I chose the modern but minimalistic interior design for my office. A table and a chair sa gitna, malapit sa wall glass para pagkaikot pa lang ng upuan ko ay makikita ko na ang napakagandang view ng city. Sa kaliwang gilid naman ay naroroon ang mini library ko. I love reading books. Iyon ang naging buhay ko sa loob ng seven years, so yeah… Katabi lang din nito ang comfort room. On the other side is the bar counter for my coffee time. Mayroon ding table and chairs for four. I don’t know kung bakit four. I just think na baka magkaroon ako ng unexpected visitors and doon na kami kakain. And of course the big and white sectional sofa on the center for my visitors.
I chose the creamy white as the theme. Blackout curtains was installed also. It took us only two days to change the interior design of the whole office.
The next few days was like a hell week for me. There were hundreds of emails everyday na kailangan kong basahin at replyan isa-isa. Some of them were talking about investments.
“So how’s work?” Auntie Tonette asked me when we had the time for some kumustahan.
“Kung kaya ko lang iwanan itong kompanyang ito… Matagal na sana.” I sighed.
“Oh, Marga! Don’t say that… Kung nabubuhay lang ang daddy mo ay hindi niya gugustuhing marinig iyan mula sa iyo,” malumanay na saad ni Auntie Tonette.
“Iyon na nga, auntie, e. Sana ay nandito ka rin kasama ko.”
“Marga, alam mo namang hindi ako pwede d’yan. Kasama ako lagi ng kuya kapag may gulo. I’m sure kapag nagpunta ako d’yan sa Pilipinas ay siguradong mapapahamak ka lang dahil sa akin. I suggest also na mag hire ka ng sarili mong bodyguard.”
“Why? Nikolai is fine with me, auntie.”
“Hindi mo naman aalisin si Nikolai. Ang ibig kong sabihin ay iyong sarili mo talagang bodyguard. Kilala si Nikolai bilang bodyguard ng daddy mo. He has to lie-low, Margarita. I want him also to go here.”
“But who’s gonna supervised me, auntie?”
“Pwede ka namang tumawag sa akin. Kahit oras-oras pa iyan, Marga.”
Hindi ako nakasagot. Napabuntonghininga na lamang ako. Kapag si auntie iyong nagdesisyon ay talagang natatalo ako.
“F-fine…”
“Good.”
The next day is like a mourning day for me. I felt so sad as I watched Nikolai preparing his things. Isang oras na lang ay lilipad na ang eroplanong sasakyan niya papuntang USA. Kung kaya ko lang pigilan ang kamay ng orasan ay ginawa ko na.
“Hindi na ba pwedeng ipagpaliban ang pag alis mo?”
Nag angat ng tingin sa akin si Nikolai. Pareho kaming nakaupo sa dulo ng kanyang kama at magkaharap habang nasa aming gitna ang kanyang maleta na sinalansanan niya ng kanyang mga damit.
“Hindi pwede, Miss Marga. Magtataka ang Auntie Tonette mo kapag hindi ako dumating sa tamang oras.”
Nalukot ang mukha ko. “Bakit kailangan nating sundin si Auntie Tonette?”
“Marga… Gusto lang niyang mamuhay ka ng payapa rito. And besides, nandito naman si Flint. He can take care of you,” sabay lingon niya kay Flint.
Nilingon ko rin sa Flint na ngayon ay nakasandal sa hamba ng pintuan ng kwarto ni Nikolai.
“But, Nikolai…”
Gusto kong makalaya mula sa kanila. Alam iyon ng Diyos kung gaano ko kagusto. But on the contrary, ayaw ko ring mahiwalay sa kanila. Minsan ang gulo gulo ko na!
Isang matamis na ngiti lamang ang pinakawalan ni Nikolai. Isinara niya ang maleta at tumayo na siya.
“Hanggang kailan ka do’n?” naiiyak ko ng tanong.
“I don’t know. A month or more than a month. We’ll see, Miss Marga. We’ll see.”
Kinagat ko na lamang ang labi ko upang pigilan ang nagbabanta kong pag iyak. Napatitig sa akin si Nikolai. Mukhang nagdadalawang isip din siyang iwan ako sa ganitong sitwasyon.
“I’ll call you often so don’t be afraid.” Niyakap niya ako at agad rin akong yumakap ng mahigpit sa kanya.
Parang kailan lang noong ako pa ang sinundo ni Nikolai sa airport. Ngayon ay ako naman ang naghahatid sa kanya sa airport.
“At ano na namang drama niyang pa black outfit mo?” tanong ni Serra pagkarating ko sa office mula sa airport. Naabutan ko siyang umiinom ng juice sa couch at nanonood ng youtube.
“Siyempre nagluluksa ako kaya ganito,” tugon ko at naupo na sa table ko. Binuksan ko na ang monitor upang simulan muli ang trabaho sa araw na iyon.
“Tss… Kung makapagluksa ka, akala mo naman hindi na kayo muli pang magkikita. Nangibang bansa lang iyong tao, Marga, hindi naman namatay!”
Napabuga ako ng hangin. “Bakit ka na naman nandito?”
And then she sighed dramatically. “Ayaw mo rin ba ako dito? Akala ko ba friends tayo?” She pouted her thin cherry red lips.
“Bakit hindi ka sa office ng asawa mo tumambay?”
“Ayaw niya akong nandoon. Laging sinasabi sa akin ng mokong na iyon na my duty is just his wife. Kaya kung hindi naman ako kailangan ay manatili na lamang daw ako sa bahay niya. At ano namang gagawin ko doon? Ang tumihaya buong araw kasi may mga katulong namang ayaw akong pagtrabahuin? Na kahit paglalaba ng sarili kong panty ay ipinagkakait pa sa akin!”
Napailing na lamang ako at muling nagbasa ng emails.
“Gusto mong gumala? I’m getting bored.”
Nag angat ako ng tingin sa kanya at mataman siyang tinitigan. Mukha ngang bagot na bagot na siya sa buhay niya ngayon.
“Wala ka bang trabaho?”
Nagkibit siya ng balikat. “Mayroon naman. Kaso tinatamad pa ako.”
Talaga naman! Gusto ko na lamang mapa-facepalm sa narinig ko. Literal na prinsesa itong si Serra. Nasanay sa marangyang buhay kaya kung feel niyang magtrabaho o hindi ay nasa kanya ang desisyon niyon. I wonder how Spike Guillermo handle his wife.
“Si Nikki na lang isama mo, kailangan kong tapusin ito.”
Marahas na nagbuga ng hangin si Serra at agad na tumayo.
“You’re such a kj, Marga,” aniya at lumabas na ng office.
Nakita kong kinakausap na niya si Nikki sa labas. At ang butihin kong sekretarya ay panay ang nakaw ng tingin dito sa office ko. Alanganin ang ekspresyon ng mukha at mukhang nagdadalawang isip. Ilang sandali lang ay bumalik si Serra sa office ko kasunod si Nikki.
“Gusto niyang makasiguro na ikaw ang may sabi na gagala kami. Hindi siya naniniwala sa akin. Hindi ba kapani-paniwala ang mukha ko? Sa ganda kong ito?”
My lips twitched. Ang kulit ni Serra.
“Sige na, Nikki. Sumama ka na. Enjoy your day,” sabay ngiti ko to give her the assurance na ayos lang sa akin ang pagsama niya kay Serra.
“Sige po, Miss Marga pero tawagan niyo po ko agad kung kailangan niyo ako.”
Agad akong tumango.
“Let’s go. Hindi ka niya kailangan, pinapaalis ka nga, e.”
Pinanood ko pa kung paanong kinaladkad ni Serra si Nikki palabas ng office bago ako muling bumalik sa trabaho.
Pero hindi pa nga ako tuluyang nakaka-focus sa pagtitipa ng email ay pumasok na si Flint sa office ko, nagmamadali.
“Miss Marga? Saan po ang punta nina Nikki at Ma’am Serra?”
Bahagyang kumunot ang noo ko. Bakit niya gustong alamin?
“Mamamasyal?”
“Po? Bakit po? Oras po ng trabaho, ah?”
Napabuga ako ng hangin. “Flint, ba’t ang dami mong tanong?”
“Nag-aalala lang po ako, miss.”
Mas lalong nangunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya. “Kay Nikki? Nag aalala ka kay Nikki?”
Unti-unti nang sumisilay ang ngisi sa aking labi nang hindi siya nakasagot. Hmm... Someone has a crush on Nikki.
“Don’t worry, Flint. I’m sure Serra will take good care of Nikki.”
“Sa labas lang po ulit ako, Miss Marga,” pagpapaalam niya.
“Yes please,” tugon ko.
Pagkalabas niya ay muling natahimik ang office ko. And finally, nakapag-focus na rin.
Alas siyete na ng gabi nang nakatanggap ako ng mensahe mula kay Serra.
Serra :
Katatapos lang naming manood ng movie. Mag di-dinner na kami. Gusto mong sumama? Nasa mall pa kami. Pahatid ka na lang kay Flint.
Nag inat pa ako pagkatapos kong basahin ang text message ni Serra. I was thinking of joining them. Pero gusto ko ng umuwi. Gusto ko ng magpahinga. Feeling ko na-drained ang utak ko sa trabaho.
Nagsimula akong magtipa ng mensahe para kay Serra. I decided not to go. Pero hindi pa ako nakakapitong salita ay may pumasok ulit na mensahe mula sa kanya.
Serra :
Next time na lang pala. Sinundo ako ng magaling kong asawa. Ihahatid namin d’yan pabalik si Nikki, don’t worry.
Hindi naman ako ang nag aalala masyado kay Nikki, e. Si Flint, na ngayon ay panay ang paglalakad ng pabalik-balik sa table ni Nikki at sa elevator.
I simply replied “Okay,” to Serra’s message at agad ko ng inayos ang table ko. Pagkalabas ko ay nagmadali agad si Flint sa paglapit sa akin.
“Miss Marga, uuwi na po ba kayo? Si Nikki po hindi pa po nakakabalik.”
Bumuntonghininga ako habang nakatingin kay Flint.
“Ihahatid na siya pabalik nina Serra dito, Flint. Let’s go, hindi ko dala ang sasakyan ko kaya ihatid mo na muna ako sa bahay ko bago mo sunduin si Nikki dito at ihatid sa bahay niya or… ayain mo siyang mag dinner sa labas. Gutom na iyon I’m sure.”
Nalaglag ang panga ni Flint sa mga sinabi ko. Now, he’s confused. Tipid akong napangiti at nilagpasan na siya. Nagdiretso ako sa elevator at agad na pumasok nang bumukas ito.
“Teka, Miss Marga,” habol niya sa akin at mabilis niyang isinilid ang sarili sa loob ng elevator bago pa ito magsara.
“B-bakit ko po siya aayaing lumabas?” inosente niyang tanong. Akala niya siguro ay hindi ko siya mahahalata.
Pumihit ako paharap sa kanya at magkalingkis ang mga braso akong nagbuntonghininga. “You know what, Flint. Para kang si Nikolai…”
“Ano po si Sir Nikolai?”
“Torpe,” ngiwi ko.