Kabanata 13 - Pera

1551 Words

“Naku talaga! Sinasabi ko sa iyo! Kunwari lang iyang ligaw ligaw na iyan!” Kasalukuyan akong kumakain ng breakfast na inihanda ni Art para sa akin nang dumating si Serra. Nagdiretso siya sa lamesa kung nasaan ako at agad na naupo. Hindi ko nagawang iligpit ang sticky note na idinikit ni Art sa lamesa kaya nabasa iyon ni Serra. “Hindi naman siya nanliligaw—” “Anong hindi? Marga, tanga ka ba? Ipinaghanda ka ng breakfast, tapos may sticky note pa na nakasulat na he will make you fall in love. At ano sa tingin mo ang ibig sabihin no’n?” “Baka naman nagbibiro lang,” Marahas na napabuntonghininga si Serra. “Iyang mga lalakeng iyan. Ginagawa nilang biro ang lahat, e! Ano bang akala nila sa ating mga babae? Laruan?” “Miss Serra…” si Nikki, sinusubukang pakalmahin si Serra. “What?!” baling

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD