TUGTOG ng musika ang siyang umaaliw sa tainga ni Misty. Sitting in a high chair at the counter where the bartender is busy mixing drinks for some customers in line. She did not come here to party dahil naka-coat pa ito na tila kagagaling lang sa trabaho. Her mind is still bombarded about Malcom.
“Hi,” untag ng lalaking naupo sa tabi niya. Hindi pinansin ni Misty ang lalaki at sa halip ay yumuko ito na isinandal ang ulo sa mga kamay niya.
“Miss?”
Umangat ng tingin si Misty dahil tila siya nga ang kinakausap ng lalaki. “What?” parang sinukluban ng kung anong masamang hangin ang kaniyang mukha.
“Chill,” itinaas niya ang dalawang kamay ng humarap ito sa gawi ni Misty. Ngumisi ang lalaki at nakatitig ito sa mukha niya. Wanna know how he looks?
He looks tall, his hair was neatly combed, he looks fresh, his teeth were pearly white and looks clean, his nose looks sexy perfectly shaped with his gorgeous eyes and his lips were cherry pink. Well, kahit ganito ang tayo niya ay hindi naman ikinamangha ni Misty.
“I didn’t mean to disturb your meditation,” he spoke while he still smiles on her.
Umayos ng pagkakaupo si Misty at hinarap ito. “What do you want?” nakasalubong ang kilay niya na tila ba ito ang pinagbubuntungan niya ng lahat ng galit sa mundo.
“Nothing,” his lips curled. “I just thought if it would be fine if I sit here beside you, baka may kasama ka,” saad nito.
Hindi nakasagot agad si Misty. But she gasped for air first before speaking a word.
“Are you blind?” nakasimangot pa rin ito. “Wala akong kasama. Anong kailangan mo?” may kapintasan ang tono nito.
“Relax hindi ako kaaway, okay?”
Napakurap lang siya at hindi na umimik dahil nahimasmasan ito sa narinig mula sa lalaki.
“I am Gavin” he smiled at her. Tiningnan lang ni Misty ang kamay niya na sana ay makikipagkamay lang. Kaya naman ay ibinaba na lang niya saka humarap sa bartender. Sumenyas na bigyan siya ng maiinom.
“I don’t talk to strangers,” sabi niya.
“Well, a while ago, I was, but not now. You know my name, what about yours?”
Umayos ng pagkakaupo si Misty at humarap sa inumin niya. “Misty,” sagot niya.
“What a mysterious name, Misty. Beautiful yet it holds a lot of secret inside.”
“Whatever,” she uttered.
Natawa lang siya sa sagot nito.
“Are you always this cold?” kinuha nito ang inilapag na inumin ng bartender.
“Okay, dude I am sorry but please I did not come here for a chat,” Singhal niya.
Nagkibit ng balikat ito at ngumisi na lang dahil sa asal ni Misty at dude pa talaga ang tawag sa kaniya.
“Misty I am really really sorry, na-traffic ako. Ang dami-dami kong inasikaso sa office bago ako nakalabas. Alam mo ba na ang..” hindi mapigil ang bunganga ng kaibigan niya sa katatalalak.
Walang kung ano na bumaba ito sa upuan at yumakap sa kaibigan. Suminghap si Misty at hindi mapigil ang sarili. Kumawala si Rhale sa yakap niya. Nakatingin lang ang lalaki sa kanilang dalawa.
“What happened?” tanong nito. Hinila niya si Misty upang maupo silang pareho.
Misty told Rhale what happened to her brother. Tanging yakap lang ang nagawa ni Rhale.
These girls have been friends since college. At mula noon ay hindi na sila mapaghiwalay. Kaya naman tila nakakita ng kapatid si Misty sa kaniya. Hindi man lang pinansin ni Misty ang lalaki kanina. Nagtagal pa ang usapan ng dalawang magkaibigan pero bigla na lang pinutol ni Rhale ang usapan nila.
“Love pasensiya na, umuwi ka na kaya? Ihatid n akita kasi kailangan ko pa pala puntahan sina Dad sa Dasma. Nagpapasundo eh,” saad nito.
“Ganoon ba?” humugot na lang ng hininga si Misty at tumango rito.
“Hindi ka ba sasabay?”
“No.. Maya-maya na, maaga pa naman.” Umalis si Rhale at naiwan si Misty dahil ayaw naman nito umuwi.
Humingi pa ito ng pang-tatlong shot niya. Napalingon siya sa kaliwa niya pero wala doon ang lalaki na kanina ay kumausap sa kaniya. Nilagok niya ang lahat ng laman ng baso at nagsimulang kumilos para kumuha ng bayad sa bag niya.
“It’s on me,” saad ng lalaki. Napalingon siya sa gawi nito at nagtalim ang tingin niya. When she thought he left already, nasa tabi lang pala niya ito.
“Why would you do that?” tanong niyang diretsahan. Her hand is still on her bag. “I can pay for my own drinks,” pagyayabang pa niya na nakataas ang kilay.
“Please don’t refuse my kindness, Lady. Let me,” mahinahon na hiling ng lalaki. Hindi na siya sumagot at hinayaan niya ito na gawin ‘yon. Tumayo siya at kita niyang nagbayad ang lalaki at hindi man lang kinuha ang sukli sa halip ay binigay na lang sa bartender. Napangiwi siya dahil nayayabangan sa lalaki. Tumalikod siya at humakbang ngunit mabilis na humawak ang lalaki sa braso niya.
“What?” pasinghal niyang anas dito.
“Calm down. Kanina pa mainit ang ulo mo. I am here to offer you something, I think this will help you a lot,” sabi ni Gavin.
“Okay what is it?” tanong ni Misty na napasandal ang siko sa counter top.
“I didn’t mean to eavesdrop but if you want,” bungad niya.
“Ano nga?” naiirita na sabi nito.
“I can clear the debt of your brother, if..”
Natahimik si Misty sa narinig. This could be a great opportunity na mabayaran na lang ni Gavin ang mga nagawan ng atraso at hindi na ito makulong. Napalunok siya.
“Tell me,” saad niya kay Gavin.
“I want you to come with me,” Gavin told her.
“To where?” malakas ang pagkakasabi niya na ikinagaulat naman ni Gavin. Hinila niya ito at pinagilid na walang ibang makakarinig sa usapan nila.
After a minute of conversation, she walked out of the bar with him. Sumama ito sa sasakyan ni Gavin. Tila Madali siyang nagtiwala sa kaniya na ngayon ay sumama agad siya rito. Habang binabaybay nila ang daan ay bigla niyang sinambit.
“I want to go home,” sabi niya. Napalingon-tingin si Gavin sa kaniya dahil nagbago ang isip nito.
He stopped the car and opened the door for her. Nagtaas ng tingin si Misty sa kaniya habang naghihintay ito na lumabas.
“Are you really letting me go?” tanong niya kay Gavin dahil kanina lang sa bar ay inalok siyang maging escort nito sa isang party kapalit ng malaking halaga. All she has to do is assist him on his business dealings with his client in an exclusive party. They were supposed to head in a hotel together dahil doon ay naghihintay ang mga kakailanganin niya para sa event. But Gavin wont stop her from leaving.
Napalunok si Misty dahil sa nabigla rin siya sa sinabi niya. Bumaba siya at napayuko ngunit nahihilo na ito na biglang sumandal sa dibdib ni Gavin.
“That last shot’s too strong,” usal niya. Hinawakan siya ni Gavin at inalalayan na makatayo.
“I can send you home mukhang lasing ka na,” sabi pa nito.
“May expiration ba ang offer mo?” bigla lang niya natanong kay Gavin.