“Ahhh! Mommy Marga!” matinis ang boses na sigaw ni Araya. Naikuyom ko ang mga kamao ko at naipikit ng mariin ang aking mga mata. “Heeelp!” Nanginginig na ang kanyang boses sa kakaiyak habang pinupokpok ang aking pintuan. Marahas akong napabuga ng hangin bago tumayo at saka nagtungo sa pintuan upang pagbuksan siya. Pagkabukas na pagkabukas ko ng pintuan ay diretso ang naging yakap niya sa akin habang humahagulgol. She’s very afraid. Natigilan ako. Sobrang higpit ng yakap sa akin ni Araya. “Shhh...” Kusa iyong lumabas sa bibig ko. Maging ang mga kamay ko ay unti-unting humawak sa kanya. Hindi ko alam kung bakit pero unti-unti kong nakikita sa kanya ang sarili ko. That little Marga na laging takot sa lahat, kahit sa kulog at kidlat na feeling ko’y mga tunog ng bomba at baril.

