Kimberly’s Point of View
Matayog ang sikat ng araw nang lumabas kami ng kambal ko sa kotseng naghatid sa amin sa Crossville University. Ang pamilyar na main gate ay buhay dahil sa mga estudyanteng pumapasok.
“Mauna na ‘ko.” malamig ang boses ni Hyrie nang magsalita.
Sinarado niya ang pinto sa back seat ng aming kotse at taas noo ang pustura. Tinanguhan ko lang siya at hinayaan ng maglakad papasok ng university. Bumuntong hininga ako habang pinagmamasdan siya sa paglalakad. She has everything. Name and beauty. Brain and popularity. She was even crowned as the Campus Princess of our school and many boys are trying to pursue her. Nga lang, hindi ko talaga gusto ang ugali niya simula ng bumalik siya galing United States.
Nagkibit balikat ako. This is her choice. Siguro ang pagtutuunan ko na lang ng pansin ay ang pag-ayos ng mga sinira niya. Naisip ko ang lalaking pusta ko ay lubos na naapektuhan ng pagiging makasarili ng kambal ko. Kung si Hyrie ay hindi nagiguilty, ako oo. Isa pang pagbuntong hininga at pagkatapos ay naglakad na din ako papasok ng campus.
“Totoo ba ‘to? Fourth year college na tayo! Isang taon na lang na pagpapanggap, Kim!” eksaheradang saad ni Sandy habang kumakain kami ng breakfast sa cafeteria
Napailing ako. “Hindi ka na pwedeng magpetiks, Sandy. Dapat ay sabay tayong gumraduate, okay?”
First day ng school ngayon. Fourth year college na kami sa wakas! Kaunting pagsusunog ng kilay na lang ay matatapos na din kami sa pag-aaral. Parang kahapon lang ang lahat... Ang nakakatuyo ng utak na pagsasagot sa entrance exam ng school na ito... Ang unang beses na pagtuntong sa campus at ang unang beses na paghawak ng librong pang-Psychology. I smiled looking back at those memories.
Naningkit ang natural na singkit na mga mata ni Sandy. She is a half Chinese reason why her eyes are like that. Nagtataka man ako sa paninitig niya ay nagawa ko pa ding kagatan ang hawak na pizza.
“Ano nga iyong sinabi mo na plano mo na sisimulan mo na, Kim?” she asked me curiously.
I swallowed the piece of pizza inside my mouth and tried to come up with a best answer.
“Mag-aaral ng mabuti para makahanap ng magandang ng trabaho?”
Diretso ang tingin ko sa kanya habang siya naman ay halatang hindi kumbinsido sa sinabi ko. Bakit ko nga ba sinabi ang mga plano ko sa kanya? Panigurado naman na pipigilan niya lang ako. Mas lalong sumingkit ang mga mata niya habang nahahalata ang pagtatago ko ng katotohanan. Napakamot ako sa aking buhok.
“No, Kim!” she said while trying to read what’s on my mind. “You did mention that you will do something for Hero Montesilva. Natatandaan ko iyon, e!” pagkatapos ay tila may lumiwanag sa isipan niya. “Oo nga! Sabi mo ay susubukan mong baguhin ang womanizer s***h maniac na ‘yon?”
Napasinghap ako sa pagkabulgar bibig ng kaibigan ko.
“Sandy! Ang bibig mo!” hindi ko napigilan ang pagsaway sa kanya.
She smirked. “Bakit? Totoo naman, ‘di ba? Halos lahat ng mga babaeng elite sa school na ‘to nakahook up na niya!”
Napailing ako dahil pawang tsismis lang naman ‘yon. Baliw talaga ‘tong kaibigan ko kahit kailan! Hindi ko alam kung bakit iritado siya sa lalaking ‘yon gayong wala naman ‘tong ginagawa sa kanya.
“Huwag mo siyang husgahan, Sandy. I know he’s kind! At saka isa pa, hindi naman siya gano’n dati. Mababago ko pa siya.” seryoso kong wika.
She looked at me as if she can’t believe what I just said. Napakunot ang noo ko nang sarkastikong tumawa itong kaibigan ko.
“Wow!” pumalakpak pa ito habang tumatawa. “Talaga bang naniniwala kang mababago mo pa ang siraulong ‘yon, Kim? That’s too impossible! Hero Montesilva is totally an idiot and he’s so insane—” Hindi na niya natuloy ang mga panglalait niya dahil isinubo ko na ang isang slice ng pizza sa bibig niya.
Napakadaldal! Mas lalong bumibigat ang kalooban ko kapag may naririnig ako na hindi maganda patungkol sa Hero Montesilva na ‘yon dahil alam kong si Hyrie mismo ang may gawa no’n sa kanya. She caused him pain and he changed because of it. He has changed in wrong way... ‘Yon ang gusto kong baguhin!
“Just shut up, Sandy.” hindi ko napigilan ang bibig ko. “Hindi ka dapat nanghuhusga ng kapwa nang dahil lang sa nakikita mo. Kainin mo na ‘yan, malelate na tayo!”
“Ito naman! Napakabait mo kasi! Gusto mo lang siguro iyang ex-boyfriend ng kambal mo kaya ayaw mong nilalait ko siya, ‘no?” aniya at ngumuso.
I sighed heavily. Tipid akong ngumiti kay Sandy. “I'm just... concerned, okay? ‘Yon lang, Sandy. ‘Tsaka masama naman talaga ang panghuhusga ng kapwa, e! Tinuturo ‘yon noong elementary. Don’t tell me ay tinulugan mo lang?”
Natawa ako ng eksaherada ‘tong umirap sa ‘kin. Cassandra Lim doesn’t like it when I am preaching her about those good things she has to remember and live with. Pakiramdam niya ay isa ‘kong santa pero ang gusto ko lang ay walang maagrabyadong tao kaya hangga’t maaari ay ayokong magsalita ng masama sa kapwa ko. Iyon nga lang, magkaiba kami ng pananaw sa buhay.
People think that it is funny when they talk bad things and judge a person easily. Kumbaga’y magsasalita ng masama sa kapwa para may mapagtawanan at mapagkaisahan lang. Ayoko ng ganoon.
“Oo na, ako na ang b***h at ikaw na ang mabait! Kailangan talaga laging filtered ang mga sasabihin ko kapag kaharap ka, e! Stop preaching me, bestfriend!” sabi niya at ininom ang kanyang apple juice. She looked at her wrist watch. “Tara na! Magstart na first subject natin.”
“Alright,” kinuha ko ang shoulder bag ako.
Sabay kaming tumayo at umalis sa cafeteria para sa unang klase. Habang naglalakad ay binubuo ko na sa isip ko ang magiging plano ko para kay Hero. Iniisip ko kung paano ko siya mababago. Should I talk to him? Should I try to be a friend with him and maybe influence him of doing good things? I don't know...
Buo ang loob ko sa planong baguhin siya pero hindi ko pa maisip ang tamang paraan para gawin iyon. Isa lang ang alam ko, dapat ko siyang baguhin sa kahit anong paraan.
I bit my lowerlip. Ako lang naman ito. Isang Kimberly Rizz Alvedo at fraternal twin ng ex-girlfriend niya. Kung tutuusin ay papasang wallflower. Sa papanong paraan ko kaya siya maibabalik sa dati?
I just want the old and kind Hero Montesilva back to life. The version of him that I see right now is the opposite of what he was before. It’s all because of my twin sister’s fault.
Kaya naman gagawin ko ang lahat para bumalik lang ang dating Hero Jun Montesilva.