Amory's point of view ______________________________________ "Wow! Nakita niyo ba yun?" Di makapaniwalang sabi ni Aspen nang bumaon sa dibdib namin ang mga gem stone. "Malamang nakita namin kasi magkasama naman tayo," pilosopong sagot sa kaniya ni Vesta. "Ang cool!" Namamanghang sagot ni Aspen. "So ano ng plano natin? Aalis na ba tayo dito?" Tanong ko sa kanila. "Siguro nga mas nakakabuti yun, baka kasi bigla tayong lusubin ng mga kampon ni Hades eh wala pa naman tayong kasama," nag aalalang sabi ko sa kaniya. "Sabagay tama ka diyan," pag sang ayon ni Vesta. Naglinis muna kami sa bahy nila Aspen at binalik ang baul sa ilalim ng kama. Nag meryenda na rin kami saglit at tinulungan namin si Aspen na mag balot ng mga damit niya para meron siyang magagamit sa pansamantala niyang pa

