Doon ko lang napansing ang daang tinatahak namin ay hindi ang daan patungo sa aming village. It’s a different road. Nilingon ko ang likuran namin at nakita kong nasa likuran sina Flint at Nikki at may iba pang mga itim na sasakyan ang nakasunod sa amin. Kahit na natakot ako sa sinabi ni Art ay nagawa ko pa ring tumawa ng pilit. “Anong pinagsasasabi mo, Art?” “Do you still remember the woman and the unborn child you killed seven years ago, Marga?” Tila isang malakas at sobrang lamig na hangin ang tumama sa akin. Nanlamig ako at alam kong nawalan ng kulay ang aking mukha. He’s talking about Princess Fuego. s**t! Don’t tell me… “Ako ang ama ng bata, Marga… I am Princess’s fiance.” He didn’t shoot me. Hindi niya ako binaril. Pero pakiramdam ko’y binaril niya ako at diretso iyon sa puso k

