“f**k!” Malutong na mura ang pinakawalan ni Art matapos niyang makita ang mga movies na naka download sa laptop ko. “Wala kang romance?” seryosong tanong niya habang ang mga mata ay nakatutok pa rin sa laptop. “Kahit anong gawin mong paghahanap d'yan ay wala ka talagang mahahanap, Art. Hindi ako mahilig sa mga romantic movies.” Kasalukuyan kaming nasa kusina at gumagawa ako ng nachos salad. Habang si Art naman ay nasa lamesa at naghahanap ng pwedeng mapanood. “Mag netflix na lang kaya tayo?” suhestiyon niya. Napaangat ako ng tingin sa kanya at ngayo'y natigilan na ako sa ginagawa ko. I don’t like that suggestion from him. We were supposed to watch zombie movies or anything that is horror. Pero mukhang nakakahanap talaga siya ng paraan para manood ng romantic movies. Napabuga ako ng h

