Alanganin pa akong lumabas ng sasakyan niya pagkarating namin sa restaurant. He looked at me with assurance that everything will going to be okay kaya tinanggap ko ang kamay niyang nag aabang sa akin. “Sigurado kang hindi ka kinakabahan?” tanong kong muli kay Art. Natawa siya’t napailing-iling na lang dahil sa kakulitan ko. Pang ilang beses ko na kasing naitanong sa kanya ‘yon. “Let’s go,” bulong niya sa tainga ko saka ako inalalayan papasok ng resto. Sinalubong kami ng isang waitress. Nang sabihin kong kasama kami ni Antonette Ruiz ay agad kami nitong iginiya papunta sa table nito na nasa second floor pa pala. Sa pinakadulong bahagi katabi ng malawak na bintana ang pwesto nina auntie. I saw her laughing while talking to Nikolai. They were pretty close, I see. Pagkarating namin sa mis

