Elisha's Point Of View
KINABUKASAN
DAY 3
06:45 AM
Dalawang araw na ang nakalipas ngunit hanggang ngayon ay naglalakad pa rin kami.
Nang mag-umaga napagdisesyonan naming ipahinga ang sarili dahil sa nangyari kahapon kina Ara ay nag-a-alala sila na maaring maulit pa ang mangyari.
Naibaling ko ang paningin kay Ara na kinakausap ang kaibigan niyang maayos na ang kalagayan.
"Wala ka na bang nararamdaman na masakit sayo?" Tanong ni Ara sa kausap.
"Ayos nga lang ako,'wag mo akong alalahanin." Mahihimigan sa boses nito ang pagiging paos.
Hindi ba talaga pa siya magaling? Iniwas ko ang paningin sa dalawa at tinuon ang paningin sa apat na lalaki na halatang may seryosong pinag-uusapan dahil si Raphael ay tutok na tutok kay Cedric. Halatang nakikinig talaga siya,ano kayang pinag-uusapan nila?
Tumayo ako dahil gusto ko na mag-lakad-lakad mag-isa.
Nagulat ako ng may humawak sa kamay ko para alalayan ako tumayo. "Kaya mo ba ang sarili mo?" Nilingon ko si Daisy at bakas sa mukha niya ang pag-a-alala.
Bumuntong-hininga akong lumayo sa kanya,"hindi mo ako kailangan tulungan." Aniya bago lumakad ulit.
"Elisha naman,"sumunod siya sa akin.
Hinarap ko siya,"ilang ulit ko ba'ng sasabihin sayo na 'di ko kailangan ng tulong mo."
Nagulat naman ako ng may humatak sa akin paharap sa likuran ko,bago pa ako nakapagreklamo ay nakatanggap na ako ng sampal.
F*ck!
Matalim kong iniangat ang tingin sa kaharap ko pero agad din akong tumiklop ng makita ko ang galit sa mata ng pinsan kong si Cedric.
"Ano ba'ng nangyayari sayo at nagkakaganyan ka?!"
Mariin akong napapikit dahil sa galit ng kaharap ko, ngayon nilang ako sinampal. Pakiramdam ko anumang oras ay iiyak ako sa harapan niya,iyon ang ayaw kong gawin dahil alam ko na nakatingin sila ngayon sa akin.
Ako ba dapat ang mag-tanong sa sarili ko, ano ba'ng nangyayari sayo Elisha?
Bakit ganito ako?
Anong dahilan?
Kahanga-hanga lang dahil nakuha kong 'di bumagsak ang luha ko sa harapan niya.
"Wala," giit ko at tinalikuran sila. Huminto naman ako ng makita ko si Miracle na nakatingin sa akin. "Mabuti naman at ayos ka na." Iyon lang ang sinabi ko bago lumakad at lagpasan siya.
"Cedric, hayaan mo muna siya."
"Pero kailangan ko siyang pagsabihan,"
"Mamayang tanghali muna lang siya kausapin 'pag umalis na tayo."
Dapat ba akong magpasalamat sayo Miracle?
Pansin ko lang ang tingin nila sa akin ay kakaiba para ikataka ko.
May mali ba akong nagawa?
Napangiti naman ako ng makahanap ng puwesto na mauupuan at nakakasiguro ko na wala ng mang-aabala sa akin, wala nga ba? Napangiwi ako ng makaupo ng makita ko si Ara na halatang pupunta sa akin.
Hindi nila talaga ako patatahimikin? Nakatitig ako kay Ara hanggang sa nasa harapan ko na siya. Ngumiti pa ang gaga, akala niya siguro ay matutuwa ako na nasa harapan ko siya.
"Umalis ka na,"dapat ko siyang unahan dahil alam ko na madaldal ang babaing 'to na maraming baon na sasabihin bago siya pumunta sa akin.
"Gusto ko lang naman makipag-usap,"katwiran niya.
"Ako hindi." Iniwas ko ang tingin sa kanya dahil sa nangungusisang tingin niya.
Wala ba talagang magawa siya sa buhay niya?
"Masakit ba ang pagsampal niya sayo?"
Hindi naman ako makapaniwalang tumingin sa kanya pero dahil sa inosenteng mukha niya ay napahilamos ako ng mukha ko.
"Gusto mo ba'ng subukan ko sayo para malaman mo?" Inis na tanong ko sa kanya at akmang sasampalin ko siya na agad niya namang hinarang ang kamay niya sa mukha kaya bahagya akong ngumiti at agad din nainis ng tingnan niya ako.
Ano ba'ng kamangmangan ang merong babaing 'to?
Nagulat naman ako ng matawa siya para kumunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya.
Napahalukipkip nalang ako habang pinagmamasdan siya at hinayang matawa para mamatay ka sa kakatawa gusto kong matawa dahil sa naisip ko sa babaing'to.
Tila na tigilan siya at nanahimik ng makita niyang 'di ako natutuwa.
Kaswal siyang umayos ng upo at bahagyang umubo pa,"pasensya na...'di ko kasi maiwasan na matawa sa reaksyon mo."
Ano bang nakakatawa reaksyon ko? Samantalang nainis ako sa tanong niya.
"Umalis ka nalang dahil hindi ako natutuwa sa ginagawa mo,"
Narinig ko naman ang mahinang buntonghininga niya. "Inobserbahan kasi kita,"paninimula niya habang nakatingin sa akin. "Mula kahapon ay alam ko na may bumabagabag na sayo at napapansin ko 'yon."
"Ano ba'ng punto mo?"
"Na hindi ka nag-iisa."
Natigilan naman ako sa sinabi niya kaya agad kong iniwas ang tingin sa kanya.
Ano ba'ng alam niya?
"Pwede bang diretsohin muna ako? Hindi 'yong kung ano-ano pa ang sinasabi mo sa akin."
"May nangyari o nakita mo na ayaw mo'ng sabihin sa iba,tama ako 'di ba?"
Napatitig ako sa kanya,"p-p'ano mo nalaman?"
"So tama nga ako?"
Iniwas ko ang tingin sa kanya.
"Napansin ko kasing panay tingin mo sa paligid,"dugtong niya para ibalik ko sa kanya ang tingin ko.
Ano pa'ng dahilan para itago ko sa babaing 'to kung may alam na siya
Umayos ako ng upo para harapin siya ng seryoso.
"Makikinig ka ba sa sasabihin ko? 'Wag mo akong pagtatawanan kapag nagsimula na ako,'wag na 'wag mo'ng sabihin sa iba." Maski nag-a-alangan ako ay sigurado naman na magiging matino ang kausap ko ngayon.
"Ganito 'yon..." Ipinaliwanag ko sa kanya ang lahat lahat at nakakatuwa lang dahil seryoso siyang nakikinig sa akin hanggang sa matapos ko sabihin sa kanya ang lahat ng nakita ko.
"Ano sa tingin mo?"
"Saka nalang natin pag-usapan 'yan,ang mahalaga ay nasabi mo na ang pangamba mo sa akin." Tatango-tangong sabi niya.
"Sumunod ka sa usapan ah?" Inialok ko ang kamay ko sa kanya para makipag-kamay na agad niya namang tinugunan.
"Yeah,"iyon lang ang sinabi niya bago tumayo. "Sa susunod kung may kailangan,'wag kang mahihiya na lumapit sa akin." Ngumiti siya sa akin bago niya ako talikuran.
Nasundan ko nalang siya ng tingin,sana tama ang ginawa ko na kausapin siya.
Magiging panatag na ako ngayon dahil may nakikinig na sa akin at nakakaunawa sa sinasabi ko,sadyang may sapak lang siya sa ulo. Napailing ako sa naisip ko.
Matatawag ko na ba siyang kaibigan no'n?
"Aalis na tayo." Anunsyo ni Cedric para tumayo ako at lumapit sa kanila.
"Tara na,"iyon lang ang sinabi ko sa kanya ng makalapit ako.
Ngumiti naman siya sa akin,"mukhang ayos ka na?"
"Mukha nga,"nakangiwing sabi ko sa kanya.
Hindi na ako nagsalita at itinuon ko nalang ang atensyon ko sa paglalakad.
Huminto kaming lahat ng bumungad sa amin ang putol na tulay.
"Paano na 'yan?" Nilingon ko si Ara na nakatingin sa putol na tulay.
Tatlo lang kami na nakatingin ngayon sa tulay pero 'di ko maiwasang kabahan.
Nagitla ako ng makaramdam na parang may tumitingin sa akin kaya agad kung nilibot ang tingin ko. Nakaramdam naman ako ng bahagyang kaba dahil ganito ang naramdaman ko ng mga oras na may nakita akong ibang tao sa paligid namin.
Tumaas ang kilay ko at nakahinga ng maluwag ng makita ko si Raphael na nakatingin sa akin.
"Anong tini-tingin-tingin mo diyan?"
Nakatitig lang siya sa akin kaya 'di ko maiwasang magtaka sa lalaki.
Nabaling ko ang tingin sa gilid ko ng may humawak sa balikat ko.
"Hey!"
Nagulat naman ako ng makita ko si Raphael na papalapit sa amin na nakakunot ang noo.
"Bakit ganyan ka nakatingin sa akin?" Tanong niya ng tukuyanba siyang makalapit sa akin.
"R-raphael?" Bakas sa mukha ko ang pagtataka ng makita ko ang lalaki na nasa harapan ko na.
Paano nangyari 'yon?
Lumingon muna ako sa tiningan ko kanina at halos kumabog ang dibdib ko ng makita ko na nando'n pa rin ang lalaking kausap ko ngayon.
Ano 'to, double ganger?
Napahilamos ako ng mukha at mariing pinikit ang mga mata at iniisip ang nakita ko kanina.
Panaginip lang 'yon at sigurado ako do'n,
"May nahanap na akong daan,"nakangiting sabi niya sa katabi ko.
"Mabuti naman,"
Nakatingin lang ako sa dalawa hanggang sa tinuro ni Raphael ang daan na sinasabi niya kay Cedric. Tinawag niya rin ang iba na nahanap niya na ang daan at lahat sila ay makikita sa nga mukha nila ang pag-asa dahil sa sinabi ni Raphael sa kanila.
Pero bakit iba ang nararamdaman mo, natatakot ako na may mangyaring masama sa amin sa loob ng gubat na tinuro ni Raphael.
Sana walang may mangyaring masama sa amin,
Sana,