Kagaya ng inaasahan sa t’wing unang araw ng school year ay wala kaming halos ginawa. Sinimulan ng ibang professor ang klase sa pagbabasa ng syllabus at introduction. Ang iba naman ay nagpahayag ng mga expectations at pagkatapos ay dinidismiss na agad kami. Mas naenjoy pa nga siguro ni Sandy ang pagtulog sa kanyang desk samantalang ako ay lumilipad lang ang isip.
Kinabukasan ay naghintayan kami ni Sandy sa main gate. Katulad ng kahapon ay sabay kami sa kotse ng kambal ko pero hindi kami gaanong nag-uusap. Bago siya mauna sa pagpasok ng campus ay napagmasdan ko pa ang kasuotan niya.
She looked like a model. Natural ang pagkapula ng labi, kutis porselanang balat na nababalot ng puting off-shoulder na top at denim skirt, mataas ang heels na mas bumagay sa maputing paa, mas lalong binagayan ng natural na umaalon at mahabang buhok. My twin sister is just so gorgeous...
Napatingin ako sa suot ko. Karaniwang uniform ng isang Psychology student, mahaba ngunit dry na buhok at pale na mukha. Magkaibang magkaiba kami. Kaya hindi na ako nagtataka na maraming lalaki ang humahabol sa kambal ko.
“Kim!” tawag sa akin ni Sandy dahilan para mawala si Hyrie sa isip ko.
Nilingon ko siya’t nakitang kabababa lang sa pamilyar na kotse ng pinsan niya. She waved her hand and ran towards me. Agad niyang pinulupot ang mga kamay niya sa ‘king braso.
“Tagal kumilos ni Kuya Dmitri. Kanina ka pa?”
Umiling ako at ngumiti. “Kararating lang din namin. Pasok na tayo para makapagbasa basa pa ako ng libro.”
“Ang geek ha!” aniya at umirap ang mga mata.
Tinawanan ko lang iyon. Pumasok kaming dalawa sa loob ng campus. Nagkukwentuhan kami habang naglalakad nang mapahinto kami sa tapat ng soccer field dahil sa isang komosyon.
Napasinghap ako kung sino ang pinapanood ng maraming estudyante doon.
“You can’t do this to me, Montesilva! Don’t be so cruel!” sigaw ng isang Shamielle Chavez. Umiiyak ito habang nakikipagtalo kay Hero Jun Montesilva.
“Anong mayroon? Ang aga-aga!” kuryosong tanong ni Sandy sa akin. Hinila pa niya ako para makalapit doon.
“Si Shamielle ‘yon, ‘di ba? Bakit kaya siya nagwawala?” maging ako ay naging kuryoso sa nangyayari.
Anong ginawa ni Hero sa kanya?
“Mukhang si Hero ang may kasalanan. Hindi ko alam kung bakit ang daming nabibitag niyang lalaking ‘yan! Lahat na lang yata ng babaeng madikit sa kanya ay umiiyak,” dismayadong sabi ni Sandy.
I bit my lower lip. Kung ganoon ay inoobserbahan din pala ng kaibigan ko si Hero... At tama naman siya sa mga sinabi niya. Kahit ako, tanong sa ko sa sarili ko iyon. He’s like a chic magnet. Whoever gets close to him will end up crying.
Pinanood ko ang nangyayari. Humahagulgol si Shamielle sa harap ni Hero. Samantalang halos wala namang pakialam ang lalaki sa nangyayari.
“I-extend pa natin, please? I can’t accept this! Why are you dumping me easily? I need you!” iyak ni Shamielle.
Marami ang bulungan sa paligid patungkol sa dalawang ‘to. Hindi ko iyon pinakinggan dahil deretso ang tingin ko kay Hero. He’s dumping this woman with his eyes so cold. Hindi naman siya ganyan noon...
“We’re over, Shamielle. You can stop this now. Ayoko ng eksena,” walang kaemo-emosyong pahayag ni Hero sa dalaga.
“Nakakairita naman ‘yang si Shamielle! Sinisira ba niya ang image niya?” iritadong wika ni Sandy. “Hindi ba niya alam ang salitang move on? Nagmamakaawa pa siya sa lalaking ‘yan!”
“No, Hero! Please, don’t do this to me! Mahal kita!” pagmamakaawa pa ni Shamielle.
Umiling lang si Hero. Aalis na sana siya kaya lang ay napahinto nang magsalita pa si Shamielle.
“I gave you everything! Binigay ko ang sarili ko sa iyo! Sino pa ang tatanggap sa akin kung kinuha mo na ang lahat? I thought you love me, too!”
I heard everyone gasp. Kahit ako ay nagulat sa huling pahayag ni Shamielle. She did what? Kunot noo kong binalingan si Hero. How can he do this to every girl he had relationship with? He’s too cruel...
Nagpatuloy ang bulungan ng mga estudyanteng malapit sa amin. Mariin kong tinikom ang bibig ko. Hindi pa din ako makapaniwala sa nasasaksihan ko ngayon.
“Hindi na pala ‘yan virgin, e!”
“Kahit sino naman ay bibigay kay Hero...”
“Pero ang swerte niya at si Hero ang nakakuha.”
“Matapos makama, iiwan na niya? Grabe ‘tong si Hero.” nasabi ng lalaki sa gilid namin. Napatingin tuloy kami ni Sandy sa kanya.
“Tama ka dyan, kuya! Ang dapat dyan kay Hero pinuputulan ng p*********i, e!” iritadong pagsang-aayon ni Sandy dito.
Bumuntong hininga ako. Naaawa ako kay Shamielle pero naaawa din ako kay Hero. Hindi naman siya magkakaganito kung hindi dahil sa kambal ko. Hyrie turned him into a monster. This is all her fault...
Hindi na nagsalita pa ng kahit ano si Hero. He just left Shamielle crying and helpless in front of many students. Natuon ang atensyon ko sa babaeng sinaktan niya. Sana man lang ay nagpaliwanag siya ng maayos kay Shamielle pero hindi niya ‘yon ginawa. Ganoon na lang ba talaga niya kung tapusin ang mga nagiging relasyon niya sa mga babae?
“I can’t believe he just walked out like that! Napakawalang puso! Tara na nga, Kim!” ani Sandy.
Hindi natinag ang tingin ko kay Shamielle na umiiyak.
“Mauna ka na, Sandy. Maaga pa naman. May gagawin lang ako.”
“What is it? Naku, Kimberly! Don’t tell me susundan mo pa ang lalaking ‘yon? Nakita mo naman kung paano niya pinaiyak si Shamielle! Itigil mo na ‘yang iniisip mo!”
“It’s not what you think... Hindi ko siya susundan, okay?” sabi ko.
Naningkit ang mga mata ni Sandy habang nakatingin sa akin. “Kung anuman ‘yang binabalak mo, pwes mag-isip isip ka pa, Kimberly. Huwag ka masyadong magpakabayani. Anyway, magkita na lang tayo sa classroom. Magrestroom muna ako.”
Tumango lang ako sa sinabi niya. Nang makaalis siya ay bumaling ulit ako kay Shamielle. Wala man lang lumapit sa kanya kahit isang estudyante para aluin siya. Pagkaalis ni Hero ay hindi na rin sila interesado. Huminga ako ng malalim at lumapit sa kanya. Kinuha ko ang panyo sa aking bag at inabot iyon sa harap niya.
“Huwag ka ng umiyak,” tanging nasabi ko.
Shamielle used to be our friend during Highschool years. Iyon nga lang ay lumayo siya sa amin dahil mas pinili niya ang mga sosyal na kaibigan niya noon. Gayunpaman, hindi ko kayang tumalikod na lang sa kanya. Kaibigan pa din naman ang turing ko sa kanya.
“Kimmy...” agad siyang yumakap sa akin at umiyak. Inalu ko ang likod niya.
“I’m sorry about what happened, Sham. Huwag mo na siyang iyakan,” pahayag ko.
Ilang minuto din siyang nakayakap sa akin. Nang matapos ang pag-iyak ay nagpasama naman siya sa garden para makapagpahangin. Mugto ang mga mata niya habang nakayuko.
“Hindi ko inaasahan na ikaw ang lalapit sa akin. I treated you badly before,” she said weakly. Umupo ‘to sa bench at bumaling sa akin.
“It was all in the past, Shamielle. Hindi ko lang din gusto na makita ka sa ganoong kalagayan.”
Hindi na yata ako makakapasok sa unang subject nito. I know Sandy will be mad but Shamielle needs someone to talk to. Isa pa ay interesado din akong malaman kung ano talaga ang nangyari sa kanila ni Hero. Umupo ako sa tabi niya at nag-angat ng tingin sa mga malulusog na mga sanga ng puno.
“Nakakahiya! Lahat yata ng estudyante ay nakita kami kanina,” panimula niya. “Hindi man lang niya ako pinakinggan!”
I looked at her only to see the anger on her face. Nakikita ko sa mukha niya na hindi niya matanggap ang pagkapahiya kanina. Sino ba naman kasing papayag na mapahiya sa harap ng madaming tao?
“Hero is a different person, Shamielle. At saka kung ayos lang magtanong, ano ba ‘yong extension na hinihingi mo sa kanya kanina?” hindi ko na napigilan ang bibig ko.
She sighed heavily and looked at me.
“I signed to a freaking agreement, Kimberly. You wouldn’t want to know the details... Hindi ko pwedeng sabihin sa kahit sino ‘yon,” aniya at kinagat ang ibabang labi.
Napakunot ang noo ko. Anong agreement naman ‘yon?
“Ano ba ang sinasabi mo?” kuryoso kong tanong habang naguguluhan.
Napasinghap ako nang magmura siya. She looked very frustrated and vulnerable. Ilang beses siyang bumuntong hininga at pagkatapos ay humarap sa akin. She held my hand while looking at me seriously.
“Kimmy, I’ll tell you a dark secret but you have to promise me that you won’t tell this story to anyone,” saad niya sa napakaseryosong tono.
Naguguluhan man ay dahan dahan akong tumango. I don’t know why but I am quite nervous right now...
“Si Hero... He has this weird way of having a relationship... There is an agreement you have to sign up with before he accepts you as his girl...” pinikit niya ang mga mata niya, tila nahihirapan. “This agreement will last for three months... Magiging iyo siya pero hindi simple ang hinihingi niya...”
Agreement? Three month relationship? Bakit may ganoon? Anong iniisip ni Hero?
“O-okay... Then?”
I am trying to digest everything she was telling me. I am trying to understand what happened to Hero and why there is such thing as agreement? Para saan ‘yon?
“This is really unusual. He is not looking for romance or what. He’s after...” she paused and bit her lower lip. Mukhang alanganin pa siya kung sasabihin niya sa akin ang sekretong ‘yon o hindi.
“He’s after what Sham?”
Bumuntong hininga pa siya bago magsalita.
“He’s only after s*x, Kim.” she revealed.
Nalaglag ang panga ko. Parang hindi ko kayang paniwalaan ng isip ko ang sinabi niyang ‘yon...
“What?” I managed to ask in disbelief.
“You heard me, right? He’s only into s*x relationship, Kimmy,” malungkot na saad ni Shamielle. “Hindi ko nga alam kung tinuring niya akong girlfriend o hanggang bed buddy lang ako sa paningin niya.”
Hindi ako nakapagsalita. Ganoon na ba talaga kalala ang naging epekto ng ginawa ng kambal ko sa kanya?
“A-ano pang mayroon sa agreement na ‘yon?” tanong ko pa.
“Marami. Huwag mo na lang alamin. Mukha lang normal si Hero pero may tinatago siyang sikreto. Kimmy, huwag mo ‘tong sasabihin sa iba, okay?”
“Oo naman, Sham,” tumango ako. “Walang makakaalam nito. Uh, so ano? Tapos na kayo talaga ganoon?”
She sighed heavily. Labag man sa loob ay tumango siya, pagkukumpirma ang pagtatapos nila Hero.
“Kahit naman lumuhod ako sa harap niya ay hindi na siya papayag na maging kami ulit. Ang sakit lang kasi minahal ko siya, e. Siguro ngayon ay maghahanap na iyon ng panibagong bed buddy...”
“For real?”
“Oo. He needs a s*x life, Kimmy. Lahat naman ng lalaki ay ganoon pero sadyang kakaiba lang si Hero.”
Wala na akong nasabi. Tanging pagtango na lang ang nagawa ko. Hindi pa din ako makapaniwala sa mga narinig ko. Isa pa, sa mga sinabi ni Sham ay hindi ko maiwasang mapaisip...
He’s looking for a new one. A bed buddy for three months... Kinakabahan ako sa naiisip ko ngunit determinado akong baguhin siya.
Ito na yata ang binigay na opportunity sa akin ng tadhana.
Tuliro ako hanggang sa maghiwalay kami ni Shamielle. Iniisip ko pa din kung tama ba itong naiisip ko... Should I really try his game and take a risk?
Naalala ako ang mga mata ni Hero noong layuan siya ni Hyrie. Those eyes which suffered from fatal pain and hatred... Kaya siya naging ganito ay dahil sa kambal ko. Biktima lang si Hero... Si Hyrie ang may kasalanan ng lahat... Pinaglaruan niya lang ang lalaking ‘yon.
Nabuo ang desisyon ko. Kailangan ko ‘tong gawin para baguhin ang lahat...
Hindi na ako nag-atubiling hanapin si Hero. Wala siya sa building nila pati din sa field at basketball court. Naalala ko dati ang sinabi ni Sandy na madalas daw niyang makita si Hero sa rooftop kapag nagdadala sila doon ng mga sirang upuan... Baka nandoon siya!
Patakbo akong pumunta sa Professional’s Building at inakyat ang bawat hagdan ng mga palapag. Napahinto lang ako nang makarating ang pinto kung saan rooftop na ang nasa labas.
Naghuhuramentado ng puso ko sa kaba at pagod dahil sa pagtakbo. Hinabol ko ang paghinga ko at nang makuha na ang tamang lakas ng loob ay binuksan ang pinto na ‘yon.
Hindi nga ako nagkamali. Naroon si Hero. Nakahiga siya sa lumang teacher’s desk. Agad siyang bumangon nang mapansin ang presensya ko.
Sa mga titig pa lang niya ay kinakabahan na ako... Tibayan mo ang loob mo, Kimberly!
“K-kanina pa kita hinahanap...” nauutal kong sabi.
Malamig ang pinukaw niyang titig sa akin. My legs are becoming so jelly as his stare makes me so uncomfortable. I swallowed hard. Kaya ko ‘to!
“Kimberly...” she called my name, acknowledging my unwanted presence in this place.
Ofcourse. Kilala niya ako. I am his ex-girlfriend’s twin sister.
“What are you doing here?” he asked me. Naging depina sa mga mata niya ang pagiging kuryoso sa pakay ko.
Lumunok ako. Tinago ko ang mga kamay ko sa likod ko at pagkatapos ay matapang siyang tinitigan.
“I am here to ask you a favor, Hero Montesilva...” matapang kong wika.
Umangat ang dulo ng labi niya. Halos mapatid ang tapang ko nang maglakad siya palapit sa akin. I had to step back because I felt the cruelty of his aura.
“What kind of favor?”
I took a very deep breath. Pagkatapos ay tinignan ko ng buong tapang sa mga mata si Hero.
“Hire me.”
Nakita ko ang pagbabago ng ekspresyon ng mga mata niya. Halata ang pagkagulat at pagtatanong sa mga ‘yon. Ngunit ilong segundo lang ay tumalim at lumamig ang tingin niya sa akin.
“What did you say?” wika niya sa mariing tono.
Mariin kong sinarado ang mga kamay ko sa likod ko. Habang nakatitig sa kanya at habang buhay pa ang tapang sa dibdib ko ay nagsalita ako. “Hero Jun Montesilva, please allow me to be your bed buddy for the next three months...”
His jaw clenched. The anger on his piercing eyes became visible.
Napasinghap ako sa kaba ng magpakawala siya ng malutong na mura.
I’m doomed...