Matindi ang galit na pinipigilan ni King Voidron sa kanyang sarili. Ang mga ugat sa kanyang noo ay nagsisilbing ebidensya sa labis na pagkayamot at pagpipigil. Kaharap niya ngayon sa isang espesyal na treasure ang hari ng Middle blood na si King Offalon. Kahit nagtataka na masyadong bata ang itsura nito ay hindi na lang niya iyon labis na binigyan ng pansin. Mas nakatuon ang isipan niya sa sinasabi nito. Halos sumabog ang kanyang ulo sa galit sa ibinalita nitong kapangahasan sa kanyang pamumuno. Una ay middle shield. Sunod ay heavenly at ngayon ay immortal. Hindi niya maintindihan kung hanggang saan ang kakayahan ng kanyang makakalaban. Mistula siyang nangangapa sa dilim at walang ediya kung saan magsisimula. Katatanggap lang din niya ng ulat mula sa kanya vizier na totoo ang sinabi ni Kin

