Kabanata 10 - Worried

1910 Words
Pagkahatid ni Flint sa akin sa bahay ay agad ko na rin siyang hinayaan na dalhin ang sasakyan at i-date si Nikki. Ayaw pa niyang umamin na may gusto siya sa secretary ko gayong halatang halata naman. Matapos kong ihagis ang Dolce and Gabbana bag ko sa kama ko ay agad na akong naghubad ng damit. Bra at panty na lamang ang suot ko nang napansin kong parang may tao sa labas ng balkonahe ko. Tanging puting kurtina lang at glass door ang nakaharang mula sa kwarto ko papunta sa balkonahe. Makapal ang kurtina kaya hindi ko masyadong aninag ang itim na bultong nakatayo sa labas. Pero alam kong bulto iyon ng tao. Damn it! Malaking tao. Mabilis akong nagtungo sa walk in closet at hinablot ang kulay abong roba saka ko iyon agad na sinuot. Huminga ako ng malalim at bumalik sa kwarto. Dahan dahan ang ginawa kong paglalakad papunta sa kama ko. Naupo ako at halos hindi na ako humihinga habang yumuyuko at dinudukot ang M1911 pistol na nakatago sa ilalim ng kama. Iniwan ito sa akin ni Nikolai bago pa ako lumipat dito. Inilingan ko pa nga si Nikolai nang ibigay niya ito sa akin noon, buti na lang talaga ay nakumbinsi niya ako. Tumayo ako at maglalakad na sana papunta sa balkonahe pero tumunog ang doorbell dahilan upang mapalingon ako sa pintuan. Mabilis na gumalaw ang aninong nakikita ko na nabibigyan ng kaunting ilaw mula sa bilugang buwan sa labas. Nag ingay muli ang doorbell. Hindi ko iyon pinansin. Bitbit ang baril ay nagdiretso ako sa balkonahe at buong tapang na hinawi ang kurtina at binuksan ang glass door. Tanging malamig na hangin ang sumalubong sa akin at walang kahit na anong bakas mula sa aninong nakikita ko kanina. Am I hallucinating? Sinuri kong mabuti ang lugar at wala talaga akong nakikitang kakaiba. Nagbaba ako ng tingin sa gate at nakita ko roon si Art na may dala ulit na bowl. Kinagat ko ang labi ko, ibinalik ang baril sa ilalim ng kama, humugot ng malalim na hininga at saka ako nagpasyang babain si Art. “Nag dinner ka na?” salubong niya sa akin pagkarating ko sa gate. Tumango ako habang binubuksan ang gate at nakikiramdam pa sa paligid. Hindi ako mapakali at panay pa ang lingon ko sa kung saan. “Are you okay?” Napansin marahil ni Art ang pagkabalisa ko kaya ngayon ay nagtatanong. “Y-yeah… U-uhh… P-pasok ka,” nauutal na sabi ko sa kanya habang ang paningin ay naroroon sa kaliwang gilid ko. Napatayo ako ng tuwid nang napansing gumalaw ang bushes banda roon. “You’re not okay,” aniya. Nilingon ko si Art at nakita kong nakaangat ang gilid ng kanyang labi at bakas ang pagdududa sa kanyang mga mata. “Hindi mo ako iniimbita ng diretso sa bahay mo, Marga.” Napalingon akong muli sa gilid ko kung saan may gumalaw kanina. Muli kong narinig ang ingay dulot ng bushes na hinahawi. “I t-think s-someone is i-inside my house, Art.” Hindi siya sumagot kaya nilingon ko siya. Nahuli ko siyang tumatango. “I know,” sabay ngiti niya. Kumunot ang noo ko habang nakatingin ako sa kanya. “Let’s go? Nagluto ka na ng kanin?” aniya at pumasok na sa gate saka niya ako hinawakan sa bewang ko at inalalayan papasok ng bahay ko. Nasa entrada na kami ng bahay nang naalala kong hindi namin naisarado ang gate. Tumigil ako sa paglalakad at lilingon na sana sa gate pero mabilis na lumapat ang labi ni Art sa pisngi ko dahilan ng pag-awang ng aking labi. Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin ako sa kanya. Nagtatanong ang ekspresyon ng mukha ko pero malawak lamang na ngiti ang isinagot niya sa akin. “Huwag ka ng lumingon,” aniya. “But the gate…” “Leave it open. Hayaan natin siyang makalabas.” “Ha?” Muli niya akong iginiya papasok sa bahay. And as he closed the door ay agad kaming nakarinig ng putukan ng baril sa labas. Hindi ko alam kung anong una kong gagawin. My hands were trembling in fear. Isinarado ko ang mga bintana at aligaga kong pinagsasasara ang mga kurtina, hanggang sa sandaling namutawi ang katahimikan. Akala ko ay tapos na. Pero napasigaw ako sa gulat nang isang putok ng baril ang narinig ko kasabay ng pagkabasag ng bintana malapit sa kung saan ako nakatayo. “f**k!” Isang malutong na mura ang pinakawalan ni Art at dagli akong niyakap. Hindi ko na alam kung saan na napunta ang ulam namin pero wala na akong pakealam doon. Yakap yakap ako ni Art habang naglalakad kami sa kung saan. Sunod sunod ang naririnig kong putok ng baril na tila pinapaulanan ng bala ang bahay ko. Napapikit ako ng mariin. Namalisbis ang mga luha ko sa takot na nararamdaman. Am I going to die? Hindi ko pa gustong mamatay! Gusto kong makasama ang mga magulang ko pero hindi sa kung nasaan sila ngayon. Sa gilid ng refrigerator kami nagtago ni Art. Sinulyapan ko siya at nakita kong may hawak na siyang baril. “You, stay here. Hangga’t hindi ako nakakabalik ay huwag kang lumabas,” aniya at iiwan na sana ako, pero maagap kong hinawakan ang kamay niya. “P-please don’t leave me,” pagmamakaawa ko. Tinitigan niya ako. Ilang sandali ang lumipas bago siya muling yumuko at pumantay sa lebel ko. “You’ll be safe here, Marga. Don’t worry.” Tuluyang nakalas ang kapit ko sa kamay niya. Wala akong nagawa kung ‘di ang pumikit na lamang ng mariin habang nasa magkabilang tainga ko ang dalawa kong kamay. I don’t know what happened next. Nagising akong nasa kwarto na at nakahiga na ako sa kama ko, may kumot pa. Iisipin ko na sanang panaginip lang ang lahat. Pero nang bumaba ako upang uminom ng tubig ay nakita kong may mga lalakeng nag aalis ng mga bubog sa sahig. May mga nabasag ding mga vase na kasama sa mga inaalis nila. “Miss Marga!” Tumakbo si Flint palapit sa akin. Kasunod niya si Nikki na ngayo’y may hawak pang baril. Agad niya iyong itinago sa likuran niya nang napansing nakatingin ako doon. “A-anong nangyayari?” tanong ko. “Are you okay?” Lumingon ako sa kabilang banda at nakitang naroroon si Art at humihithit ng sigarilyo. Itinapon niya iyon agad sa basurahang malapit sa kanya bago siya naglakad palapit sa akin. So… he’s a smoker. “Y-yeah…” “Sigurado po ba kayo? Hinimatay po kayo sa gitna ng—” Naputol ang sinasabi ni Flint nang agad na kinurot ni Nikki ang tagiliran niya. “Gusto mong magpa-check up?” tanong ni Art. “No!” maagap kong sagot. I’m a nurse myself. I can self medicate. Alam ko namang dahil lang iyon sa trauma ko. There’s no need for a doctor. I’m so sick of them. “Mabuti na lang at naisipan naming dalhan ka ng dinner,” ani Nikki. Lumingon akong muli kay Art. “Nag dinner ka na?” tanong ko. He shook his head. “Gutom na ako,” sabi ko. I want to talk about what happened. Pero mas okay kung hindi ako gutom. “We're going to have dinner outside, Marga. Change your clothes," ani Art. Napatingin ako sa suot ko at nakita kong naka-robe pa ako. Medyo manipis kaya medyo klaro ang bra at panty kong neon green. Lalo pa at masyadong mailaw ang buong bahay. Mabilis akong nagbihis ng matinong damit at bumaba. Pagkababa ko ay nasa labas na si Art kasama sina Flint at Nikki. Ang mga lalakeng nag aayos rin ng kalat kanina ay nawala na. Palaisipan pa rin sa akin kung bakit may hawak na baril si Nikki. Is she part of our group? Nagkibit balikat ako. Maybe she is. “I’m done,” sabi ko. Nilingon nila ako at agad na ngumiti sa akin si Flint at Nikki. “Let’s go,” ani Art at nagdiretso na sa kanyang sasakyan. “Miss Marga, alis na din po kami. Tawagan niyo lang po ako kaagad kung may kailangan po kayo.” Tipid na tango at ngiti ang pinakawalan ko bago ako naglakad patungo sa sasakyan ni Art. Seryoso niya akong tinitigan nang nag angat ako ng tingin sa kanya pagkarating ko sa mismong harap niya. Pinagbuksan niya kasi ako ng pintuan. Bakit pakiramdam ko’y hindi na siya iyong Art na nakilala ko? He was damn serious. At nakakatakot ang pagiging seryoso niya! Nagbaba ako ng tingin at tahimik na sumakay sa sasakyan niya. Nang isarado niya ang pintuan ay pinanood ko siyang umikot papunta sa driver’s seat. “Saan mo gustong kumain?” “Ha?” Nagulat agad ako at iyon agad ang itinanong niya. The first time kasi na kumain kami sa labas ay hindi niya ako tinanong at siya ang nagdesisyon kung saan kami kakain. Nilingon niya ako kasabay ng pagbuhay niya sa makina. Ilang sandali kaming nagkatitigan bago siya nagtaas ng isang kilay at unti-unting sumilay ang ngisi sa kanyang labi. “What, Marga?” “Ha? Uh… W-wala naman.” “Saan mo nga gustong kumain?” “Uh… Doon na lang sa dating pinagkainan natin,” tugon ko. Kinagat niya ang labi niya at tumango saka niya ekspertong minaniobra ang kanyang sasakyan. Tahimik ko lang na pinapanood ang night life sa labas mula sa bintana ko habang nasa byahe kami. Nang nakarating tulad ng isang beses ay may valet na agad pumalit kay Art sa driver’s seat. Nakadikit ulit sa bewang ko ang kanyang kamay habang naglalakad kami papasok at iginigiya ng waiter sa table. Ipinaghila niya ulit ako ng upuan. “Thank you,” sabi ko nang naupo. Naupo rin siya sa harapan ko at agad na binigay ng waiter ang menu. Hindi katulad ng una ay barbecue ang in-order ko ngayon at nag rice na rin paired with a red wine. “Nga pala, nasaan na iyong ulam na ibinibigay mo sa akin kanina?” tanong ko pagkaalis ng waiter. Nagpigil agad siya ng tawa matapos marinig ang tanong ko. Nagbaba ako ng tingin. “Naisip ko lang kasing sayang iyon at hindi ko rin nakita kung ano iyon.” He nodded his head. “Bicol express iyon. Ibinigay ko na sa kapitbahay natin at nakakahiya dahil sa nangyaring gulo.” “I’m sorry, hindi ko alam na magkakaroon ng gulo… Kung saan wala na si Nikolai dito.” Naningkit ang mga mata ni Art. “Who’s Nikolai? Siya ba iyong bodyguard mo?” Kinagat ko ang labi ko at tumango. Hindi ko inaasahang mangyayari ito. Kanina lang umalis si Nikolai, feeling ko hinintay lang talaga nilang mawalan ako ng guard bago sila umataki. I think they were the people who killed my father. “Yeah.” “At sino iyong mga taong iyon kanina, Marga? They were so eager to kill you.” Binasa ko ang labi ko at umayos ng upo. “Hindi ko alam,” seryoso kong tugon habang diretsong nakatingin sa kanyang mga mata. “Pero bakit parang gusto ka nilang patayin? Paano na lang kung wala ako doon, Marga? Paano kung wala iyong bago mong bodyguard at iyong secretary mo?” Napainom siya ng tubig. “I’m sorry…” Biglang naging mabigat ang pakiramdam ko. Why do I felt like binigyan ko siya ng responsibilidad na protektahan ako kahit na hindi naman dapat? “No…” agap niya. “I’m sorry. I just got worried.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD