Nagkatitigan kami at sandaling nawalan ng salita. Natigil lang iyon nang dumating ang aming mga pagkain. Tahimik kaming nagsimula. Hanggang sa matapos ay hindi na namin muli pang binuksan ang usapin tungkol sa nangyari kanina. Nasa labas na kami ng hotel at parehas na nakatunganga sa harap ng kanyang sasakyan. “Uhh…” ako, habang nag iisip ng pwedeng sabihin. Uuwi na kami pero parang ayaw ko pa. Wala naman na kasi akong gagawin sa bahay. “Uuwi na tayo?” aniya. “Gusto mong mamasyal muna?” dagdag niya. Kinagat ko ang labi ko at tipid na ngumiti saka tumango. “Saan naman?” Nag iwas siya ng tingin at nagkamot ng batok. “You know what, I am really not good at this. Hindi ako mahilig mamasyal.” Nahihiya siyang ngumiti sa akin. Napangiti na rin ako. “We can just take a walk, Art. Para na

