Amory's point of view ______________________________________ "Sa totoo lang, hindi ako sigurado kung siya nga pero malakas kasi ang kutob ko ngayon," paliwanag ko sa kaniya. "Walang problema yan Amory, we can always try. Malalaman natin yan kung pupuntahan natin siya ngayon so tell me who is this person," usal ni Vesta na agad din namang lumapit sa akin. "Si Clay," seryosong sagot ko. "What do you mean si Clay? Si Clay ba na pinuntahan natin nung isang araw?" Tanong sa akin ni Vesta. "Oo Vesta siya nga," sagot ko sa kaniya. "But what made you think na si Clay nga talaga ang posibleng may ari ng gem stone?" Tanong naman ni Aspen. "Hindi ko alam eh pero malakas talaga ang kutob ko na siya ang may ari ng gem stone. Malakas din ang kutob ko na baka isa siya sa atin," usal ko sa ka

