Double Ganger 1.1

1469 Words
Miracle's Point Of View 08:30 AM Huminto kaming lahat ng bumungad sa amin ang putol na tulay. Nilingon ko ang iba na mababakas sa mga mukha nila ang pagkagulat sa nakita. Ibinalik ko ang paningin ko sa harapan ko. "Imposible naman ata 'to,"puna ni Raphael na nasa kaliwa ko. Nabaling ko ang tingin sa kanan ko ng hawakan ni Ara ang braso ko. "Hindi ko na masyadong makita ito dahil sa lalim,"pansin ni Ara habang inobserbahan ang lalim ng hukay. Nilingon ko naman ang ibang kasama namin at lahat sila ay nakatingin sa harapan kaya naman binalik ko ang paningin ko sa harapan. "Ano na ang gagawin natin?" Nakakunot ang noo na tanong ni Raphael ng ibaling ko ang tingin sa kanya. "Kailangan nating gumawa ng paraan,"nilingon naming tatlo ang likuran namin at si Green na prenteng nakahalukipkip na nakatingin sa amin. "Paano naman?" Napatingin naman ako kay Cedric ng lumapit siya sa amin. "Guys! Over here!" Lumingon kaming lahat kay Daisy ng marinig namin ang boses niya. Nasa gilid siya ng kalsada pero 'di tumagal ang tingin ko sa kanya dahil naagaw 'yon ni Ethan ng seryosong nakatingin sa amin. "Anong meron?" Tanong ni Cedric ng makalapit na kami sa dalawa. Nakatitig lang ako kay Ethan ng kalabitin ako ni Ara kaya tiningan ko siya ng may pagtataka. Hindi ko nga lang inaasahan ang nangungusisang tingin niya sa akin bago niya sinulyapan si Ethan na nakatingin na kay Cedric. "Bakit gano'n nalang ang tingin mo kay Ethan?" Bulong niya sa akin. "Anong tingin?" Napakamot ako ng ulo habang inaalam kung paano ko ba tingnan si Ethan para maging ganito ang katabi ko. Paano ko ba tingnan si Ethan kanina? "Hindi na ba tayo matutuloy?" Naialis ko ang tingin kay Ara para tingnan si Elisha na nakatingin kay Ethan. Ano bang pinag-uusapan nila? Hindi ko nakuhang makinig sa kanila dahil kay Ara kaya ngayon ay para akong tanga na nangangapa sa pwesto ko dahil palipat-lipat ang paningin ko sa tuwing may magsasalita sa kanila. Hindi ako relate,napayuko nalang ako dahil sa wala naman akong masabi sa pinag-uusapan nila kaya mas maganda na manahimik nalang ako. "How about you Miracle?" Napaangat naman ako ng ulo ng marinig ko ang pangalan ko. "Ha?" Tiningan ko sila isa-isa para alamin kung sino ang nagtanong sa akin. "Ano sa palagay mo kapag tinahak natin 'yang gubat na 'yan?" Turo ni Green na nakaturo sa unahan namin. Lumagpas ang tingin ko kay Ethan dahil nasa harapan ko siya. "Wala tayong kasiguraduhan sa loob ng gubat na 'yan,"naging seryoso ang mukha ko. "Pero walang kasiguraduhan kung nandito lang tayo at walang gawin." Dugtong ko bago inalis ang tingin sa gubat at ngumiti na tiningan si Green. Tinaasan niya ako ng kilay,"iyon na 'yon?" Sumalpok naman ang kilay ko sa tanong niya,"ano bang inaasahan mong isasagot ko sayo?" Umiling lang siya sa akin at nilapitan si Ethan. "Pasukin ba natin? Magsalita na siya," Kumunot ang noo ko dahil sa hindi ko narinig ang huling sinabi niya dahil lumayo na silang dalawa ni Ethan na nakasunod sa kanila si Raphael na may ngisi sa labi. "Ano 'yon?" Pareho kaming napatingin ni Ara sa isa't isa dahil sa sinabi namin. "Pareho yata kayong may iniisip na iba?" Tiningan namin ni Ara si Cedric na nakangiti sa amin. "Narinig mo ba 'yong huling sinabi ni Green?" Tanong ni Ara sa kanya,samantalang inaantay ko naman ang magiging sagot niya. Ngumiti siya kay Ara bago umiling na nilingon ako. Bagsak ang balikat naming dalawa ni Ara na nauna sa kanya. "Ano kaya sa tingin mo ang sinabi niya?" Nakangusong sabi ng katabi ko habang ang kanyang paningin ay nakatingin kay Green. "Hindi ko alam,"sagot ko sa kanya bago binilisan ang paglakad. "Ang bagal mo,"natatawang dugtong ko kay Ara matapos na makalayo ako sa kanya. "Hintayin mo 'ko!" Sigaw nito. Ngumiti akong huminto nang harapin siya ay nagulat ako dahil sa biglang pagyakap niya sa akin at kasabay no'n ang tawa niya na masarap pakinggan. Ngayon ko lang ulit narinig ang tawang 'yan, "Nahuli rin kita,"nakangiting sabi niya sa gitna ng pagyakap niya sa akin. "Masaya ka 'ata ngayon ah?" Nakangiting sabi ko. Humiwalay naman siya sa pagyakap sa akin. "Masaya? Lagi namang masaya ako," "Pero ang ngiting 'yan ay 'di ko nakita,"hinawakan ko ang magkabila ang pisngi niya ng may kislap ang mga mata ko na tinitigan ang magandang mukha niya. Nakita ko naman ang gulat sa mukha niya na inaasahan ko naman na. Agad niyang tinapik ang palad ko sa pisngi niya,"ano bang pinagsasabi mo d'yan?" Iniwas niya ang tingin sa akin. Napailing lang ako dahil masyado halata siya pero nakuha niya parin na tumangi. Ano bang magagawa ko Ara? "Hindi ba kayo nandidiri sa isa't isa, kulang nalang ay maghalikan kayong dalawa dahil sa lapit ninyo sa isa't isa." Nakangiwing sabi ni Elisha na 'di ko naman inaasahan dahil hindi lang siya ang nakatingin sa aming dalawa ni Ara. Huminto pa talaga silang lahat sa paglalakad para tingnan kami Agad akong lumayo kay Ara para lingunin ang mga matang nakamasid sa amin. Lahat sila ay kakaiba Napansin sigurado nila na nagtataka ako kaya kanya-kanyang iwas ng tingin sila sa akin para ikamot 'ko ng ulo na binalik ang paningin sa kaibigan. "Anong meron?" Tanong ko sa katabi matapos na pinagpatuloy namin ang paglalakad. "Bakit?" Balik niyang tanong sa akin. Lumapit naman ako sa kanya ng bahagya upang ibulong ang nais kong sabihin sa kanya. "Hindi ka ba nagtataka sa mga tingin nila sa atin?" Sinulyapan ko pa ang iba. "Wala naman,pero pansin ko lang sa isang tao na may kakaiba sa kanya." Aniya na may puna sa sinabi bago lumingon siya sa likuran namin kaya lumingon rin ako at si Elisha na kasama nitong kaibigan na si Daisy. "Ano namang kakaiba kay Daisy?" Nakakunot ang noo ko na tanong sa kanya at nangungusisang tinitigan ang dalawang babae na halatang walang alam. "Hindi ko namang sinabi si Daisy,obserbahan mo kase ng mabuti." Bakas sa boses niya na ang pagkairita sa akin. Tulad ng sinabi niya ay inobserbahan ko si Elisha ang kaso nga lang naman ay wala talaga akong makita na masama sa babae. Bakit kasi 'di niya nalang sabihin sa akin? Pinapahirapan niya pa ako "Si Elisha pa rin naman 'yon,"binalik ko ang tingin sa kanya ng may inis. "Hindi mo kasi naiintindihan e," "Ipaintindi mo nga kasi!" "N-nasasaktan ako Elisha," tama ba ang pandinig ko sa likuran namin. Hindi ko na nakuhang magtanong pa kay Ara dahil lumingon na ako sa likuran ko at si Daisy ay mababakas sa mukha niya ang takot habang nakahawak sa palad ni Elisha na parang pilit niyang inaalis ang kamay ng kaibigan niya sa leeg niya. Hindi ko maproseso ang nangyayari pero isa lang ang dapat kong gawin. Kahit na nanginginig ako ay nakuha kong ihakbang ang mga paa ko papalapit sa dalawa at marahas na tinanggal ang kamay ni Elisha sa leeg ni Daisy. "Elisha! Ano ba!" Agad kong iniligay si Daisy sa likuran ko at makikita sa mukha nito ang takot para ikataka ko. "U-umalis ka," "Umalis ka," Tinambol naman ang puso ko ng dahan-dahang iniangat ni Elisha ang tingin niya sa akin. Tama ba ang nakikita ko o namamalikmata lang ako? Hindi ordinaryong tao ang kaharap ko Bago pa may mangyaring masama sa aming dalawa ni Daisy ay minabuti ko na hilahin siya papalayo sa babae kasunod no'n ang pagtakbo naming dalawa papunta kay Ara na mababakas sa mukha ang pangamba sa nasaksihan niya sa pagbabago ni Elisha. B-bakit naging gano'n siya? "T-ara na,"agad ko hinawakan si Ara para hilahin din papalayo sa babae. "Anong nangyari sa kanya Daisy?" Tanong ng katabi ko. Naghihintay lang ako ng isasagot ni Daisy sa tanong ni Ara sa kanya ng bigla na hinila siya ni Elisha papalayo sa aming dalawa ni Ara. "Anong ginagawa ninyo sa kanya?" Nanlilisik ang mga mata ni Elisha na nakatingin sa aming dalawa ni Ara. Bahagyang umatras ang kaibigan ko dahil sa gulat nito ngunit ako'y nakatingin lang sa babaing nasa gilid ko. Lumunok muna ako,"anong nangyari sayo? Bakit ka nagkakaganyan?" Sunod-sunod na tanong ko sa kanya. Binalingan niya ako ng tingin dahil nakatingin siya kay Daisy na may nagtatanong na tingin. Bakit siya ganyan? "Miracle, umalis na tayo." Napatingin ako kay Ara ng hawakan niya ako. "Anong ginagawa mo?" "Kailangan ata nilang mag-usap dalawa," Muling binalingan ko ng tingin si Elisha bago nilingon si Daisy na nakatitig sa kaibigan nito. "Daisy?" Nakangiti itong tumingin sa akin,"don't worry about me,tulad ng sinabi ni Ara ay nag-uusap lang kami ni Elisha." Kahit nag-a-alalangan man ay nakuhang tumango ako sa kanya at nagpatianod sa paghila sa akin ni Ara papalayo sa dalawa. "May alam ka ba sa nangyayari?" Tanong ko kay Ara ng tumigil ako sa paglalakad para harapin siya. May hindi ako nalalaman At dapat ko 'yong malaman
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD