ng makamundong pagnanasa ng lalaking ‘yon pero gayunpaman, hindi ako magpapadaig sa takot. I have to do everything just to succeed with my plan.
Hinatid kami ni kuya Reid sa University. Hyrie was silent the whole time. I know she’s upset because she is grounded. Akala ko'y aawayin pa niya ako ulit pero hindi na nasundan ‘yong nangyari sa kwarto ko noong nakaraang gabi.
Natulala ako sa bintana ng kotse nang magtakbuhan papalapit sa amin ang mga babaeng estudyante. Kuya was enjoying the crowd when he opened the back door for us. Laging ganito ang eksena kapag napapadpad ang kapatid naming lalaki sa school. He graduated at Crossville University. Dalawang taon na yata ang lumipas nang makapagtapos siya pero sikat na sikat pa din siya dito sa school!
Reid Alvedo it is! Now, I can see the crowd of girls dying for his presence.
“It’s Reid Alvedo! Oh my gosh!”
“Ang gwapo pa din niya! He’s so hot!”
“Omg, that’s Reid! My heart!”
“Reid, anakan mo ‘ko!”
Tila naeskandalo ako sa huli kong narinig. Napailing ako at lumabas ng kotse habang nakikita ang halos maging pusong mga mata ng mga babaeng ‘to na pinalibutan na ang sasakyan namin.
“Kuya, sometimes I want you to look so ugly. Dami mong fans!” Hyrie complained.
“That’s too harsh, Hyrie. I didn’t mean to be this... Well...” tunog nagyayabang na sabi ni kuya Reid, ayaw ituloy ang gustong ipahayag.
“What’s happening here?!” singhal ng pamilyar na boses sa gitna ng mga babaeng nagkakandarapa sa kuya ko.
Sandy!
She looked very dangerous right now. Kunot ang noo at halatang hindi nagugustuhan ang nangyayari. Tumahimik naman ang mga estudyanteng pusta kong mga freshmen at sophomore pa lang.
“Walang artista dito, ha! Magsipasok na nga kayo! Nakaharang kayo sa daanan!”
Hindi ko napigilan ang pagngiti. Si Sandy lang pala ang katapat ng mga babaeng ‘yon. Kagaya ng inaasahan ko ay isa isang umalis ang mga fans ni kuya Reid. Ang iba pa nga ay bumubulong pero pinandilat sila agad ng mga mata ni Sandy.
Nagpaalam na din si Hyrie kay kuya Reid. She kissed his cheek and never turned to me. Binalewala ko ang ginawa ng kambal ko dahil ano bang bago? Sanay na ako na ganoon ang pakikitungo niya sa ‘kin.
Kuya Reid’s eyes are darted on Sandy. Ngayon ko lang napansin ang benda sa noon g kaibigan ko. Napasinghap ako at lumapit sa kanya. Iyon nga lang ay naunahan na ako ni kuya.
“What happened to you, Cassandra?” kuya asked her with a hint of worry on his voice.
Hinawakan pa ni kuya Reid ang noo ni Sandy. Nakita ko kung paano ang umirap ang bestfriend ko sa kanya at hinawi ang kamay nito.
“Why are you here? Ang aga-aga nagpa-pacute ka sa mga students dito?”
“Cassandra Lim, will you answer my question first? What happened to you?”
“Ayoko ngang sagutin! Huwag mo akong utusan, Reid!”
Inirapan lang ulit ng kaibigan ko ang kapatid ko. Hindi ko makamusta si Sandy dahil nag-aaway na naman sila ni kuya. I know that my brother still feels something for her, however, I am not even sure if Sandy feels the same thing. Naisip ko, hindi naman sila maghihiwalay kung mahal pa ng kaibigan ko si kuya Reid.
They used to be a great couple. Nakakapanghinayang.
“Bakit ba ang sungit mo sa akin, Cassandra? Akala ko ba ay magtuturingan tayong magkaibigan sa kabila nang lahat?”
“Why are you bringing this up all of a sudden?”
“Damn it! Mas lalo akong naghihinalang mahal mo pa ‘ko!”
Sandy laughed sarcastically.
“Grabe naman yata ‘yan, Reid! Pakapal ng pakapal?”
Their argument continued. I am like an invisible creature between them. Sa totoo lang ay nag-eenjoy ako kapag nag-aaway sila. Aminado ako na gusto kong silang dalawa ang maging end game. Kaya lang, kilala ko ang kaibigan ko. Matigas pa sa bato ang puso ni Sandy para kay kuya Reid.
Kung bakit sila naghiwalay noon ay hindi ko alam. Sana nga ay sila na lang ulit... Sa huli, iritadong humarap sa akin si Sandy at mukhang pagbibigyan na ang kapatid ko.
“Mauna ka na, Kim. Mag-uusap lang kami ng kapatid mo..” ani Sandy.
Umawang ang labi ko. Mukhang mauuna pa si kuya Reid sa mga kwento ni Sandy kaysa sa akin... “Sige pero... dapat magkwento ka rin sa akin, Sandy.” I smiled hesitantly.
Napabuntong hininga si Sandy. She glanced at my brother and looked at me with an unknown emotion on her eyes. Ngayon, nakukuryoso na ako sa mga nangyayari sa kanya. She was absent for a couple of days. I didn’t hear anything from her and now that she’s here, my brother will be the first person to know all her reasons.
“Sasabihin ko naman sa iyo, Kim. But... I think I need some advice from your brother,” she shrugged.
“Sige, mauuna na ako sa klase.” tanging nasabi ko.
“Ingat, Kim!”
Kuya turned to me and kissed my forehead. Napatango na lang ako. I looked at Sandy and she just gave me a reassuring smile in return.
“Papasok na ‘ko.” wika ko at naglalakad na para maiwan silang dalawa.
“Sabi ko na nga ba, may problema ka. What is it, Cassandra?” rinig kong tanong ni kuya kay Sandy.
“Kung alam mo lang. Let’s go somewhere else, huwag tayo ditto.” ani Sandy.
Binilisan ko nalang ang lakad ko. Ewan ko ba at bigla akong nalungkot sa mga narinig ko. Kahit minsan ay hindi ko nakitaan ng problema si Sandy. Pero ngayong may problema siya, mas gusto pa niyang magsabi kay kuya Reid kaysa sa akin na bestfriend niya. Dahil ba mag-ex sila at mas maraming alam ang kapatid ko kaysa sa akin? Ang daya ni Sandy.
Kakalagpas ko palang ng main gate ay napansin ko na ang pamilyar na lalaking lumagpas sa akin.
“Hero! Hintay!” sigaw ng isang lalaki sa likod ko.
Lilingunin ko pa sana ang lalaking tumatawag sa kanya kaya lang ay patakbo nitong hinabol si Hero.
That man is very familiar. Kung hindi ako nagkakamali ay kaibigan siya ni Hero. Bumalik ang wisyo ko sa lalaking nakita ko kanina. Nilagpasan niya lang ‘ko... Hindi pa nga kami nag-uusap simula noong nangyari sa parking space.
Pumayag na siya na maging bed buddy niya ‘ko, ‘di ba? Bakit parang wala lang ako sa kanya? Sabi ni Shamielle ay may agreement daw. Hindi ba dapat ay sinasabi na ni Hero sa ‘kin ang tungkol doon?
Hindi kaya nagbago na isip niya?
Nanghina ako sa naisip. This is my only shot to start my plan. Hindi pupwedeng magbago ang isip niya! Be positive, Kim... Magagawa mo ang plano mo. Tiwala lang!
Kausapin ko na kaya siya? Kaya lang baka naman isipin niya na atat ako sa kasunduan.
Kinakabahan nga ako sa mga pwedeng mangyari bilang bed buddy niya. The thought of being his bed buddy disturbed me. I have to surrender myself... my body and virginity... Hindi ko alam kung handa na ba ako para doon.
Tinigil ko muna ang pag-iisip. Tutal naman ay hindi pa kami nag-uusap ni Hero, hindi ko na muna poproblemahin ‘yon. Basta ang mahalaga ay pumayag na siya!
Pumasok ako sa klase kahit wala si Sandy. Ilang beses akong nagbuntong hininga at maya maya ang pagbaling sa desk niya. Ano na kaya ang pinag-uusapan nila ni kuya Reid?
Sana ay magsabi din siya sa akin. I am her bestfriend after all. It’s very unfair that she chooses to tell her stories to my brother and be silent in front of me. Kapag ako naman, nagsasabi ako sa kanya ng mga nararamdaman.
Sa pangalawang subject ay wala pa din si Sandy. Natapos na lang ang klase na kahit anino niya ay hindi ko nakita. I am trying to be positive though. Baka naman nagkabalikan na sila? That thought made me smile.
Wish mo lang, Kimberly!
“Miss Alvedo, can you please do me a favor?” malambing na boses ng aming babaeng professor na nagpahinto sa akin sa paglabas ng classroom.
“Yes po, Mrs. Soriano?”
She smiled sweetly at me. Inilapag niya ang iilang librong pang P.E sa kanyang desk. “Can you please give these books to Mr. Cariño for me? Nasa gymnasium ang office niya. He’ll need these books for the seniors’ sports activities.” aniya.
“Sure po,” ngumiti ako at kinuha ang mga librong kailangang ihatid sa gymnasium.
“Thank you very much, Miss Alvedo. That’s very kind of you. I just need to go early as I have a scheduled ultrasound session with my OB...”
“Wala po ‘yon, Mrs. Soriano. Mag-ingat po kayo ng baby niyo. Hahatid ko na po ang mga ‘to.”
Ngumiti ang ginang sa akin. Tumungo ako at lumabas ng classroom. Tinahak ko ang ilang floor hanggang sa marating ang gymnasium. Bukas ang malawak na lugar. May iilang bola ng basketball ang nakakalat sa sahig pero wala ni isang naroon. Pumasok ako at dumiretso sa office ni Mr. Cariño. He isn’t there yet. Nilapag ko na lang ang mga librong pinahatid sa ‘kin sa kanyang desk.
Pagkalabas ng office ay may tatlong babaeng humarang sa akin. They are smiling like a lunatic at me. Agad akong kinabahan lalo na ng hawakan ako ng dalawa sa magkabilang braso. Hinila nila ako palapit sa bleachers.
“T-teka...”
Ang bilis ng t***k ng puso ko. Anong gagawin nila sa akin? Sasaktan ba nila ‘ko? I looked around the whole gymnasium and no one’s even here to save me from these women. Naiiyak akong tumitig sa lider nila.
“Ikaw ang kapatid ni Reid Alvedo, ‘di ba?”
Kabado akong tumango. Humalakhak ang isang babae na nakahawak sa kanang kamay ko. Mahigpit ang pagkakahawak niya dahilan para mapadaing ako.
“Ampon ka siguro. Hindi ka mukhang kapatid ni Reid at Hyrie. Mas bagay kang katulong nila...”
“A-ano bang kailangan niyo sa akin?”
“Hindi sana kita papakialaman. Kaya lang ay gustung gusto ko ang kapatid mo...” umangat ang dulo ng labi ng babaeng nasa harapan ko. “Hindi ko nagustuhan ang pagtataboy sa amin ng kaibigan mo. Wala siyang karapatang pagtabuyan ako lalo na kapag kaharap si Reid!”
“A-ano bang p-pinagsasabi mo? Dahil kay kuya Reid kaya niyo ako ginaganito?” nabarag ang boses ko dahil sa takot.
“Hindi ka lang pangit. Clueless ka din pala,” sabi ng babae sa kaliwa ko.
“Tanga nga! Kaya laging nabubully, ampon talaga siguro!” segunda ng babae sa kanan ko.
“Bitiwan niyo ‘ko!”
Sinubukan kong agawin ang mga braso ko sa kanila pero malakas ang dalawang nakahawak sa akin. Tumatawa ang mga ito. Pinagtatawanan ako. Hindi ko napigilan ang pag-iyak.
“Simple lang naman, pangit. Ibigay mo sa akin ngayon ang phone number ni Reid at hindi ka namin sasaktan,” sabi ng pinakalider nila.
I bit my lowerlip. I can’t believe that they are doing this to me just because she likes my brother that much. Hindi ba nila naisip na masama ‘to?
“H-hindi ko gagawin ‘yon. Lalo na ganito ang ginagawa niyo sa akin? H-hindi ka magugustuhan ni kuya kahit na... kahit maghubad ka pa sa harap niya!"
“Aba! Lumalaban ka pa?!”
Hinablot ng isang babae ang buhok ko samantalang tumawa naman ang dalawa. Napadaing ako doon.
"”Ang tapang mo, ha! Pangit ka naman!”
“Ibigay mo na kung ayaw mong masaktan!” singhal sa akin ng pinakalider na babae.
Umiling ako. Kung hiningi ninyo ng maayos ay pagbibigyan ko pa kayo pero sinasaktan niyo ‘ko. Bakit ganito sila kadesperada? Hindi ko maintindihan. Tuloy ang pagsabunot sa ‘kin ng isang babae dahilan para mas lalo akong mapaluha.
“Ibigay mo na kasi!”
“Phone number lang ni Reid, ayaw mo pang ibigay?! Gusto mo bang sirain ko pa ‘yang buhok mo?!”
Sanay na akong mabully pero sa tuwing naiipit ako sa ganito ay nanghihina ang kalooban ko. Naghuramentado ang puso ko nang maglabas ng gunting ang babaeng lider. She smirked devilishly and waved her scissor in front of me.
“Hawakan niyo siyang mabuti!”
Sinubukan ko ulit magpumiglas pero malalakas ang nakahawak sa akin. Palapit sa ‘kin ang babaeng lider nang bigla kong makita si Hyrie sa kanyang likuran.
Hyrie stole the scissor from her hand. The anger on her eyes was very visible. Her lips formed a thin line. Kita ang gulat sa mga mata ng tatlong babaeng umaaway sa ‘kin.
“Sino ang nagsabi sa inyo na pwede niyong saktan ang kambal ko?”
Hindi nakasagot ang tatlo. Hyrie looked at me. Hindi ko napigilan ang pagtulo ng luha ko. Malamig ang titig niya sa akin na para bang kasalanan pati ang pag-iyak ko at hindi niya ‘yon papalagpasin.
Bumaling siya sa babaeng lider at walang pag-aatubiling sinampal ito ng malakas. Napasinghap ako at tumitig sa nakakatakot kong kambal. I can sense her anger. It’s too evident that it controls her.
“Ang kakapal ng mukha niyong saktan ang kapatid ko!” nanggigil sa galit ang kanyang boses. “Hurting my sister is like messing up with me!”
Tahimik lang ang tatlong bully. Kacy, Hyrie’s bestfriend is trying to stop my twin sister but she failed to do so. She can’t stop her now... Hyrie’s fuming mad...
“Apologize to her! Now!”
Takot na takot ang tatlong babae habang humihingi ng tawad sa ‘kin. Binitiwan ako ng dalawa hanggang sa tumakbo na silang tatlo palabas ng gymnasium. Doon palang ako nakahinga ng maluwag habang sunod sunod ang pagpatak ng mga luha.
What happened? I swallowed the lump in my throat. Paulit ulit sa isip ko ang mga panglalait nila.
“Now, you’re crying again!” Hyrie shouted at me that made me tremble. “Iyan ang problema sa ‘yo, e! Kaya hindi matigil ‘yang pangbubully sa ‘yo dahil napakaweak mo! You can’t even protect yourself!”
Tama siya. Tama si Hyrie. Paano nga naman mahihinto ang pangbubully sa ‘kin? Napakahina ko. Napayuko ako at napahikbi na lang.
“Tandaan mo ‘to, Kim. Hindi sa lahat ng oras may magtatanggol sa ‘yo kaya matuto ka namang lumaban! Ikaw lang ang pwedeng pomrotekta sa sarili mo at hindi ang ibang tao!”
Suminghap ako nang umalis si Hyrie. Hinabol siya ni Kacy. Hindi ko napigilan ang paghagulgol. Napayuko ako at niyakap ang sarili. She’s right. Lahat ng mga sinabi niya ay nanunuot sa isipan ko...
She saved me. Kahit na may alitan kami ngayon ay hindi siya nag-atubiling ipagtanggol ako. She can just ignore me but she didn’t do that. For her, I am still her sister.
“Hyrie was right.”
It was a familiar male voice from the bleachers. Nag-angat ako ng tingin at nakita si Hero na pababa sa hagdan. He walked towards me.
He’s here? He saw everything then?
Nang makalapit sa ‘kin ay nagpamulsa ‘to. Naguguluhan pa din ako kung paanong nandito pala siya. He looked straightly at me with his piercing brown eyes. Hindi ko kaya ang paninitig niya. Agad akong nagpunas ng luha at tumalikod sa kanya.
“You have to fight back, Kimberly.”
Kinagat ko ang ibabang labi ko. Tama naman sila. Hindi pwedeng lagi akong mahina. Hindi pwedeng lagi akong nagpapaubaya at nagpapaapi. Kailangan ko ding lumaban.
They are right.
Dahan dahan akong tumango.
“6pm, parking space.” aniya.
“A-ano?”
Bumaling ako sa kanya. Deretso ang tingin niya sa ‘kin. Hindi ko mabasa ang emosyon sa mga mata niya.
“6pm. Parking space. Black BMW.”
“B-bakit? Anong mayro’n?” kuryoso kong tanong kahit umahon ang matinding kaba sa dibdib ko.
“You’ll know when you meet me later, Kimberly.”
Mas lalong naging depina ang kaba ko. Hero continued to look at me with his pierced eyes. I swallowed the lump in my throat as I can’t even think straight. Ito na ba ‘yon?
“Are we... going to discuss about the agreement?”
Namungay ang mga mata ni Hero. Umangat ang dulo ng kanyang labi at bahagyang umiling.
“What do you think, Kimberly?”
I gasped. Nanghihina ang mga tuhod ko. I don’t think I am ready to know everything but I have no choice. Nagpunas ako ng luha at marahang tumango bilang pagsang-ayon sa gusto niyang mangyari.
Wala ako sa wisyo kahit nang makarating ako sa cafeteria. Iniisip ko pa din ang sinabi ni Hero. Iniisip ko kung anong magiging reaksyon ko kapag nalaman ko na ang laman ng agreement na sinabi ni Shamielle noon. Hindi nga ako sigurado kung gusto ko bang malaman ang lahat ng nandoon.
Nakaramdam ako ng gutom. Hanggang ngayon ay wala pa din si Sandy. Kung narito lang siya, hindi siguro mangyayari ang lahat ng naganap sa gymnasium. Bumuntong hininga ako at pumila sa counter para makabili ng pagkain.
“Kim!”
Naramdaman ko ang pagyakap sa akin ng kung sino sa gitna ng pila. Nang lingunin ko iyon ay hindi nga ako nagkamali sa hinala. Sandy is finally back!
“S-Sandy. Bakit ngayon ka lang? Bitaw nga, hindi ako makahinga.”
Agad naman siyang bumitiw at ngumuso.
“E, yung makapal mong kuya nagpatulong pa sa presentation niya. Tapos hindi man lang ako pinakain! Hayop siya! Makakalbo ko siya pag nagpakita pa siya sa akin!”
“Weh? Akala ko naman nagkabalikan na kayo! Ang saya ko na sana...” napabungisngis ako.
“Yuck! In your dreams, Kim! Hindi ko na type yang kuya mo, no! Nuknukan ng sira ulo!” aniya at umirap pa. “Umorder na nga tayo, nagugutom na ‘ko!”
Pagkatapos naming umorder ng maraming pagkain ay inupuan namin ang kaisa-isang bakanteng mesa. Punong-puno ng tao ang cafeteria dahil lunch hour. Tahimik kaming kumain ni Sandy. Gusto ko siyang tanungin kung anong problema niya kaya lang ay baka hindi naman siya mag-oopen up sa ‘kin. I looked at the bandage on her forehead. Saan niya kaya nakuha ang sigat niya doon?
“Pashare mga miss, ah?”
Nahinto ako sa pagkain nang makita kung sino ang mga lumapit sa amin.
“Sige lang — ikaw?!” bulalas ni Sandy sa tabi ko.
Hero and his friend seated in front of us. Kaharap ko si Hero samantalang kaharap naman ni Sandy ‘yong lalaking nakita ko kanina. Gaya ni Hero ay ang lakas din ng dating ng lalaking ‘to. He looked playful and jolly while Hero is like a god of bitterness and poker face.
“Oh, look who’s here. Ikaw pala ‘yan Miss Run—”
“Sige, ituloy mo nang mapatay kita...” banta sa kanya ni Sandy.
Magkakilala ba sila? The guy just smirked and I can feel the intensity of his stare at Sandy. Nang balingan ko ang kaibigan ko ay kunot noo lamang ‘to at halatang nagtitimpi.
“Huwag niyo na lang pansinin si Hero. PG yan, e.” anito at bahagyang tumawa pagkatapos ay bumaling sa ‘kin. “By the way, I’m Skylus Cerrano...”
Iniangat niya ang kamay sa ere. Agad ko naman iyong tinanggap.
“At ikaw, It’s nice to see you again, Cassandra Lim.” sabi niya kay Sandy at ngumiti ng nakakaloko.
Bumaling ako kay Hero. Parang wala siyang kasama. He’s eating his food silently.
“Bakit kasi dito pa kayo nakiupo?!” iritado na talaga ‘tong kaibigan ko.
“Wala na kasing bakanteng table. Kamusta na sugat mo?” Skylus asked her.
“Pake mo ba sa sugat ko? Hindi ka naman doktor!”
“Aba! Pagkatapos mong makipagbahay— s**t! What the hell?!” napatayo si Skylus at tila naubos ang pasensya.
Hindi ko maintindihan kung bakit sila nag-aaway. Now I am convinced that they knew each other. Pero paano?
“Are you a horse? Ang sakit no’n!” umupo ulit si Skylus at galit na sinulyapan si Sandy.
“Kumain ka na lang kasi! Ang dami mong satsat!”
Nagsimula ang bulung bulungan sa paligid namin. Marami ang lumilingon sa amin at naririnig ko pa ang iba na nagtataka kung bakit nasa mesa namin ang dalawang sikat na fourth year sa College of Business Administration. Napayuko ako dahil nakaramdam ako ng hiya.
“Don’t mind them. Eat.” ani Hero na ngayo’y nakatitig sa ‘kin.
Eh?
Umawang ang labi ko. He’s watching me with that piercing eyes again. Pakiramdam ko ay nalulunod ako sa mga titig niya...
“What are you staring at, Kimberly? Please eat your food.”
Lumunok ako. He’s really talking to me now. Itinuloy ko ang pagkain ko kahit nakakailang ang paninitig niya sa akin.
“Inuutusan mo ba ang kaibigan ko?”
Oh, please! Not him, Sandy!
Tumawa si Skylus nang hindi pansinin ni Hero si Sandy. He just glanced his way and mind his food again.
Dahan dahan ang pagkain ko. Hiindi ko manguya ng maayos ang laman ng bibig ko dahil sa pagkakailang. Nang tumayo ang dalawang lalaki ay parang doon palang ako nakahinga ng maayos.
I thought Hero will leave but he turned to me with his piercing eyes.
“I’ll see you later, Kimberly.”
I swallowed hard. Huminga ako ng malalim nang tuluyan na silang makaalis. Talaga ba, Hero? Sa harap ng maraming tao ay sinabi niya ‘yon? Dito pa talaga kung saan ang daming nakatingin sa ‘min? Parang gusto ko na lang kunin ng lupa. Napapikit ako, nahihirapan dahil pati si Sandy ay tulala sa akin.
“Now, what was that Kimberly Rizz Alvedo? Are you dating... Hero?”