“Seryoso? He did all that?!” Tumango ako. Nasapo ni Sandy ang kanyang noo. Ilang araw na ang nakakalipas nang makabalik sila ng Manila. Narito siya ngayon sa bahay para bisitahin ako at si kuya Reid. Pero dahil wala naman si kuya, heto kaming dalawa at nasa kwarto ko. Dahil hindi na rin ako makampante sa mga nangyayari ay sinabi ko na ang lahat ng ginagawa ni Hero nitong mga nakaraang araw. Lahat ay sinabi ko kay Sandy... Ang pagsunod sa amin ni Hero nang bumalik kaming Manila galing Palawan... Ang pagpapadala niya ng bulaklak sa akin t’wing umaga... Ang mga texts niyang hindi ko nirereplyan... “Nagkandaloko-loko na!” bulalas ni Sandy at pagkatapos ay huminga ng malalim. Umayos ito ng upo sa kama ko. Ako naman ay niyakap ng mahigpit ang unan ko. Ang hirap lang talaga ng sitwasyon ko

