Prologue
Prologue
"S-saan ka pupunta?" Mahinang tanong ko sa asawa kong si James, kahit alam kong masasaktan ako sa isasagot niya ay nag tanong pa din ako, pero kailangan kong malaman kung saan siya pupunta kahit ikakadurog pa ng puso ko yung isasagot niya.
Tiningnan niya muna ako bago siya sumagot, kitang kita mo yung galit sa mga mata niya
"Sa kama ng babae ko why? You want to come with me, and watch me while doing it with other girl, you want that?" Naka-ngising sabi niya, nag iwas ako ng tingin at hindi nalang nag salita.
Nasasaktan ako sa sinasabi niya at sinasabi niyang gagawin niya.
Hindi ko na kayang pigilan pa yung pag tulo ng luha ko, naiiyak ako sa paraan ng pakikitungo niya sakin.
"Ano? Iiyak ka na naman ba diyan? Huwag ka ngang mag drama! Ginusto mo ito diba? Tumabi ka nga diyan aalis na ako!" Tinulak niya ako para makadaan siya, hindi ko na mapigilan yung mga hikbing kanina ko pa pinipigilan.
"A-anong o-oras ka m-makakauwi?" nauutal kong tanong. Oo ako na ang tanga, tinatanong ko pa siya kung anong oras siyang makakauwi sa pambababae niya pero anong magagawa ko isa lang ako sa mga babae sa mundo na nagmamahal at kayang magpakatanga para sa isang lalaki
"Pag nag sawa na ako." Walang emosyong sabi niya, tumulo nalang ng tumulo yung luha ko.
Aalis na dapat siya ng pigilan ko siya at hawakan sa braso pinaharap ko siya sa akin at agad na niyakap, ramdam ko ang paninigas at gulat niya sa ginawa ko.
"G-ganito nalang ba tayo palagi? James namimiss ko na yung dati--" Bago pa ako matapos sa sasabihin ko ay naitulak na niya ako palayo sa kanya,
Galit lang ang mga makikita mong emosyong nasa mata niya.
"SHUT UP b***h! SHUT UP!" Pasigaw at mariing niyang sabi sa akin. Natahimik ako sa ginawa niya, Marahas niya akong tinalikuran at padabog na sinarado ang pintuan.
Wala akong magawa kundi ang umiyak na lang dito. Wala ng mas sasakit pa sa nararamdaman ko ngayon parang pinukpok ng martilyo tinapaktapakan at higit sa lahat tinapon lang ang puso ko
Nasasaktan ako. Nasasaktan ako sa pinaparamdam niya sakin sa ginagawa niya, hindi ko na alam yung gagawin ko. Hindi ko na alam..
Simula noong ikinasal kami 5 months ago, Ganyan na yung pakikitungo niya sa akin. Kung ituring niya ko parang isa lang ako sa mga babae nya.
Ipinaparamdam niya sa akin na wala akong halaga sa kanya at nasasaktan ako ng dahil dun pero iba yung pinaniniwalaan niya pinaniniwalaan niyang hindi ako nasasaktan at hindi ko siya mahal.
Oo, Hindi niya ko sinasaktan Physically. But emotionally oo sobrang nasasaktan ako.
He doesn't love me
He doesn't care for me
He always made me cry
He always cheats on me
He doesn't trust me
He's a Jerk but I love him, I really do!
I am Steffie Montes-Quiamco 21 years old, and I'm inlove to My Jerk Husband