“A-art...” naiusal ko. I am just hallucinating. That was my conclusion. Pero ilang sandali na ang nakakalipas at makailang ulit na akong pumikit at dumilat pero nandoon pa rin si Art at nakatayo. “T-this is not hallucination. Araya, nakikita mo rin ba siya?” tawag ko kay Araya nang lumayo ito sa akin at pumasok sa loob ng bahay. Nilingon ko siya at nakitang dire-diretso siya sa kusina. Nagbalik ako ng tingin kay Art at nakitang naroroon pa rin siya at ngayo'y nakangiti. “Come on, Marga! Aren’t you going to let me in?” Napasinghap ako’t napatakip agad sa aking bibig. Agad na bumuhos ang mga luha ko. Nagkusa si Art at binuksan niya ang gate. Pumasok siya at diretso ang lakad papunta sa akin. “Iniwan kitang umiiyak. Ngayong nagbalik na ako, luha mo pa rin ang nakikita ko,” he said with

