Sa lahat ng pinakamahirap. Ito iyon. Ang magmahal ka ng taong hindi pa tapos magmahal ng iba. At kahit na ganoon ay paulit-ulit pa ring tumitibok ang puso ko para sa kanya. Napakatanga! Tanggap ko na. At sa totoo lang ay umasa ako. Umasa ako noon na sa pagbabalik ni Art ay magiging buong pamilya kami. Na magiging ganap akong mommy ni Araya at asawa ako ni Art. Umasa akong magiging masaya kaming tatlo. Pero umasa ako sa wala. Kinuha ni Art si Araya mula sa akin. They both lived in his house while I remained in my house. Alone and hurting. Umikot muli ang mundo ni Art kay Araya. Umikot muli kay Princess. Lagi niyang bukambibig si Princess at kinikwento niya kay Araya kung saan niya ito unang nakita. Sa kung paano niya ito sinuyo at kung paano siya nito sinagot. “Maganda iyong ngiti ng m

