Her eyes… Araya got Princess’s eyes. Sobrang magkahawig. Ang akala ko noong unang beses kong nakita si Araya ay nagkataon lang kasi ang akala ko rin ay anak siya ni Attorney Allan. “Kilala mo ang mommy at daddy ko?” Tanging mga mata ko lang ang iginalaw ko nang nagbaba ako ng tingin kay Araya na nasa aking gilid. Nakaangat ang kanyang ulo habang nakatanaw siya sa akin. Hindi ko siya sinagot. Muli akong nagtaas ng tingin sa pinapanood kong palabas sa tv. “Hoy! Snabera ka,” aniya kaya nagbaba ulit ako ng tingin sa kanya. Wait… Did she call me esnabera? “Girlfriend ako ng daddy mo,” sabi ko sa kanya. Gusto ko siyang inisin. Hindi ko alam pero iritado ako sa kanya. Is it because she’s a living memory of Princess? Nakita ko ang pangungunot ng kanyang noo habang nakatingin sa akin.

