Kimberly’s Point of View Mabilis akong lumabas ng kotse niya. Hindi ko mapigilan ang pagluha. Ano ba, Kimberly? Akala ko ba buo na ang desisyon mo? Huminga ako ng malalim at mabilis na tinungo ang pinakamalapit na restroom. Pumasok ako sa isang cubicle at doon ko hinayaang pumatak ang mga luha ko. Akala ko madali lang. Sobrang hirap pala. Ayoko siyang biawan dahil alam ko naman na kahit papaano may laban ako. Pero hindi ko kayang kalabanin ang kunsensya ko... Sila dapat talaga. Hindi dapat ako nanghimasok noong una palang. Ito ngayon ang napala ko sa lahat ng katangahan ko. Ang sakit... Pinilit kong ayusin ang sarili ko. May mga klase pa ‘kong dapat pasukan. Hindi ako pwedeng magpaapekto. Hindi ko sisirain ang pag-aaral ko nang dahil lang dito sa nararamdaman ko. Kung sana ay m

